Lost Academy #91.3 Show Off (Part 4)
[THIRD PERSON]
'Konting panahon nalang maihihiganti na rin kita Manna' bulong ni Mr. White sa kanyang sarili habang nakatanaw sa napakalaking entablado sa kanyang harapan. 'Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito'
Habang nakatingin siya sa entablado ay bigla niya nalang naalala ang nakaraan.
"Rij! Ano nanamang kalokohan ang sinasaksak mo sa ulo ng anak ko?!" Malakaw na bati ni Mr. White nung makita niyang magkasama si Manna at Vlad. Taas kilay niya itong tiningnan.
'Dad!' Gulat na tawag ni Manna kay Mr. White nang makita itong papalapit sa kanya. Sa mga oras kasing iyon ay kasama niya si Vlad at mikhang may pinag-uusapan silang pribado.
"Mr. White." Pormal naman na sabi na tawag ni Vlad kay Mr. White.
"Wag mo kong ma-Mr. White, Mr. White. Alam kong may balak ka sa anak ko kaya't umalis ka sa harap ko!" sabi ni Mr. White sabay hila niya kay Manna. Bigla namang ngumisi si Vlad.
"Dad naman!" nahihiyang reklamo ni Manna.
"Niligawan ko po anak niyo." nakangising sabi ni Vlad sabay nakaw ng halik sa pisngi ni Manna na siyang kinanlaki ng mata ni Mr. White. "At malapit ng maging kami!" Deklara ni Vlad saka nagmamadaling tumakbo."Vlad!" nahihiyang sigaw naman ni Manna.
"AXLE VLADIMIR RIIIIIIIIIIIJ! HUMANDA KA SA AKIN!" galit na sigaw ni Mr. White at akmang hahabulin na sana niya si Vlad nang bigla siyang pigilan ni Manna.
"Dad naman! Matinong tao po si Vlad. Matapang, mabait, maunawain." Sabi ni Manna habang nakayakap sa nanggagalaiti niyang tatay.
"Yun? matino?!" Di makapaniwalang tanong ni Mr. White habang tinuturo ang direksyon na tinahak ni Vlad. "Anong pinakain niya sayo nak?!" Sabay hawak sa magkabilang balikat ni Manna matapos ay nilapat niya ang kanyang kanang palad sa noo nito.
"Wala ka namang sakit. Kahit saang anggulo hindi matino ang taong 'yon."
"Dad naman! Totoo. Mabait po si Vlad. Hindi niyo lang nakikita kasi nabubulag kayo sa mga nakaraang pagkakamali niya." Pagdedepensa ni Manna kay Vlad.
"Anak kahit na! Wala akong tiwala sa lalaking iyon!" Sabi ni Mr. White.
"Mahal ko na po si Vlad at wala ka pong magagawa doon. Hindi ko po matuturuan ang puso ko!" determinadong sabi ni Manna na ikinamaang ni Mr. White. "Sooner or later, sasagutin ko na po siya. Subukan niyo pong kilalanin si Vlad, Dad. Hindi po siya masamang tao. Sige po dad, mag-aaral po muna ako." Sabi ni Manna saka siya tumalikod kay Mr. White at umalis. Wala namang magawa si Mr. White dahil mukhang buo na ang loob ni Manna tungkol sa bagay ng pag-ibig.
"I didn't expect that." Sabi ng kakarating palang.
"Miguel 'wag mo kong inisin." Iritang sabi ni White sa kanyang matalik na kaibigan.
"Pambihira talaga ang pamangkin ko. Matinik." Natatawang sabi ni Miguel."Pagsabihan mo nga yang pamangkin mong unggoy na wag siyang aaligid sa anak ko. Nilalason niya ang utak eh!" pagbubuntong ni Mr. White kay Vlad.
"Hayaan mo na. Nagmamahalan yung mga bata. Hayaan mong matuto." Sabi naman ni Miguel.
"Buti sana kung sa iba eh sa pilyo mong pamangkin nahulog!" reklamo pa ni Mr. White na siyang lalong naging dahilan para humagalpak ng tawa si Miguel. "Nasa lahi niyo ang pagiging pilyo!"
"Hoy. Ibahin mo ko!" pagrereklamo ni Miguel kay Mr. White. "Hayaan mo kakausapin ko si Vlad patungkol kay Manna. Aalamin ko ang intensyon niya, 'wag kang mag-alala. Pero pakatandaan mo White, kapag nainlove ang isang Rij, they can conquer mountains and the world kung para lang sa taong mahal nila." Nakangiting sabi ni Miguel.
BINABASA MO ANG
Lost Academy
FantasyExle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studying allowed her to be accepted in an international school for her Senior High. Having the acceptance letter at hand, she plotted her dreams i...