Lost Academy #26

136K 3.8K 198
                                    



Chapter 26: Assignment

[PRESTO]

"Ah hello, Miss. Magtatanong sana ako kung may kaklase kang ang pangalan Sarah?" pagtatanong ko sa isang babaeng lumabas sa classroom ng Class E. Nagtataka ba kayo kung bakit ko hinahanap ang isnag babaeng nagngangalang Sarah no? Well, obviously may kinalaman ito sa assignment ng council sakin. Ang imbestigahan ang pagkawala ng mga Abilities ng reent student na nadrop out na. Hindi ko pa rin kasi nalalaman kung bakit? Di naman din ako inaapura ng council tungkol dito, parang mas gusto pa nga nilang dito na lang ako maglagi.

Anyway, si Sarah kasi ang huling nagdrop-out at napabalita pa ngang nawalan siya ng Ability kaya nagdrop out na siya. Nangangalap ako ngayon ng information kung gano katotoong nawalan lang talaga sya ng ability kaya nagdrop-out o may nangyayaring anomalya dito sa lower class. Controlled pa naman ang issue at di gaanong naiikalat, di ko nga rin alam kung paano at bakit nangyaring konti lang ang nakakaalam. Kanina pa kasi ako nagtatanong dito, puro panay wala silang alam ang isinasagot nila.

"Si Sarah? Bakit po?" tinanong ko siya, tinanong lang din ako? langya. Problema sa mga tao ngayon?

"Oo." sagot ko. Nagtatanong pa kasi ng bakit eh.

"Nagdrop out na po siya eh." sabi niya. Tapos hinawakan niya ako sa may braso saka hinila."Wag tayo dito mag-usap." sabi niya sabay tingin kaliwa't kanan. Anong pinangingilagan nito?

"Bakit?" tanong ko pero di niya ko sinagot. sa halip ay nagpatuloy siya sa paglalakad.

Dinala niya ko sa isang tagong lugar. May isang bench na napapailaliman ng malaking puno. Umupo kami dun saka sya naglililingon, nang makasigurado syang wala talagang nakapaligid o sumusunod o nakapansin samin. Hinarap na niya ako saka nagsalita sya.

"Sa katunayan, matalik na kaibigan ko si Sarah." sabi niya. Oh? Nakajackpot pala ako. Tumango ako bilang sagot at pahintulot na ituloy niya ang sinasabi niya.

"Sabay kaming pumasok dito nang matuklasan naming may kakaiba kaming kakayahan. Napagdesisyunan naming maghanap ng sino mang makakatulong samin para pagyamanin ito. Luckily, we met the headmaster of this school. Tapos pinapasok na kami dito bilang estudyante. Nung una syempre, excited kami kasi makakasalamuha namin ang mag taong katulad namin at-" pinutol ko na sya. Wala kasi akong balak na makinig sa buhay nila, ang akin lang naman ay matapos na tong assignment ko nang makaalis na.

"Oops. Sorry, naexcite lang. Ngayon lang kasing may nagtanong ulit tungkol kay Sarah eh." sabi niya.

"Ulit?" nagtatakang tanong ko. Bukod sakin, may nagtatanong pa pala tungkol sa kanya.

"Kamakailan lang din yung nagtanong. Di ko nga maintindihan eh." sabi niya.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Tinatanong niya kung kaano ano ko daw si Sarah? Kung may alam ba daw ako sa nangyari kay Sarah." sabi niya.

"Tapos anong sabi mo?" tanong ko.

"Wala. Ang sabi ko kaklase ko lang sya, na di ko siya masyadong kilala at wala akong nalalaman tungkol sa kanya. Kakaiba kasi talaga ang feeling ko sa kanya eh, parang basta- di ko maexplain." sabi niya. Now, that was weird.

"Bakit niya daw naitanong?" tanong ko ulit.

"Di niya sinagot eh." sabi niya.

"Ano ba talagang nangyari kay Sarah?" tanong ko nanaman.

"Ewan ko dun. Nung huli naming kita, para na syang nababaliw tapos may paulit ulit na binabanggit. Na kesyo daw di pa daw natin talaga kilala ang eskwelahan." sabi niya. Naguluhan naman ako bigla. Ang sinasabi nang babaeng to, totoo. Council pa nga lang di nila alam eh. Pero kung ang Council nga ang nalaman nung Sarah, bakit mababaliw sya ng ganun? No, sigurado akong hindi ang council ang natuklasan nung Sarah.

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon