Louise's POV
Hello! hahaha. Kamusta kayo readers? Namiss ko kayo :( napagiiwanan na rin ako ng mga kaibigan ko ehh. Si Bianca may Miguel na. Si ate Julie may kuya Elmo na. Si Joyce may secret admirer na. Si Lexi may Derrick na. Ako? wala pa :( pero okay lang yun! hahaha
5 am. Nang magising ako. Anong sumanib sa katawan ko at ganto ako kaaga nagising? hays =.= kaya naman bumangon na rin ako at nagsuot ng t-shirt at jogging pants. Nag-jacket na rin ako. Magjo-jogging muna ako. Tutal halfday lang kami ngayon and wala kaming first subject dahil sa may sakit yung teacher namin. Hayahay diba? hahaha.
Nakakailang ikot na rin ako sa subdivision namin. Nadadaanan ko yung mga bahay ng FAB5 at halata mong lahat tulog pa dahil ni-isang ilaw walang nakabukas. Edi ako na maaga nagising! hahaha. Puro tawa ba ako readers? sorry na. Masayahin lang talaga ako hahaha.
Naka-earphones rin ako kaya wala akong naririnig. Volumes up kase ehh, sagad. Pero nagulat ako ng biglang---OUCH!!! naknang! napaupo tuloy ako sa sahig ng wala sa oras. Hinimas-himas ko yung bandang bewang ko dahil yun ang unang tumama. Aray naman T.T napatingin ako dun sa nabangga ko. Kotse?!?! buti na lang at nakatigil ito.
"Miss! miss! okay ka lang?" sabi nung guy? napatingin tuloy ako sa kanya. "Alden?" yup siya. "Louise?" parehas kaming naka-confuse look. "Anong ginagawa mo dito?" tignan mo nga naman nagkasabay pa kami! "Sige ikaw una" sabi niya. "Ahh wala naman nag-jogging lang ako ikaw? " tanong ko sa kanya. "Ahh subdivision ko rin ay dito buong YOLO at nagjogging rin ako eh" sabi niya sabay kamot sa batok niya. Hihi ang cute niya, nahihiya ata siya ehh ^^
"Ganun? wag mong sabihing dito rin ang SISSY5?!" napasinghap ako sa nasabi ko. Wag naman sana. "Ahh hindi naman dun sila sa kabilang subdivision malapit sa bakery sa labas." napangiti ako sa sinabi niya. Hay buti nalang at tahimik ang buhay namin dito nasabi ko na lang sa isip ko. "Wait Louise, okay ka lang ba? tara upo tayo sa bench dun oh" sabay turo niya yung sa may fountain sa may mini park dito.
Inalalayan niya ako patayo at pinaupo dun sa bench. "So kamusta naman pagiging cupid sa mga kaibigan mo?" sabay tumawa siya. Pinalo ko siya ng mahina sa braso niya. "Grabe naman 'to! hahaha syempre kahit naiiwan ako masaya ako para sa kanila" sabi ko habang nakatingin ng diretso at nakangiti. "Uhh parehas pala tayo" sabi niya rin.
After nun nagusap pa rin kami ni Alden hanggang sa nag-six am na. Kailangan pa namin mag-ready para sa school. Kaya nagpasalamat ako at umuwi na. Pagdating ko sa bahay naabutan ko si mommy na nagluluto ng breakfast. "Good morning mommy!" bati ko sa kanya sabay kiss sa cheeks niya. "Oh Louise anak, nag-jogging ka ba? sinilip kase kita kanina sa room mo pero walang tao" sabi ni mommy. "Opo my nag-jogging po ako" after nun kumain na rin ako. At pagkatapos nun umakyat para naman maligo at mag ayos.
"TALAGA?!?!" sigaw nitong apat na kaibigan ko. Kwinento ko kase sa kanila yung nangyare kaninang umaga. "Aray sakit naman sa tenga! wag naman kayo sumigaw" sabi ko sa kanila. "Aww si baby Louise puma-pagibig na" tukso sa akin ni ate Julie. "Ate Julie tinulungan niya lang naman po ako dahil sa katangahan ko" sabi ko. "Yiiieee crush mo si Alden noh? HAHAHA" si Bianca. "Bianky hindi noh! friends lang kami" sabi ko. "Weh talaga?" mapangasar na tanong ni Lexi. "Oo nga sabi" ako ulit. "Totoo yan ahh? walang halong biro" sabi ni Joyce. "Oo promise lasang kamatis" sabi ko at tinaas yung kanang kamay ko na parang nangangako hahaha.
Break namin ngayon at nasa cafeteria kami ng FAB5. Kinakabahan ako ehh. Hindi ko alam kung bakit. Gutom lang siguro toh. Kaya agad na rin akong pumila para bumili ng pagkain.
Someone's POV
Sige FAB5 i-enjoy niyo na itong araw na ito. Humanda kayo. Gaganti kami. At sisiguraduhin namin na mapapahiya kayo sa loob lang ng limang araw. Be ready for us FAB5. See you again soonest!
-------------------------
A/N: OMO! sino kaya si someone? abangan sa next chapter! ;) more revelations to come kaya wag bibitiw dreamers! :))
BINABASA MO ANG
My Dream Guy (A BiGuel fanfic)
FanfictionHi guys please support my story. Lalo na yung mga ibang BiGuel fans diyan *kaway kaway* anyways, please vote comment and be a fan thank youuu! :D