Joyce's POV
Nasa bahay ako ngayon. Nagbabasa ng libro at kumakain. Minsan natigil sa pagbabasa minsan naman tulala. Kanina pa ako ganito since nung nangyare kanina.
~FLASHBACK~
Naglalakad na kaming FAB5 pauwi nang biglang may humarang samen na isang lalaki. "Sino po sa inyo yung Joyce Ching?" tanong nung lalaki. Muka naman siyang disente at may hawak siyang tatlong rose na color white. "Ako yung Joyce Ching" sagot ko sa kanya. "May nagpapabigay po sa inyo. Pinapasabi niya rin po na ingat kayo pauwi" ngumiti siya saken at umalis na. "SALAMAT!!!" sigaw ko sa lalaki. Sino naman kaya ang magbibigay saken nito?
"Uyy si Joyce puemepeg-ebeg" pang-aasar saken ni Lexi. "Dalaga na siya HAHAHA" sabi ni Louise. "May secret admirer na siya uyy" sabi ni Bianca. "Baka bukas makalawa malaman naming may nanliligaw na sayo HAHAHA" sabi ni ate Julie. "Hala? hindi ko nga po alam kung kanino nanggaling ito ehh" sabi ko. Tinignan ko yung tatlong rosas na puti. Napangiti na lang ako kahit gulong gulo ako kung kanino nanggaling yun.
~END OF FLASHBACK~
Ngayon readers alam niyo na? Kaya di niyo ako masisisi kung bakit ako ganito ngayon. Napapaisip ako kung sino yung nagbigay. Hindi naman ako ganun kaganda para bigyan ng white roses. Minsan nga naiisip ko, meron nga bang magtatangka? wala naman siguro.
~THE NEXT DAY~
Nasa hallway na ako. Papunta na kase ako sa classroom namin. Medyo maaga-aga pa naman pero marami na ring students ang nandito. Nakarating na ako sa room namin. Paupo na ako ng may nakita akong isang white rose sa desk ko. Binaba ko muna yung bag ako at umupo. Hinawakan ko yung rose. May nakasabit na maliit na papel at nakasulat:
"Good morning beautiful! :)
-secret admirer :)"Yan yung nakasulat. Nagulat ako nung nakita ko si Bianca nakatayo na sa harapan ko. "Uyy may rose nanaman siya yiiieee" sabi niya. Yumuko ako kase naramdaman kong lahat ng dugo ko napunta sa muka ko >///< "HAHA kinikilig si Joyce kinikilig si Joyce~" paulit-ulit niyang kanta. Tumayo ako tapos tumakbo siya. Naghabulan kami sa classroom. "Bianca!!! bumalik ka dito!!! >///<" sigaw ko sa kanya. "Nevaaaah HAHAHA" sigaw niya din pabalik.
Nagstart na ang classes. Dumating na rin sila ate Julie. Lunch break na ngayon at nakwento samin ni ate Julie yung pagtetext daw nila ni kuya Elmo kagabi. Haha halos lahat kami inaasar siya. Yun yung dahil kung bakit napalingon samin ang YOLO at SISSY5. Napatingin ako kay Kristoffer, napatingin din naman siya sakin kaya ngumiti ako at ngumiti din siya.
"Uyy Joyce bat nangiti-ngiti ka dyan? ang creepy mo tignan promise" sabi sa akin ni Louise. "Ahh wala wala :)" sinabi ko na lang sa kanya. At nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan. Natapos na rin ang school hours. Sila ate Julie umuwi na pero ako nagpaiwan dahil may tatapusin lang ako sa library at may hihiramin na rin na libro.
Nasa library na ako. Tinapos ko na rin yung gagawin ko. Humahanap ako ngayon ng magandang story to read at hihiramin ko. Nakita ko naman yung Divergent ni Veronica Roth. Yun na lang yung kinuha ko at pumunta na sa librarian para hiramin ko na ito.
Pauwi na ako ngayon pero dahil sa kamalas-malasan biglang bumuhos ang ulan. Ang mas worst wala akong dalang payong. Uggghhh. Tumakbo ako at nakakita ng silong. Tumigil muna ako dun para patilain yung ulan. Tinext ko na rin si mommy para magpasundo ako sa driver namin dahil walang balak tumigil ang ulan.
I waited for almost 5 minutes. Luckily, my driver came. Teka nga, napapa-english ako ehh. Dumating na si manong tapos sumakay na agad ako sa kotse. Pinahina ko na rin muna yung aircon dahil giniginaw ako at medyo nabasa ako kanina. Nakarating na kami sa bahay. Umakyat agad ako papunta sa kwarto ko para naman makaligo at makapgpalit ng damit.
After nun binasa ko na lang yung Divergent. Wala rin namana kong gana kumain dahil medyo busog pa ako. Nagpadala na lang ako kay manang lucy ng gatas. Pagkatapos ko maubos yung gatas, medyo inaantok na ako. Kaya naman isinantabi ko na muna yung libro sa bag ko at nilagay yung baso sa side table ko. Matutulog na ako may pasok pa bukas kaya kailangan maaga ako.
-------------------------
A/N: Oh My G! thank you sa 4.1K reads!!! woot woot!!! salamat rin sa mga votes and comments thank you! keep supporting my story and thank you rin sa mga naghihintay ng mga next updates ko. Mahal ko kayong lahaaaaat :*
BINABASA MO ANG
My Dream Guy (A BiGuel fanfic)
FanfictionHi guys please support my story. Lalo na yung mga ibang BiGuel fans diyan *kaway kaway* anyways, please vote comment and be a fan thank youuu! :D