Chapter 21: Rumors
[ASPER]
Kinakapos ako ng hininga nang magmulat ako ng mata. Pakiramdam ko galing ako ng marathon at nagkaroon nalang ako bigla ng asthma. "Hoy!" Ang ganda ng bati niya ah. Alam nang naghahabol ako ng hininga dito hinu-'Huy'-huy pako. Sino ba kasi-Teka!
"R-rave?" ang nasabi ko nung medyo mahabol ko na ang hininga ko.
"Tss." Haba naman ng sinabi.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Wala." simpleng sabi niya. Di ko man alam ang totoong nangyari basta isa lang sigurado ako. Yung wala niya, alam kong meron. Unti unti akong tumayo at ang damuho hindi man lang niya ako inalalayan. Nahihilo ako pero tila nawala ang hilo ko nung mapatingin ako sa paligid. Nanlaki ang mata ko sa nakita.
"Lintik na Buko! Anong ginawa mo sa kwarto ko-este namin?!" Wasak wasak ang loob parang dinaanan ng delubyo-Ay! mali pala, talagang dinaanan ito ng delubyo. Mantakin mong nawala ang pinto namin. Ang dating malapad na kahoy ngayon strips na, ang dating kabinet na lampas ulo, ngayon chunks nalang. Mga kama pa namin, durog, butas butas. as in! Pano ko to aayusin? Mabuti sana kung pinalaki akong karpintero, eh di naman. Ano nalang ang sasabihin ko kila Kayle? Butas pa ang dingding namin. Pumunta ako dun sa dingding na butas at mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang malawak na kakahuyan at sa di kalayuan nakita ko naman ang Field ng Lower Class. Gigil na gigil na nilingon ko si Rave.
"Ikaw na lalaki ka! Tapatin mo nga ako kung ano ba talaga ang nangyari dito?!"
"Wala."
"Ayos ka rin no?! Wasak na nga ang buong kwarto ko tapos ang sasabihin mo pa wala? Ito ba ang sinasabi mong wala?!" Inis na sabi ko sa kanya.
"Wala nga." sabi pa niya.
"Nang-iinis ka ba?!" inis na sabi ko.
"Hindi." Iniinis niya talaga ako!!
"Bahala ka nga!! Magrereport nalang ako!" sabi ko saka umalis sa harap niya.
"Walang silbi." sabi niya.
"Anong walang silbi?"
"Bago ka pa makarating dun, alam na nila ang irereport mo." bored na sabi niya then bigla nalang siyang tumalon dun sa butas na dingding.
"Huy-Teka!!" Maya maya pa nakarinig nalang ako ng mga yapak.
"Here comes the usi. Usisero." Nagmadali akong kumuha ng kumot na walang butas saka tinakloban ang sarili ko. Nagulat nalang ako nang may biglang humila nito. Uh-oh. Akala ko usisero, di pala.
"Care to explain?" tanong nila. Lagot na.
[THIRD PERSON's]
"Girl! Narinig mo na?"
"Si Ley daw nasa Lower Class Field kanina!"
"Talaga?!"
"Oo, Tapos sabi sabi pa nga na may nakalaban daw sya, Gwapo rin!"
"Dumadami na ang gwapo sa school! Kailan daw nangyari?"
"Ngayon ngayon lang din."
"Ano daw'ng itsura nung nakalaban ni Ley?"
"Bago daw eh. Puti yung buhok at take note, Blue eyes teh!"
"Di nga?!"
"Gwapo talaga? As in?!"
"Oo nga! Tapos meron daw'ng estudyante sa Lower Class na wasak ang kwarto."
"Di nga?! Sino daw nakakita?"
BINABASA MO ANG
Lost Academy
FantasyExle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studying allowed her to be accepted in an international school for her Senior High. Having the acceptance letter at hand, she plotted her dreams i...