CHAPTER 2: A MISTAKE
Naalimpungatan lang ako mula sa pagkakatulog ko nang may maramdaman akong sumusundot sa pisngi ko. Napakahaba rin kasi ng biyahe patungong eskwelahan. I can't help but to sleep.
"Fern nandito na tayo sa pinagmamalaki mong International School." sabi ni Kuya.
"Alam ko naman na mamimiss mo lang ako."
"In your dreams. Kaya umalis ka na may pupuntahan pa ko." sabi ni kuya sabay tulak sa kin palabas.
"Oo na. Oo na. Excited masyado. tss." saka ako lumabas ng kotse.
"Bye." Tumatawang sabi niya tsaka niya inistart ang sasakyan. Nagiging baliw na yata kuya ko ah. Pero di bale nalang basta nandito na ako! Kailangan ko na ring magmadali kasi mag-aayos pa ako ng gamit ko sa magiging dorm.
Nang sa wakas ay napaharap na ako sa magiging eskwelahan ko ay agad akong namangha sa aking nakita. Napa'wow' ako sa napakalaking imprastraktura sa aking harapan.
Gate palang ay napapanganga na ako. Parang hindi kapani-paniwala na nasa harap ako ng napakagandang obra maestra na ito. The description in the letter did not do any justice to it at all, this is beyond the word outstanding.
Isang napakalaking gray na gate ang sumalubong sa aking mata, may mga detalye itong hindi pangkaraniwan. Kung baga para itong gate ng isang mansyon na nagmula pa sa pinakamatandang era na alam ko.
Nakakabilib at hindi ako makapaniwala na dito na ako mag-aaral. Dahil sa pagkamangha ay hindi ko na namalayan ang pag-alis ng sasakyan ni Kuya, naibalik lang ako sa katotohanan nang mapansin kong wala pala akong ni isang gamit na hawak.
Ganon na lamang ang panlalaki ng aking mga mata nang mahinahuna ko na wala nga talagang ibang gamit ang naroon sa kinatatayuan ko. "Uh-oh.""Saan nagpunta yon?" di makapaniwalang sambit ko. "Saan na? Saan na?' nagpapanic na ang utak ko. I didn't even have my phone to call him. I screamed a series of curses inside my head. Cursing my brother for doing this to me. His prank has gone too far.
"Miss? May problema ba?" Nagitla nalang ako nang may boses ang biglang nagsalita sa likuran ko. Agad akong napaharap sa taong nagsalita only to find a guy na nakasuot ng white na polo at denim pants medyo may kahabaan ang buhok niya at iilan pa rito ay halos matakpan na ang kanyang mga mata. Kung titingnan ay mukhang kaedaran lang ni Kuya ang lalaki. 26 years old na kasi kuya ko. Matanda na nga pero isip bata pa rin.
"Meron, malaki." then I proceeded to explain to him the situation. I was so thankful nang maintindihan niya.
"Miss mabuti pang pumasok na muna tayo sa loob. Mas mabuti sigurong pag-usapan to kasama ang Headmaster, I'll get a student to lead you to him. May gagawin pa kasi ako." nakangiting sabi niya na ikinatango ko naman. That was the best possible solution for the current situation.
Iginiya na niya ako papasok sa malaking gate, agad naman itong nagbukas na hindi ko na ipinagtaka pa. Modern world na, it is understandable kung bakit may automated gate kaya naman hindi na rin ako nagulat nang sumarado ito ng kusa at paunti-unti.
Ngunit sa kabilang banda, inaamin ko na medyo kinakabahan ako sa nararamdaman ko. Para kasing may kung anong hindi tama nung naihakbang ko na ang mga paa ko palampas sa linya ng gate. Hindi ko maipaliwanag ng maigi ang pakiramdam basta ang alam ko ay may maliit na kuryente ang dumaloy mula sa paa ko papaakyat sa kabuuan ko. It is subtle but I still felt that weird tingling sensation.
Nagtaka ako syempre kaya napatingin ulit ako sa gate na ngayo'y unti-unti ng sumasara, binalingan ko ng tingin ang lalaki but he just gave me a knowing smile as if he's saying na normal lang iyon. Kaya't ipinagsawalang bahala ko nalang 'yon at mas tinuunan ng pansin ang napakagandang tanawing bumungad saakin.
BINABASA MO ANG
Lost Academy
FantasyExle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studying allowed her to be accepted in an international school for her Senior High. Having the acceptance letter at hand, she plotted her dreams i...