New to Me

130K 3.9K 522
                                    

xoxoxo

Pambawi ko sa isang buwang pagkakawala.. >.

xoxoxo

*Third Person's POV*

"Nakakadismaya." Iiling-iling na sabi ni Theron habang nakatingin sa natutulog na Euria.

"Alam ko." sabi ni Jared na ngayo'y nakaupo sa sofa kagat kagat ang isang mansanas.

"Nagtiwala ako sa babaeng yun! Sana naisip niya man lang ang maaaring maging epekto ng mga pinaggagagawa niya sa labas kay Euria." naiinis na sabi ni Theron.

"Alam ko." tugon ulit ni Jared.

"Nasasaktan sya! Wala man lang akong magawa! Alam kong pilit niyang wag ipakita ang sakit na nararamdaman niya para di nako mag-alala pero alam ko paring nasasaktan sya, pinapanood ko lang." maktol pa ni Theron.

"Alam ko." tugon muli ni Jared. Napansin naman ni Theron na paulit ulit nalang ang sinasabi ni Jared kaya nilingon niya ito at tiningnan ng masama.

"What?" maang-maangan ni Jared.

"kung wala kang matinong masasabi umalis ka na lang." inis na sabi ni Theron pero di siya pinakinggan ni Jared sa halip ay lumapit pa ito sa kanya.

"Pareng Theron." sabi ni Jared sabay akbay kay Theron. "Naiintindihan naman kita pero pare naman, kahit ano pang sabihin mo diyan, wala ka rin namang magagawa eh. Hanggang tingin nalang tayo. Ni ako nga, naaawa na rin sa kalagayan niya. Ayoko mang sabihin pero sa ngayon... Wala tayong magagawa, okay?" Di naman nakaimik si Theron sa sinabi ni Jared, alam niya kasing totoo iyon.

"Kaya Chill ka lang muna, malakas naman yang si Mareng Ria eh." sabi ni Jared saka iniwan na niyang nakatayo mag-isa dun si Theron para kumuha ng isa pang mansanas. "Layas muna ako pre, may pupuntahan pa ko." pagpapaalam ni Jared. napabuntong hininga naman si Theron.

"Alam kong nandyan ka." biglang sabi ni Theron at may bigla namang lumitaw na pigura sa may kanan niya. "Ako nang bahala sa kanya at intindihin mo muna ang babaeng yun." sabi ni Theron.

"Pero-" pinutol ni Theron ang sasabihin niya.

"Naiintindihan mo naman ako diba? Ayaw mo rin siyang nakikitang nasasaktan." sabi ni Theron. Di naman sya sumagot, matiim niya lang tiningnan si Theron. "Kaya ko syang protektahan pero ang babaeng yun, kakailanganin niya ang proteksyon ng isang nakakaunawa. Kakailanganin ka niya." Magsasalita pa sana siya ngunit hindi natuloy dahil nagsalita muli si Theron.

"Oo, maraming nakapaligid sa kanya, maraming maaaring magbantay pero sa tingin mo sino sa kanila ang may alam?.... *faint smile* Wala. Kaya kung maaari lang hayaan mo munang ako ang umako ng responsibilidad mo kay Euria at ikaw ang magbantay sa isa pa." Hindi na sya nakipagtalo pa kay Theron. He sigh in defeat.

"Aasahan kita." sambit na lang niya bago siya naglaho.

"Ikaw rin." mahinang bulong ni Theron.

*Asper's POV*

"Hardin?" sabi ko habang lumilingon lingon. Saan nako? Ang weird ng atmosphere, grabe. Malalago nga ang mga halaman sa hardin na ito pero bakit pakiramdam ko ang dull ng place. Yung parang- ah basta iba eh! Marami pang tinik tinik sa paligid. Yung tipong imbis na marelax o marefresh ka like the usual gardens, dito iba parang ang creepy creepy ng paligid. Hindi ko siya maexplain ng todo but this place look sad. Ang lungkot dito.

Naglakad ako para tingnan ang paligid at baka sakaling may iba pang nandidito pero wala pa rin akong mahagilap. Ni isa man.

"HELLOOO?" sigaw ko. Nagbabakasakaling may makarinig, nag-echo lang ang boses ko pero wala pa ring dumadating. Naiiyak nako. Ayoko dito. Nakakatakot, Nakakalungkot, at...... Pamilyar ako?

Lost Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon