Flashbacks 2

79.8K 2.8K 502
                                    





"Ano na? Iiyak ka na lang dyan?" biglang tanong ni Eide matapos ang ilang minutong pakikinig sa mahihinang hikbing pinapakawalan ko. Naaasar na siguro syang makita akong umiiyak. Umiling iling ako saka ko pinunasan

ang mga luhang kahit anong pilit kong itago, lumalabas at lumalabas pa rin.

"Hindi habang buhay puro pasakit lang ang mararamdaman mo Vlad. May mga pagkakataon ding makakaramdam ka ng saya." sabi ni Eide nang umupo sya sa tabi ko.

"Yun nga eh. Inuna ko yung saya kahit alam kong marami akong masasaktan." sabi ko habang patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko.

"You knew from the very start that pain and happiness came alongside with each other. No Pain, No happiness. Kaya umasa ka, ang kasunod ng sakit na yan ay kasayahan." sabi pa niya. "Tsaka tao ka lang rin Vlad,

nagkataon lang na yan na ang tadhana mo." sabi niya na ikinatigil ko.

"Hindi pagkakataon ang pumili ng tadhana ko Eide. Ako yung pumili nito." sabi ko sa kanya.

"Kahit ano talagang sabihin ko may maipambabara ka pa rin eh no?" nagbibirong sabi niya."Kung hindi lang kita kilala baka matagal na kitang nasapak."

"Bakit hindi mo ginawa?" tanong ko habang nakatingin sa kawalan. "Diba nga gago ako?" natahimik sya saglit pero maya maya pa ay nagsalita siya.

"Hindi ko kaya Vlad. Kahit gaano ka pa katarantado, kaibigan pa rin kita. Yun ngang mga panahong ginamit ko sa sarili ko yung kakayahan ko hindi ko rin magawang tuluyan ka. Bakit? Kasi sa tuwing nakakaharap kita

naalala ko yung mga pagkakataong nagkukulitan at nag-aasaran pa tayo. Alam mo yun, may kung anong bumubulong sakin na hindi tama at hindi ko dapat gawin yun sayo. Dinadalaw ako ng konsensya ko Vlad sa tuwing

naiisip ko na dapat kitang tapusin dahil sa kataksilang ginawa mo sa aming lahat. Pakiramdam ko tinraydor ako ng matalik kong kaibigan. Nakakapangigil pero ang totoo masyado lang talagang masakit tanggapin yung

inakala kong katotohanan kaya ako nakaramdam ng galit sayo non." mahabang sabi niya. "Nakuha mo Vlad? Alam ko kung anong nararamdaman nila. Nagagalit sila sayo dahil hindi mo pa tinatama ang katotohanang

nakikita nila. Nagagalit sila dahil ang buong akala nila, makasariili ka at wala kang pakialam sa kung anong nararamdaman nila." natahimik ako sa sinabi niya. Tama sya. Nasaktan ko silang lahat at ni hindi man lang ako

gumawa ng hakbang para humingi ng tawad. Ni hindi ko man lang silang nagawang harapin nung panahong hindi pa huli ang lahat. Naunahan ako ng takot na baka isisi nila sakin at ipamukha nila sakin ang mga nagawa kong

mali.

"Naging bahagi rin sila ng buhay mo Vlad. Pakiramdam nila tinraydor mo sila kaya ka nila pinapahirapan ng ganito ngayon." sabi pa niya.

"Alam ko Eide pero kahit anong pilit ko sa sarili ko o kahit anong bulong ng utak ko sa puso ko na maling mali yung nagawa ko at kailangan kong pagsisihan at pagdusahan ang lahat ng yon, isa lang talaga. Isa lang ang hindi

ko kayang gawing mali sa paningin ko, Yung pagmamahal ko kay Alice, Eide. Yung puno't dulo kung bakit nagkakaganito tayo ngayon. Yun yung hindi ko kayang pagsisihan. Hindi ko kayang lokohin ang sarili ko Eide.

Sapakin mo man ako, saktan, bugbugin o kahit ano mang gusto niyong gawin sakin ngayon, hindi pa rin non magbabago ang katotohonan na kahit isang beses man alam ko sa puso ko, hindi ko pinagsisisihang minahal ko si

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon