Louise's POV
Hindi ako maka-move on sa nangyare kahapon. Friday na ngayon at sa aming lima, ako na lang ang hindi minamalas. Hindi naman sa hinihilong ko na malasin ako pero sa tingin ko kase iisa lang ang may gawa nito samin.
"Louise tara kain na tayo" lunch time na pala hindi ko man lang napansin. Masyado akong lutang sa mga nangyare samen noong mga nakaraang araw. Si Lexi? okay na siya. Nahimatay siya sa sobrang pagod plus yung natamaan siya ng bola sa paa.
Nakain lang kami ng tahimik. Wala kang maririnig samen na magsalita kundi ang mga ingay sa loob ng canteen. Even YOLO. Nasan sila nung oras na kailangan namin sila? Napatingin ako sa tumulo malapit sa plato ko. Luha. In-excuse ko muna ang sarili ko at pumunta ng rest room.
Humarap ako sa salamin. Mali. Dapat ipakita ko sa kanila na matapang ako. Para sa kanila, titiisin ko lahat. Pumasok muna ako sa isang cubicle. Pagkalabas ko naghugas ako ng kamay. Nasa pintuan na ako ng rest room nang bumuhos saken ang isang timbang harina. Pano ko nalaman na timba? nahulog kase yung timba saken. Buti na lang hindi mismo sa ulo ko. Napaubo ako ng maalala kong natapunan ako ng harina. Pumunta agad akong locker at kinuha ang extra uniform kong nandun at tumakbo na sa shower room.
Ayan okay na. Tapos na akong maligo. Nagsusuklay ako sa harap ng salamin ng may makita akong babae na pumasok sa loob. Tinitigan niya ako. Nakikita ko siya sa pamamagitan ng salamin. In a snap, nagulat ako hawak na niya ang buhok ko at hinila ako pababa! Aray! Ang sakit! Pero imbes na maisigaw ko yan, tumulo na lang ang luha ko ng wala sa oras. "That's what you deserve bitch!" sigaw nung babae at lumabas na. At ako, eto pa rin iyak ng iyak. Halos ilampaso ko ang sahig dahil nandun pa rin ako at nakadapa.
Papunta na akong room namin. Siguro nag-aalala na sila saken dahil hindi ako nakabalik sa canteen kanina. Madadaanan ko pa yung field bago makarating sa building namin. May naglalaro pala ng soccer dito. Medyo tumabi ako para hindi ako matamaan ng bola if ever lang naman. Pero wrong move! Tumama pa rin saken ang pagkalakas-lakas na bola at napatumba ako! Ang ending? ayun tumama yung ulo ko sa bato.
Iniangat ko ang ulo ko. May ibang lumapit na students saken. Iisa lang ang sigaw nila "Naku! May dugo! Buhatin niyo na dali! Dalhin niyo na sa clinic!" yan na lamang ang narinig ko. Medyo nahihilo ako nung tumayo ako. Teka nagbu-blur ang paligid ko. Everything went black
Nagising ako. Inilibot ko ang paningin ko. Nasa clinic pala ako. "Miss Louise okay na po ba kayo?" tanong saken nung nurse. "Ano po nangyare saken? bakit nasa clinic po ako?" sinagot ko rin ang tanong niya ng tanong. "Napalakas po yata ang impact niyo sa bato. Nagdudugo po kase ang ulo niyo ng dalhin kayo dito ng ilang mga students" pagpapaliwanag niya. At dun ko lang naalala. May nagbukas ng pinto. Iniluwa nito ang apat kong kaibigan.
Pagtingin ko sa kanila agad pumatak ang luha ko. Tumingin sila saken ng sobrang pag-aalala. Niyakap nila ako nung makalapit sila. "Sorry, sorry Louise. Hindi ka namin kase mahanap nung nagpaalam ka ehh" sabi ni Bianca na medyo naluluha. "Okay na ako. Okay na ako basta nandito kayo sa tabi ko. We'll get through this guys tiwala lang" ngumiti ako sa kanila ng sad smile. Basta mapaparusahan talaga namin ang mga may gawa nito samin. Humanda kayo. Dahil Good girls gone bad.
BINABASA MO ANG
My Dream Guy (A BiGuel fanfic)
FanfictionHi guys please support my story. Lalo na yung mga ibang BiGuel fans diyan *kaway kaway* anyways, please vote comment and be a fan thank youuu! :D