Joyce' POV
Nandito ako ngayon sa library. Magiisip na kase ako ng costume namin. Nasabihan ko na rin sila na nasa library ako incase na hanapin nila ako. Nagii-sketch na ako ng biglang may kumalbit sakin.
"Oh Kristoffer may kailangan ka ba?" yesh tama kayo si Kristoffer yun. "Wala naman, nakita kita dito ehh, ano bang ginagawa mo?" pagtatanong niya. "Ahh, nagiisketch ng costume namin para sa Welcome Ceremony" tumango na lang siya at habang ako ito patuloy na nagii-sketch. Malapit na akong matapos ng punahin niya yung sketch ko. "Ang galing mo pala mag-sketch noh?" wag kayo, amaze na amaze siya diyan HAHAHA. "Huh? hindi naman HAHAHA" sabi ko. Na-flatter naman ako maigi dun HAHAHA. "Ah sige Kristoffer, mauna na ako nandiyan na sila Bianca ehh" totoo naman ehh nasa pintuan lang sila at kinikilig habang naguusap kami ni Kristoffer :3. "Sige mauna na rin ako" sabi niya.
Sabay kaming tumayo at naglakad na papunta kila Bianca. "Hoy Ching ano yun ah?" pang-aasar ni Lexi. "Wala nag-usap lang" sabay tingin sa ibang direksyon ehh sa nahihiya ako ehh sa hindi malamang dahilan >///<. "Nakuuu, dalaga na si Joyce" ate Julie please >///<. "Namumula siya oh" :3 bakit pa nagkaroon ng malinaw na mata si Louise. "HAHAHA tara na nga, hoy Joyce marami ka pang iku-kwento" shoot. Akala ko ligtas na ako kay Bianca *buntong hininga*
Nag-start na ang classes nila. Oo NILA lang dahil excuse na kaming 3 groups sa lahat ng subjects namin dahil magpa-practice na kami hanggang mamaya.
'Use to be your baby, use to be your lady thought you were the perfect lover'
'All the harmony went falling out of key so now you gotta find another'
'Now your talking crazy, saying that you made me like i was your cinderella'
'You and me are through though, watch me hit it solo'
'I'mma do it acapella' YEAHAng sarap pakinggan ng acapella. Lalo na yung mga lyrics tatagos talaga HAHAHA. "Guys I wonder kung ano yung isasayaw ng YOLO at SISSY5" biglang tanong ni Bianca. Yes pati ako napa-isip. Ano kayang sasayawin nila?. "Ate Julie pwede ba natin silang silipin?" tanong ni Louise. "Wag, hayaan nalang natin dumating ang friday. Mamaya sabihin pa nilang nanggagaya tayo ng mga steps nila" may point naman si ate Julie. Siguro mas makakabuti kung nandito lang kami.
"Nagugutom na akoooo~" sabi ni Lexi. "Kailan ka ba nabusog?" pangbabara ni Louise. "HAHAHA teka bago magsimula ang world war, mag-ambagan na lang tayo" sabi ni ate Julie. "Great idea ate Julie" singit ni Bianca. "Magkano ia-ambag natin?" tanong ko. "50 pesos para marami tayong food na mabili tsaka para na rin hanggang mamayang hapon na meryenda" sabi ni ate Julie. Ako na ang naningil ng pera namin. Ako at si Lexi naman ang namili.
Nasa grocery store na kami. Ako sa drinks at si Lexi naman sa foods. Habang namimili ako ng drinks biglang may bumangga saken. Buti na lang di ako natumba. "Hanggang dito ba naman may cheap" psh si Angel lang pala. "Oo nga sis grabe naman" kasama pala niya si Candy. "Oh my, tinawag niyo ulit ang sarili niyo how rude" pang iinis ko :P. "Sino kayang mas cheap saten? look at you. Paano ka magugustuhan ni Kristoffer kung ganyan ka manamit" si Angel. "Maluwag na blouse, below the knee na palda" ngayon si Candy naman. "Psh sa pagkakaalam ko kase school yung pupuntahan ko. Masama bang manamit ng disente? unlike you" grabe kase sa ikli yung palda nila, siguro kalahati ng hita at ang blouse ay fitted take note naka-high heels pa ha?
"Anong meron dito?" oopss nandito na si Lexi. "Oh hi there another cheap" si Candy. "Magpatingin na nga kayo, lagi niyong tinatawag sarili niyo ehh" see? kaya wag niyo akong sisihin kung minsan maldita ako; kaming lima actually. "Get out of our way" mapang-autoridad na boses ni Lexi. Pero binangga pa namin sila. They mess with the wrong girls HAHAHA.
Naglalakad na kami pabalik sa school ni Lexi. "Psh buti na lang dumating ako dun" sabi ni Lexi. "Yeah nangaasar kase ehh" sabi ko. "Dapat malaman ito nila ate Julie" si Lexi. "Sige baka matuwa pa yun sila sa ginawa natin" tumawa at nag-apir na lang kami ni Lexi. HAHAHA
Naikwento na namin kila Louise yung nangyare. As expected, natuwa sila. "Ang epic siguro ng mga muka nila HAHAHA" si Bianca nagsabi niyan. "Yeah serves them right" sabi ni Louise. "Good job girls ang eepal nanaman kase nila ehh" si ate Julie naman.
Matapos nung pag-uusap namin, tumuloy ulit kami ng practice. 6 pm nang matapos kami. Grabe subsob kami sa practice. Naipakita ko na rin sa kanila yung nai-sketch ko kanina nagustuhan naman nila kaya bukas na kami magpapatahi nun.
Nasa bahay na ako. Wala pa si mommy, kaya umakyat na muna ako sa kwarto ko. Tumingin ako sa ceiling, sa sobrang pagod ko, di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Zzzz
BINABASA MO ANG
My Dream Guy (A BiGuel fanfic)
FanfictionHi guys please support my story. Lalo na yung mga ibang BiGuel fans diyan *kaway kaway* anyways, please vote comment and be a fan thank youuu! :D