Chapter 1

2.8K 78 0
                                    

Bianca's POV

KRIIINNNGGG KRIIINNNGGG

*yawn* *unat*

Bumangon ako matapos kong marinig ang alarm clock. Oo alarm clock yan -.-. Ginawa ko na muna ang mga morning rituals ko. Pagkatapos ay agad akong bumaba para mag almusal na.

"Good morning lola!" masayang bati ko kay lola. "Good morning din apo" sambit niya habang nag-hahanda ng almusal namin. "Ano pong menu para ngayon?" hmmm... may naaamoy akong masarap HAHAHA. "Bacon, egg and hotdog apo, sige na umupo ka na tapos na ako". Matapos sabihin ito ni lola ay agad akong umupo dahil nagwawala na talaga yung tiyan ko HAHAHA.

"Excited ka na ba apo?" ayy nga pala first day of school ngayon transferee lang ako sa Star Academy. "Medyo lang po lola kase mukang kailangan ko pa pong humanap ng mga kaibigan" sabi ko. Totoo naman ehh, malay ko ba kung mabait sila HAHAHA okay tama na ang bad ko.

Matapos nito ay agad na din akong umalis ng bahay. Konting lakad lang naman mula sa subdivision namin hanggang sa school kaya, kaya ko na maglakad lang.

Nandito na ako sa school. Ewan ko kung matutuwa ba ako o hindi. Medyo nahihiya pa ako. Tinanong ko muna yung guard kung nasan yung guidance office para makuha ko schedule ko.

"Magandang umaga po" pagkapasok ko pa lang ng pintuan ng guidance nakita ko kagad yung guidance counselor. "Magandang umaga rin hija, ano ang maitutulong ko sayo?" muka naman mabait yung counselor namin. "Ahh kukuhanin ko lang po yung schedule ko". "Anong surname mo?". "Umali po". "Oh heto, ang room mo ay number 23 sa yellow building, ang section mo ay section 1 at lastly, starting ng first class mo ay 7 am" hala? paano ako napadpad sa section 1, like seriously puro matatalino dun, pero sa tingin ko kaya ko naman. "Sige po maraming salamat"

Tapos nun ay agad na akong lumabas dahil 6:55 na po ng umaga at nasan ang yellow building? nasa dulo pa -.-. Karipas na akong tumakbo dahil baka ma-late pa ako.

*BOOGGSSHH*

Naku naman may nabangga pa ako. "Sorry po miss" sabi ko at tinulungan siyang tumayo. "Sorry rin di kase ako nakatingin sa dinadaanan ko ehh". Naisip ko na magtanong sa kanya kung san siya pupunta. Malakas kase instinct ko na parehas kami ng pupuntahan. "Ah miss saan ka nga pala pupunta?" pagtatanong ko. "Sa yellow building, room 23 section 1" oh diba sabi sa inyo ehh. "Ganun ba? dun rin kase ako papunta ehh". "Oh sige sabay na tayo, ako nga pala si Joyce, Joyce Ching" siguro pwede ko siya maging kaibigan. "Bianca, Bianca Umali"

Agad kaming tumakbo ni Joyce. Nang makarating kami sa room, as usual maingay. Pero tumahimik naman ang lahat ng makita nila kami. Problema nila? Naiilang ako >///<

"JOYCE!!!" bigla kaming napalingon ni Joyce. "Tara Bianca puntahan natin sila" kahit hindi ako sigurado ay pumayag na rin ako. "Hi ate Julie, Lexi, and Louise long time no see ahh?" bati ni Joyce sa kanila. "Hmp! ikaw nga di ka dito nagbakasyon" sabi nung Lexi ata?. "Nga pala guys new friend ko sali din natin siya sa group natin siya si Bianca". "Hello po" medyo nahihiya pa ako. "Hi i'm Julie Anne San Jose you can call me ate Julie". "I'm Lexi Fernandez nice to meet you". "And i'm Louise Delos Reyes" isa isa nilang pagpapakilala saken. "Ako naman si Bianca, Bianca Umali". Lahat sila mababait, pero puzzled parin ako dahil ano yung group na sinabi ni Joyce kanina?. "Ahm guys ano yung group na sinabi kanina ni Joyce?". Silang apat ay nagtinginan. "Well you see Bianca, sa school na ito may tatlong grupo" sabi ni ate Julie. "Ang groups na ito ay ang YOLO group of boys yan, ang SISSY5 group of girls yan and lastly FAB4 which is us" sabi ni Louise. "Ngayon we need one more member para maging patas ang mga members. Dahil ang YOLO, SISSY5 ay lima lang" sabi naman ni Lexi. "And now na nandito ka na, please sumali ka na samin, para naman makumpleto na" sabi naman ni Joyce.

"Wala bang criteria yung mga nasali diyan?" tanong ko. Malay ko ba na wala yung hinahanap na criteria nila saken edi pahiya ako madadamay pa sila. "Well meron dalawa lang siya actually, yung una magaling sumayaw at pangalawa magaling kumanta" sabi ni Lexi. Hindi naman sa pagmamayabang magaling akong sumayaw, pero kumanta medyo lang. "Okay po sige sasali ako" sabi ko tutal magiging kaibigan ko din sila. "Yehey! salamat Bianca" sabi ni Joyce. "Ate Julie starting now FAB5 na tayo" sambit ni Louise. "Oo nga mamaya sasabihin ko na ito kay principal". "Salamat Bianca" sabay sabay nilang sabi.

-FAST FORWARD-

"Tara na Bianca sa canteen, sumabay ka samin ahh?" sabi ni ate Julie. Tumango na lang ako bilang sagot. Habang naglalakad kami, masasabi ko talaga na sikat sila dito. May nagbubulungan pa nga ehh. Eto mga sinasabi.

'Look oh may kasama silang isa'

'Oo nga noh'

'Ang ganda niya rin noh?'

'Ano kayang pangalan niya?'

'Fan na niya ako KYAAAHHH'

"HAHAHA Bianca may fans ka na oh?" sabi ni Lexi. "Grabe naman" sabi ko at tumawa na lang rin kaming lima. Pagkapasok namin ng canteen ay parang may dumaang anghel dahil tumahimik nung pumasok kami. Naglakad parin kami hanggang tumigil sa isang round table sila ate Julie. "Bianca suimula ngayon dito ka na lagi uupo dahil satin tong table na toh" sabi ni Louise. Naptingin naman ako sa katabi naming table mga group of boys siya tapos nakalagay sa ibabaw ng table nila 'YOLO' tapos dun sa katabi naman nila ay may group of girls na ang sama ng tingin samin no wait let me rephrase it, saken pala nakalagay naman sa ibabaw ng table nila ay 'SISSY5'.

"EVERYONE!!!" nagulat ako ng nasa gitna na si ate Julie at sumigaw. "We have a new member, and we are no longer to be called FAB4. I want you to know our newest member please welcome BIANCA UMALI". Nagulat nalang ako ng tinulak ako nung tatlo papalapit kay ate Julie. Nung nasa gita na rin ako ay nagpalakpakan sila. "Magpakilala ka sa kanila Bianca" bulong ni ate Julie. "Ako si Bianca Umali, bagong member ng FAB5" tapos ngumiti na lang ako kahit awkward. Nagpalakpakan ulit sila at ngumiti. "Bianca let's go. I-meet mo na ang YOLO at SISSY5" sabi ni ate Julie sumabay sa amin sila Joyce. Pumunta muna kami sa YOLO.

"Hey guys!" bati nilang apat excemted ako ahh HAHAHA. "Hello FAB5" bati naman ng YOLO. "Guys i want you to meet Bianca Umali". "Hi guys" sabi ko at ngumiti. "Hi ako si Alden Richards" ngumiti at handshake. "Derrick Monasterio" ngiti at handshake ulit. "Kristoffer Martin" nigti and handshake. "Elmo Magalona" ngiti at handshake ulit. "Hi Miguel Tanfelix" ay ang gwapo ahh ngumiti at handshake na lang ulit. Actually lahat sila gwapo. "Sige guys dun naman kami sa kabilang table" sabi ni Louise. "Ingat! HAHAHA" buong YOLO nagsabi niyan ahh. "Lexi bakit may 'ingat'?" kumindat lang siya saken tapos sumagot ng "You'll see".

"Meet our new member" sabi ni ate Julie. Bakit parang may mali?. "Hi Bianca Umali" sabay ngiti. "Ohh nagsama ng bagong cheap HAHAHA" sabi nung isang babae. "Shut up will you? kung hindi lang talaga kailangan ehh" sabi ni Lexi. "Magpakilala na nga lang kayo" sabi naman ni Joyce naguguluhan ako pero parang ang sama ng ugali ng SISSY5. "Angel Gonzales" siya yung babaeng nagsabi ng cheap. I smiled a fake one. "Rima Cruz" ngumiti ulit ako ng peke. "Candy Isidro" same lang ang ginawa ko. "Tanya Lopez" at lastly yung isa. "Hazel Mendoza". "Nice meeting you all" sabi ko. " Nice meeting you too cheap" mahina pero sapat na para marinig ko. Tch, gusto nila ng ganya edi fine. "What? again? tinawag niyo ba sarili niyo?" balik ko naman sa kanila. Epic faces all over kasama na yung apat HAHAHA. Nag-smirk lang ako tapos naglakad na kami pabalik sa table namin.

"Nice one Bianca ahh" pagpuri saken ni ate Julie. "I didn't see that coming" sabi naman ni Lexi. "Nakakagulat ka ahh" sabi ni Louise. "Maldita ka rin pala?" si Joyce naman. "Serves them right" sabi ko tapos nag tawanan.

Pauwi na ako ngayon dahil tapos na ang classes. Pumasok na ako ng gate namin, sinalubong naman ako ni lola. "Oh apo kamusta ang first day?" sabi ni lola bago sumagot nagmano muna ako. "Better lola, sobrang better" tapos nun ay umakyat na ako para magpahinga.

Ang saya naman ng first day. Paano pa kaya sa susunod kong araw? Sana ganito pa rin. Oh well magpapahinga muna ako. Zzzz

My Dream Guy (A BiGuel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon