Chapter 31: Sabotage Part 1
[ASPER]
Sa lahat ng pwedeng makalaban ba't yun pa? Naman oh! Nananadya ba talaga si Ma'am?! Mukhang kinakawawa kami ni Ma'am! Sinasadya talaga niyang iharap ang LC sa SC. Di to makatarungan! Dapat I welga na ito!
"Asper." mahinang bulong ni Krema. Alam naman niya kasi ang maaabot ng kakayahan ko. Hanggang salitang magic lang naman ako, ni di ko nga alam kung anong gagawin ko sa mga ganitong klase ng activity.
"Okay lang naman saking maka-50 eh." sabi ko.
"Buti alam mo. Hahaha." Pabiro ngunit kinakabahang sabi ni Ashley. "Naaaaay. Wala tayong kaya dyan kahit pa tulungan kita gamit ang powers ko. Di pa rin talaga eh.." bulong niya sakin.
"Uy! Anong pinagbubulungan nyo dyan? huy Asper. Tinatawag ka na ulit ni Ma'am oh." sabi ni Nikki. "Goodluck nalang, Aim for fifty wag mo nang pangarapin ang 100." sabi pa niya.
"Tumigil ka nga Nikki. Malay mo maka-one hundred si Asper. Sus, ikaw talaga nega." sabi ni Ashley.
"100 ba kamo? Buti sana kung tulog yang makakalaban niya." sabi naman ni Nikki.
"Wag na nga kayong mag-ingay, buti pa suportahan niyo nalang ako." pigil ko sa kanila.
"Ms. Rij. Hindi ka ba interesado?" tanong ni Ma'am.
"Hindi ma'am nandyan na po." sagot ko saka tumayo at maglalakad na sana kaso may humawak ng braso ko. Tiningnan ko kung sino sa kanilang tatlo and it turns out na si Krema pala. Nag-aalalang nakatingin siya sakin pero ginantihan ko nalang sya ng ngiti para maipahiwatiig sa kanya na okay lang, sabay tagtag ko sa pagkakahawak niya sa braso ko. Binitawan naman niya at tumango nalang sakin. Good.
Ayts! Eto na talaga.
Nang makaapak nako sa dapat kong pwesto ay agad kong tiningnan ang babae. Mukha syang mas bata sakin, naka-gothic lolita dress sya tapos sabi ko nga kanina may dala dala syang teddy bear na walang mata. Nakatabingi ang ulo niya habang pinagmamasdan ako sa mata, nakakapangilabot ang mga mata niya kung tumingin. Wala ka kasing mababasang kahit na ano sa mga ito.
Nagulat nalang ako nang bigla itong ngumisi. Not in a friendly way pero yung ngising tatakutin ka talaga o kaya'y may balak syang masama. Brrr. This kid gives me the goosebumps.
[THIRD PERSON]
Tumunog na ang bell ni Ma'am Penelope pero ni isa sa kanilang dalawa ay walang gumalaw. Nagtitigan lang sila sa isa't isa na tila'y naghihintayan kung sino ang mauunang tumira. Nagtaka naman ang mga taong nakapaligid sa kanila kung bakit hanggang ngayon ay di pa rin sila nagalaw.
Pawisan na si Asper kakaisip kung ano nang gagawin niya. Hindi kasi sya pwedeng mauna dahil di naman nya alam kung pano simulang sirain ang Crystal kung wala syang bagay na maipapampukpok o makakabasag nito kaya naghihintay syang umuna si Dew ng pagtira para makaisip sya ng plano. Utak nalang kasi ang meron sya kaya naghihintay sya ng tyempo.
Si Dew naman sa kabilang banda, naghihintay rin sya sa kung anong gagawin ni Asper, dahil di niya alam kung anong kaya nitong gawin at isa pa hindi sya ang tipo ng taong unang nanunugod.
Nagulat nalang ang lahat nang bigla magkaroon ng Force field ang palibot nila Asper. 'Naku po.' sa isip isip ni Asper maging si Dew man ay nagtataka kung bakit nagkaroon dun ng ganon pero naisip nalang niya na idinagdag siguro sa activity.
"Ma'am kasali ba yan sa activity?" tanong ng isa sa Lower Class student. Nagulat naman si Penelope sa nakita niya. Hindi kasi kasali sa balak niya ang gumawa ng Force Field para walang makapasok sa loob. 'Ano nanaman ba to?' sa isip niya.
BINABASA MO ANG
Lost Academy
FantasyExle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studying allowed her to be accepted in an international school for her Senior High. Having the acceptance letter at hand, she plotted her dreams i...