Chapter 16: Ability ko?
Habang naglalakad kami, nag uusap kami ng mga random na bagay katulad ng likes or dislikes, ah basta ang saya nga niya kausap eh. Sa kalagitnaan ng pag uusap namin, bigla nalang siyang nagtanong."By the way, Asper Rij right?"tumango naman ako. "Anong ability mo?" tanong niya. Di man lang sumagi sa isip ko na magtatanong siya, tungkol sa ability ko! Ang tanga mo Asper!!
Pero teka, Tama yung plan B namin!!
"Telekinesis?" Di siguradong sabi ko.
"Hm, telekinesis?" sabi niya.
"O-oo." sabi ko. Simula't sapul palang ito na ang plano namin, This is our so-called PLAN B. Sila na daw bahala basta daw kung may magtanong, sasabihin naming Telekinesis. Ewan ko kung bakit Telekinesis, basta yun na daw yun.
"What Type?" tanong niya pa. Grabe, usisero pala ang isang to'. Nga pala, bawat ability ay may Type. Inexplain na pala to sakin nila Kayle last time pero nakalimutan kong ipaliwanag sa inyo.
Ang Ability Type ay binubuo ng anim na types; Ang Type D & E ang bumubuo sa Lower Class. Kaya Two sections sa lower class; Type B & C ang bumubuo naman sa Special Class (2 major sections din); Type A at Ang S+ ay ang bumubuo ng Upper Class (2 major sections). Ang 1st section ay ang Type A while ang Star Section ay ang mga S+,and just so you know may Siyam na estudyante ang S+, ang A Type ay may 12 students kabilang dito sila ate Sab.
"Asper?" tanong niya. Napatitig na pala ako.
"Uhm. Type D." sagot ko. Ang hirap magsinungaling sa harap niya.
"Oh I see." sabi niya. Katahimikan naman ang namagitan samin pagkatapos niyang magsalita. Nailang nalang din ako bigla.
Sumulyap sulyap ako sa kanya para i-check kung naiilang rin sya pero mukhang di naman kaya nanahimik nalang ako. Ang haba pa din kasi ang lalakarin papuntang South Wing so medyo matagal tagal pa ang katahimikan na ito. Napahinto ako sa paglalakad ng mapansing kong huminto sya. Pagtingin ko sa kanya, biglang sumeryoso ang mukha niya. Bakit?
Nagulat nalang ako ng hatakin niya ako. Dinala niya ako sa may madilim na parte ng North Wing. Kinabahan naman ako. Bigla nalang niya kong kinorner gamit ang dalawang braso niya.
"A-anong g-." naputol ang sasabihin ko ng tinakpan niya ang bibig ko sabay nag 'shh'.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa at bigla nalang din ako nakaramdaman na may ibang tao/nilalang ang paparating kaya pinakinggan ko ng maigi ang paligid, at yun nga, may narinig akong yabag, papalapit ito dahilan para mas lalo akong kabahan.
Napahugot ako ng hininga ng tila'y huminto ang tunog na nagmumula sa yabag na naririnig ko, mas lalo akong kinabahan ng huminto ito. Feeling ko kasi parang napansin niya ata kami. Nagulat ako ng maramdaman kong dumaan sa may leeg ko ang hininga niya, sobrang lapit pala namin!
"Wag kang lalabas kung gusto mo pang mabuhay." sabi niya pero pakiramdam ko nagsmirk sya. Nanigas naman ang buong katawan ko sa sinabi niya. Ano yun? Wag akong lalabas kung g-gusto ko pang mabuhay? Pinagpawisan ako ng sangkaterbang pawis dahil sa narinig ko sa kanya. Wala sa sariling napatango nalang ako. Nagbibiro ba sya?
"Labas." madiin at may pagkacold na sabi ng isang boses ng lalaki. Sya siguro yung dumating.
Nagulat na lang ako ng biglang tumawa si Jared. What the F! Bipolar? Di nagtagal narealize ko na hindi yun normal na pagtawa kundi nakakakilabot ang tawa niya, yung parang tawang pangdemonyo? ganun yung naririnig ko sa kanya.
"Oh, Welcome back!" sabi ni Jared habang unti unti syang nagpakita sa kung sino man yun. Ako naman naninigas parin, natakot akong gumalaw baka maling galaw ko lang mapansin ako at baka patayin ako, though I'm not really sure kung niloloko lang ba ako ni Jared or not. Nanginginig ma'y sumilip ako ng kaunti, nakita ko naman ng bahagya ang lalaki pero sa anggulo kong ito. Di sapat ang pwesto ko para makita ang mukha niya pero isa lang ang masisigurado ko, green ang buhok niya.
BINABASA MO ANG
Lost Academy
FantasyExle Asper Rij is a 17-year old straight A student in her high school. Her grades and attitude towards studying allowed her to be accepted in an international school for her Senior High. Having the acceptance letter at hand, she plotted her dreams i...