My Protector

115K 3.4K 593
                                    

Hope you enjoy. ^^

zozozozozozozozozozozozozo

*Ley's POV*

"HAHAHAHAHA.. Anong kabaliwan ang ginawa mo Hollows? HAHAHAHA." pang-iinis ni Sambre. Di ko naman malaman kung anong dapat kong isagot.

Ano nga ba kasing naisip ko at ginawa ko yon? Aish!

Matapos ko kasing iwan ang babaeng yun ay dumiretso nako sa lugar sa gubat kung saan ako madalas maglagi. Sinasadya ko talagang sa gubat para walang makapansin at makasunod sakin. Delikado kapag malaman nila ang tungkol kay Sambre, maging ang council nga ay hindi ang alam ang tungkol dito tanging ako, si Sambre at... ang bearer ko lang.

At kailanman, wala na akong balak dagdagan ng isa pa ang mga nakakaalam.

"Naramdaman ko ang lakas ng tibok ng puso mo Hollows...HAHAHAHAHA.. Mag-ingat ka, baka yan pa ang ikamatay mo." sabi niya pa.

"T-tumigil ka nga! Alam kong ginagawa ko." inis na sabi ko.

"Nauutal ka Hollows? HAHAHAHA. Mukhang nag-iba ang ihip ng hangin. HAHAHAHA."

"Isa Sambre."

"At anong gagawin mo? HAHAHAHA. Iisa tayo Hollows. Kung anong sakit ang mararamdaman ko; sya ring parusa sa'yo."

"Hindi tayo kailanman naging isa." inis na sabi ko.

"Ano palang tawag mo satin?HAHAHAHAHA. Ganun pa rin yun."

"Tss." Sumunod naman namayani samin ang katahimikan.

"Binabalaan kita Hollows..." pambasag niya ng katahimikan. "Ang babaeng yun..."

"Ano?" pag-uusisa ko.

"Alam mo bang isang malaking pagkakamali ang nagawa ko?" Sabi niya. Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ang alin?"

"Ang nangyaring kontrata sa pagitan niyong dalawa." sabi niya.

"Buti alam mo." sagot ko.

"Mukhang hindi mo na pinagsisisihan ang nangyaring yun ah. HAHAHAHA."

"Noon Oo pero ngayon hindi ko na alam..." Bigla naman akong may naalala nung mga panahong yun. Yung panahon na wala syang kamalay malay na may nangyayaring kontrata na pala.

Hindi ko nga rin alam kung panong isang halik lang ay nakumpleto na ang kontrata, idagdag pa na hindi niya alam ang nangyari.

Sa totoo lang, sa aming mga protectors ang halik ay sagrado. Nangangahulugan kasi itong iniaalay namin ang buhay namin para sa kaligtasan ng mga bearer namin, ganun din naman ang nga guardian kaya tinawag itong pakikipagkontra.

Pero makukumpleto lamang ang pakikipagkontrata kapag bukal sa kalooban o kagustuhan ng bearer at protector. Nakakapagtaka nga yung saming dalawa, parehas naman naming hindi ginusto yon pero nakumpleto parin ang Contract.

Hindi mali. Kalahati ko lang ang may gusto, si Sambre. Ewan ko lang sa babaeng yun. Baka namang gising na sya nung ginawa namin yun at nagtutulog-tulugan lang. >:[

Pero kung alam na niya, bakit pa sya nagkukunwari? Aish.

Ang babae talaga, ang hirap intindihin! hindi ko mahuli kung ano ba talaga ang iniisip ng baliw na babaeng yun. ha! Ang lakas makatawa kapag kasama niya mga kaibigan niya pero kapag ako naman ang kaharap, kulang nalang ilibing nako ng buhay. Bakit? Ano bang nakakainis sakin? Mas nakakainis pa nga yung ubaning nakabuntot palagi sa kanya.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon