*Vlad's POV*
"Mag-usap na tayo." Seryosong sabi ko.
"Alam ko, alam ko." sabi niya saka tumayo sa inuupuan niya. "Umupo ka na muna iho." sabi pa niya. Sinunod ko naman sya at umupo sa sofa na nakalaan para sa mga bisita niya.
Pagkaupo ko ay inilabas na niya agad ang Glass Chess Board na dati pa naming nilalaruan. Ako ang nagregalo nito sa kanya at ako rin ang nagturo kaya ayan, sobrang nawili. Kada pag nagkikita kami naglalaro kami habang nag-uusap.
Tahimik kong iniayos ang mga pyesa. Itim ang akin, sya ang puti. Nangangahulugan yon na sya ang unang gagalaw sa aming dalawa. According to the rules ika nga, White moves first.
Nang maayos na lahat ang pyesa ay sinimulan na niya ang laro. Ang pawn na nasa gitnang bahagi sa harap ng King, ay iniabante niya ng dalawang hakbang pasulong.
"Ngayon ano ng susunod?" tanong niya.
Ngayon, ako naman ang gumalaw. Tinapatan ko ang pawn na una niyang ginalaw, inurong ko isang hakbang pasulong ang Pawn na nasa harap din ng King.
"Ikaw na ang gagalaw." sabi ko sabay tingin sa kanya.
"Ako na ba?" sabi niya at tumira na.
"Ganun naman talaga diba? Depensa muna bago Opensa." nakangising sabi ko at ginalaw ko na ang Horse sa may gawing kanan ng Queen.
"Nga naman." sabi niya at inilabas ang Bishop na sumusunod sa mga puting kahon pahalang. "Diba parang ang bilis naman ata?" tanong niya.
"Mabilis dumaan ang oras." sabi ko sabay kain sa Bishop na naiwanan ng ibang officials at walang suporta, gamit ang Horse. "Unahan ang larong to, hindi ba?" sabi ko pa.
"Pero kung minsan kailangan din may isakripisyo para manalo." nakangiting sabi niya at sinimulang isulong ang mga iba pang opisyal.
"At kung minsan kailangan ding kainin ang patibong para malaman ang susunod na plano ng kalaban." sabi ko.
"Magaling Vlad. Ang dami ko talagang natututunan sa'yo." natatawang sabi niya.
"Parang baliktad ata." sabi ko.
"Hahaha. Mas matanda ako, maraming karanasan ngunit nakakatawang isipin na sa isang batang katulad mo ako natututo." sabi niya at gumalaw na.
Nagpatuloy lang kami sa paglalaro ng Chess. Palitan ng tira at mga salita patungkol sa planong binuo namin, hanggang sa dumating na kami sa puntong nagkakainitan na ang laro maging ang mga salitang lumalabas sa bibig namin ay nagkakaanghangan narin.
"Hindi naman sa pinanghihimasukan ko ang buhay mo Vlad pero pano ako makakasigurong tama nga ang gagawin ko kung hindi ko naman talaga alam ang puno't dulo ng kaguluhang to?" tanong niya.
"Magtiwala." sabi ko. "Makakasiguro ka sa pamamagitan ng pagtitiwala."
"Magtiwala sa'yo? Hindi naman sa kinukwestyun ko ang kabutihan at kakayahan mo para ayusin ang lahat ng 'to ngunit diba parang masyado yung malawak na salita para ipagkaloob ko sa'yo ng ganon ganon nalang?" sabi niya.
Sa tono palang ng pananalita niya ay alam ko na ang patutunguhan ng pag-uusap na'to.
Sumandal ako sa sofa na inuupuan ko at nakangising tumingin sa kanya.
"Gusto mo ng kapalit, ganon ba?" Ngumiti naman sya sa tanong ko.
"Simpleng kapalit lang naman sa simpleng bagay na ipinapagawa mo sakin." sabi niya pa at ginalaw ang Queen niya.
BINABASA MO ANG
Lost Academy
FantasyExle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studying allowed her to be accepted in an international school for her Senior High. Having the acceptance letter at hand, she plotted her dreams i...