Chapter 21

375 24 1
                                    

Bianca's POV

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko. Tumayo ako at tinignan ang paligid ko, nasa Baguio nga pala ako. Pagtingin ko sa clock na nasa bedside table ko 3:30 pm na. Lumingon ako sa apat na kama na nasa left side ko. Wala na sila ate Julie. Sakto namang paglingon ko sa pinto may pumasok.

"Oh! gising ka na pala Bianky, sorry hindi ka na namin ginising kasi alam naming pagod ka" bati ni Lexi habang papunta siya sa mga gamit niya. "Ah, okay lang yun. Nasan nga pala kayo?" tanong ko sa kanya at tumayo na rin ako. "Nasa baba lang kami nagmemeryenda. By the way, fix yourself tour tayo sa Baguio ngayon. We'll wait for you downstairs okay? sasabihin ko na lang sa kanila na gising ka na" she said then left.

Pumasok na ako sa banyo para ayusin ang sarili ko. Nagsuot lang ako ng simpleng black t-shirt and white jeans plus black converse. Inayos ko na rin ang buhok ko at hinayaang maglugay ito. Lumabas na ako ng banyo. Nang biglang may kumatok. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito.

"Hello, beautiful" sabay ngisi ng the one and only Miguel Tanfelix! "Masyado na pong malalim ang hapon para mangbola ka Mr. Tanfelix" after I said those words, tinaasan ko siya ng kilay and smiled. "Well, Ms. Umali pwede na po ba tayong bumaba? naghihintay na sila" Miguel said. Lumabas na ako at sinara ang pintuan. "Okay tara na hahaha" sabi ko.

"Finally! ang tagal niyo ah?" Joyce said at ngumiti ng nakakaloko. "Hoy Joyce ah? di ko gusto yang ngiti mo!" sabi ko at kumain muna kahit kaunti. Tinawanan naman nila akong lahat. "Kayo talaga, binati ko lang naman na maganda si Bianca kaya kami natagalan" Miguel said na nagpaubo saken. Inabutan naman ako ng tubig ni Louise. "Ang corny mo bro!" narinig kong sigaw ni Derrick.

Matapos kong kumain ay nagpunta kami sa isang van. May driver naman kami at sumakay na kaming lahat. Katabi ko sa left side ay bintana tapos sa right naman ay si Miguel. Bago kayo magtaka by partners ang sitting arrangement so yeah, I guess alam niyo na kung sino ang magkakatabi HAHAHA.

Habang nasa biyahe kami ay puro asaran lang ang nangyari. Di rin nagtagal, nakarating kami sa Strawberry Farm. Bumaba na kami at naglibot. Kasama ko pa rin si Miguel nang biglang something caught my attention.

"Miguel!" I screamed. Napatingin naman saken si Miguel. "Oh bakit?! May masakit ba sayo?" tanong niya. "Wala naman pero pleaseee bili tayo ng strawberries pleaseee" I pleaded na parang bata na nagpapabili ng candy hahaha. Narinig ko naman na tumawa si Miguel nang malakas. His laugh tho nakakainlove .

"Yun lang pala eh, oh sige tara na bibili tayo" sabi niya kaya naman agad ko siyang hinila sa isang stall at bumili ako ng dalawang maliit na basket na punong puno ng strawberries. "OMG OMG Miguel thank youuu" sabi ko at niyakap siya.

"You're always welcome my princess" he said kinilig naman daw ako . Bumitaw na rin ako sa kanya nang makatanggap siya na message galing kay kuya Elmo pinapabalik na kami para sa next destination namin.

Next stop namin ay sa Baguio Cathedral. Hindi rin naman kami magtatagal dito. Ang ganda talaga ng simbahang ito sa labas pa lang nakakamangha na. Pumasok kami sa loob at nagdasal. Pagkatapos ko magdasal tinignan ko mabuti yung simbahan. Someday kapag kinasal ako ito ang gusto kong simbahan. Napangiti ako ng maisip ko yun.

"Bianky bakit ka nakangiti?" nakangiting tanong saken ni ate Julie. "Wala lang po ate, may naisip lang po ako" tugon ko at ngumiti. Bumalik na kami sa van at ang next stop daw namin ay sa Burnham Park.

Nang makarating kami doon, excited akong bumaba pati yung ibang girls. Hinabol naman kami ng boys kasi masyado daw kaming excited hahaha. Gusto ko kasing ma-try sumakay doon sa bangka (A/N: sorry guys di ko alam tawag dun huhu i crei okay back to the story)

Since by partners kami ganun pa rin hanggang ngayon. Kada isang bangka isang partner. Dahil nasa nature ko na ang maging clumsy naghy-hysterical na ako dahil feeling ko mahuhulog kami hahaha.

"Hala Miguel nagalaw yung bangka, hala hala" sabi ko na nagpapanic na. "Bianca calm down, trust me hindi tayo tataob just enjoy" sabi ni Miguel at ngumiti and so I did. Pumikit ako ng mariin tapos pagdilat ko ngumiti ako. Tama enjoy lang.

Hanggang sa makababa kami ng bangka, nakita ko sila Lexi na maputla maybe natakot rin sila gaya ko HAHAHAHA. Sumakay na kami ulit sa van para sa next na pupuntahan namin dahil medyo pagabi na rin.

Nandito na kami sa Camp John Hay para mag horse back riding. Okay guys, this is my first time na sumakay sa likod ng kabayo. Kaya naman medyo kinakabahan ako. Dahil nga first time, hindi ko kayang mag-isa dahil baka mahulog ako. Kaya ginawa namin by partners ulit.

"Ready Bianca?" tanong ni Miguel. "Uh... ye-yeah o-of co-course" sabi ko ng alanganin. Nginitian naman ako ni Miguel "Relax nandito ako okay? di ko hahayaang  may mangyari sayo" he said and I smiled. Kapaga talaga siya yung nagbigay ng assurance nawawala yung takot ko.

Ang pwesto namin yung kamay ko nasa kabayo lang tapos nasa likod ko naman si Miguel siya yung may hawak ng tali so parang nakaback-hug siya saken. Pinalakad na ni Miguel yung kabayo. At first, kinakabahan talaga ako pero habang nagtatagal nawawala na rin kasi nasa likod ko lang si Miguel.

After nun umuwi na kami. Pagabi na rin, pagdating namin handa na ang dinner namin at kumain. Napagdesisyunan namin na bukas na lang bago kami umuwi bibili ng mga souvenir. Umakyat na kaming lahat matapos magligpit.

Isasara ko na sana ang pinto nang may hunarang, si Miguel. "Oh? may nakalimutan ka?" tanong ko sa kanya. Nag-nod lang siya bilang sagot. "Ano yun?" tanong ko ulit. "Good night Bianca, sweet dreams" tapos hinalikan niya ako sa noo. Napapikit naman ako kasi naramdaman ko yung respeto, napangiti ako. "Good night din Miguel" sabi ko at ngumiti. Tapos nun isinara ko na ng tuluyan yung pinto at lumapit sa kama ko at natulog. Best day ever.

------------------------------------------------------------------------

A/N: Nakapag-update din woohoo! kahit na may pasok ako bukas omg hahaha. I love you all guys keep supporting my story. Next update, friday.

My Dream Guy (A BiGuel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon