Lost Academy #20

156K 4.2K 481
                                    


Chapter 20: Trick

"R-rave, B-ba---" di ko alam kung anong sasabihin, nangangapa pa ko sa mga salita ngunit wala talaga. Nakain ng kaba at takot, kahit pa sabihin nating tinakpan ni Rave ang mata ko. Di pa rin maiaalis sakin ang thought na nakita ko na iyon, kitang kita.

"Pumunta ka sa Office niyo, tumawag ka ng kahit sinong teacher." seryosong sabi ni Rave dun sa babaeng sumigaw kanina lang habang takip takip parin ng palad niya ang mata ko.

"R-rave. D-di ko kakayanin dito." nanginginig na sabi ko sa kanya.

"Pumasok ka na." sabi niya. Agad naman akong tumakbo papasok ng kwarto, kumakabog parin sa kaba ang puso ko hanggang ngayon, nanginginig ang kamay ko. How can someone do that?! At sa isang estudyante pa talaga?!

Nasusuka ako sa nakita ko. Isang estudyante sa Lower Class ang puno ng dugo, tila ginilitan na parang manok sa leeg. I felt the familiar shiver ran through my spine, nakakahindik talaga. Kinalat pa sa lapag at sa dingding ang dugo nito and to think na ilang hakbang lang papunta sa dorm namin ang lugar na pinangyarihan, sigurado talagang may makakakita. Kaila-

"Nakita rin kaya nila Kayle yun?" takang tanong ko sa sarili ko. Posible rin, diba umuna sila ng labas sakin? At baka malamang nakita rin yun ni Rave o ngayon ngayon lang yun nangyari? Lalong gumulo ang isip ko! Wait.

Ano bang ginagawa ko dito? I should try to help! Witness rin ako. Tama, even though nakakasuka talaga makita yun pero hustisya narin para sa biktima. Tumayo ako para sana lumabas pero bigla nalang akong nahilo kaya napaupo ako, sinapo ko ang ulo ko pero humupa nalang din bigla ang pagkahilo ko kaya di ko na pinansin, di rin naman sumakit ang ulo ko eh.

"Tsk." napatsk nalang ako saka tinuloy ang binabalak ko.

Lumabas ako ng kwarto not minding kung anong posible ko pang makita, Di naman talaga ako natatakot sa mga ganyan ang kaso lang di ko maiwasang mandiri, at matakot dahil baka nasa paligid ko lang ang gumawa nun.

"Huh?" paglabas ko kasi sa kwarto wala nang tao pero nandun parin ang katawan ng estudyante baka siguro pumunta sila sa office para magreport tungkol dito. Lumapit ako sa patay na katawan, kumakabog ang dibdib ko habang minamasdan ko ang mga dugo na nasa lapag ewan ko ba kung bakit di ko magawang matakot sadyang kumakabog lang talaga ng malakas ang dibdib ko, feeling ko kasi may mangyayari pa.

Nakaka-ewan mang sabihin na Di ako nakakaramdam ng takot sa pastay na katawan. Strange, pero parang malakas talaga ang pakiramdam ko na may nangyayaring kakaiba at may bumubulong sakin na di dapat ako matakot kahit na nag-iisa lang akong nakatayo dito sa buong hallway ng dorm kaharapan ang walang buhay na katawan ng estudyante at puno pa ito ng dugo.

"May kakaiba talaga eh." Sabi ko habang nakatingin sa dilat na mata ng estudyante. Lumingon lingon ako sa paligid para makakita ng kahit na ano mang ebidensya, nag-ala CIS ako dito eh pero sa paglingon ko sa kanan, may nakita akong isang taong nakasilip, Nung napansin niyang nakatingin ako sa direksyon niya, bigla nalang syang umalis. Di ko nakita ang pagmumukha niya kaya tumakbo ako patungo sa kanya tapos bigla nalang umikot ang paligid, as in literal na umikot talaga. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo pero parang wala talagang hangganan. Alam ko namang hindi ako nahihilo pero bakit umiikot ang paligid?

"A-ano nanaman to?!" Sabi ko habang patuloy parin sa pagtakbo pero habang tumatagal lalong nagiging parang Vortex ang paligid.

"Nyemas naman oh!" Huminto ako sa pagtakbo. It's pointless naman kasi kung tatakbo lang ako ng tatakbo mapapagod lang ako at tsaka pare-pareho lang naman din ang madadaanan ko. Nagulat nalang ako nang biglang may nag appear sa harap ko, mga umaapoy at naka-disarrange na letters. Nakalutang ito at gumagalaw, parang may mga sariling isip itong nag-aassemble ng mga words and finally, after a couple of minutes nagform sya ng isang sentence.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon