*Asper's POV*
Peste. T.T Ano itong nagawa ko? Sumobra ata ako sa tapang.
Anong gagawin ko? Makikihiram ng powers kay Euria? Tapos ako laban sa lahat ng yun? Eh kay Chada pa ngalang tumatagilid nako pano pa kaya yung mga kasama niya?
Bumalik ako sa pagkakaupo saka inubob ang mukha ko sa mesa at pinukpok ko ng paulit ulit. =.= Bakit ba hindi gumagana utak ko dito? Ang tali-talino ko naman dati eh bakit ngayon kasing laki na lang ata ng munggo ang laman ng utak ko. T^T
may 'To Protect'- protect pa kong nalalaman nung nakaraang linggo. >.< ngayon pa nga lang nababahag na buntot ko!
Tama nga si Bayani Agbani sa isang palabas niya.. Sabi niya. 'A Tapang a tao, a pugot a ulo.'
Sigurado akong di magtatagal mapupugutan nako ng ulo dito.
Napaupo ako ng diretso nang may maalala ako.
Speaking of magtatagal... Diba nandito na ang headmaster? So kung kakausapin ko sya ngayon baka sakaling makaalis nako? At maiwasan ko yung Chess System nila? Magandang plano yun ah!
Pero... Pano na yung maiiwan ko dito? Marami pa naman akong tanong at gusto ko iyon masagot.
Magsisisi ba ako kung aalis ako dito? Pano ang guardian ko? Nakakontrata nako sakanya, di ko sya pwedeng iwan nalang basta basta. Pano sila Ashley? O di kaya si Euria? Hindi ko rin sya maiiwan. Pano si Rave?
Teka pano sya napasok sa usapan?! Aish!!
Ginulo ko ang buhok ko.
Gusto kong umalis pero may mga bagay akong di dapat iwan. Ano ba naman to!
"Anong ginagawa mo?" Boses pa lang alam ko na agad kung sino ang nagsabi nun.
Napatigil naman ako sa pagsasabunot sa ulo ko at napatingin ako sa paligid. Napapahiyang napayuko ako.
Halos lahat kasing nandon ay nakatingin sakin pero sa tingin ko'y hindi lang sakin sila nakatingin kundi pati na rin sa taong nasa harapan ko. Sino ba namang hindi mag-sta-standout kung siya lang ang may puting buhok sa lahat ng estudyanteng nandito? Idagdag mo pa ang bughaw niyang mata?
Kayo ba kung makakasalubong kayo ng taong ganon, tingnan lang natin kung di kayo mapapatigil at mapapatingin.
"Dumating ka pa." I snorted. Tinaasan naman niya ako ng kilay.
"Desisyon mo yun, Anong magagawa ko?" sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako dahil alam kong tama siya. "Ano nang gagawin mo?" tanong niya nang makaupo na sya sa upuan sa harapan ko.
"E-edi. Haharapin sila? Eh nandyan naman kayo eh. Tutulungan niyo naman ako diba?" sabi ko sabay pacute. Malay niyo, gumana. xD
Tinitigan niya naman ako.
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Hindi mo dapat iasa samin lahat ng problema mo." sabi niya. Oo na, Oo na alam ko naman eh. Kaya nga lang.... T.T
"Kung gusto mong mapag-isa sana sinabi mo na lang." sabi niya pa. Galit ba sya? Nagtatampo?
And then just like that umalis na sya.
"Anak ka ng kabayo!" nasabi ko nalang. Nagulat kasi ako ng may biglang humampas ng mesa at natapon ang ilan kong pagkain sa mesa.
"Hoy! Ano tong nabalitaan naming kausap mo kanina ang DP?!" Bungad na sabi ni Ashley. "Ay sorry. Nabigla lang." pahabol na sabi niya ng mapansing natapon ang mga pagkain ko. T^T At talagang siya pa ang nabigla saming dalawa ah!
"Ikuha mo ko niyan mamaya." Nakapout na sabi ko.
"Che! Wag mo kaming daanin dyan sa nguso mo. Asper naman." sabi niya at pumwesto na sila ng upo sa paligid ng mesa. Kasama niya sila Krema, Nikki, Ella, at Kayle. Na tahimik lang na nakatingin sa nagbubunganga.
BINABASA MO ANG
Lost Academy
FantasyExle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studying allowed her to be accepted in an international school for her Senior High. Having the acceptance letter at hand, she plotted her dreams i...