Chapter 4

1.4K 53 2
                                    

A/N: Yey! may nag add na ng story ko sa library niya. Thank you sayo kilala mo na kung sino ka, iisa ka pa lang kasi ehh. HAHAHA anyways pagbubutihan ko pa ang mga chapters na darating para sayo. I dedicate this chapter for you :D

-----------------------

Lexi's POV

Yo. Hi there guys, kilala niyo nanaman ako right so no need for introductions. So literally nandito ako ngayon sa canteen, ehh sa nagugutom ako ehh bakit ba? :P

*BOOOGSSSHHH*

"Aray naman!" pasigaw kong sabi sa nakabunggo sakin well, parehas kami may kasalanan kase di siya tumitingin sa dinadaanan niya same rin ako. "Sorry miss---Lexi?" hala? kilala niya ako. Tinulungan niya muna ako tumayo. "Derrick?" right si Derrick. "Yes, sorry nga pala ahh" sabi niya. "Sorry rin kase di ako tumitingin sa dinadaanan ko ehh" sabi ko habang nagpapagpag. "Ahh sige mauna na ako Derrick gutom na ako ehh" sabi ko. "Ahh sige tara libre na kita gutom na rin ako ehh" hala? ililibre niya ako? "Ahh wag na" sabi ko tapos naglakad na. Nagulat naman ako dahil hinabol niya ako. "No i insist" sabi niya habang naka-ngiti. "Huh? oh sige bahala ka" pumayag na ako, masama tumanggi sa grasya noh HAHAHA.

"Kamusta naman practice niyo?" pagsisimula niya. Nakabili na kase kami pabalik na kami ng room dahil nandun yung ibang ka-group namin. "Doing good, kayo?" sabi ko tapos ngumuya. "Same lang rin". Nagkwentuhan pa kami. Hanggang sa di namin namalayan na nasa tapat na kami ng pintuan. Mabait naman pala si Derrick.

"Derrick!!!" nagulat kami sa sumigaw. Si Candy lang pala. "San ka galing?" tapos nag-cling siya sa braso ni Derrick. "Sa canteen kasama si Lexi bakit?" binanggit niya pa ako ang sama tuloy ng tingin saken ni Candy. Inirapan ko na lang siya, wala ako sa mood makipagsagutan tapos ay pumunta na ako sa kila Louise.

"Ano yun ahh?" usisera rin pala si Bianca noh? HAHAHA. "Wala nilibre niya lang ako ng pagkain" sabi ko. "At bakit naman?" sabi ni Louise. Kwinento ko na sa kanila yung nangyari, dahil alam ko non-stop interview ang aabutin ko. Haaay buhay -.-

Nag-bell na means kailangan na namin umalis para ipatahi yung costume namin. Papalabas na kami ng may sumigaw ng FAB5. Paglingon namin ang YOLO pala.

"Oh problema?" sabi ni ate Julie. "Sungit mo naman" si kuya Elmo yan. Here we go again. "Ano ba kailangan niyo?" tanong ni Bianca. "Sabay na kayo samin, magpapatahi rin kayo diba?" pagsagot naman ni Miguel. "Oo" maikling sagot ko. "Well tara na" sabi ni Louise. "Pero teka, nasan ang SISSY5 diba usually sabay sabay tayong tatlong groups na nagpapatahi?" si Joyce. Oh diba ang bait niya. "Well di pa daw sila nakakadesign ehh" sabi ni Derrick. "Edi tara na" sabi ni ate Julie.

So nandito kami sa aming official mananahi ng mga costumes namin. Yes meron kaming ganun para daw matantsa namin yung gusto naming damit.

"Oh himala, dalawang grupo lang yata ang nandito" bungad samin ni ate Lila. "At sino naman itong magandang dalagang ito?" with matching pointing pa yan kay Bianca. "Uhm... hi po ako po si Bianca" magalang na sabi ni Bianca tapos nag-bow siya ng konti. "Ahh HAHAHA wag ka masyadong pormal Bianca, by the way ako si Lila, tawagin mo na lang akong ate Lila" sabay hug kay Bianca.

Nagstart na kami sukatan, yung kulay ng tela, yung mga achuchu pa kapag magpapatahi ka ng damit. Guess what, mas mahaba pa ng konti yung kay Bianca. Ang damit kasi namin ay black dress na above the knee tapos white polka dots. Ang mga pinagka-ibahan lang namin ay ako, si Louise at ate Julie ay off shoulders. At si Joyce at Bianca naman ay hindi off shoulders tapos parehas pa silang dalawa na below the knee. See? Tapos sa shoes naman namin ay lahat ay color white. Sandals lang siya dahil mahirap magsayaw ng naka-heels lalo na kung mabibilis yung steps :3

Matapos kami ay ang mga boys naman. Maganda rin yung damit nila. Sino kaya yung nag-design? Grabe lang talaga.

"Okay guys go na baka gabihin pa kayo" sabi ni ate Lila. "Bye po ate Lila, thank you po" sabay-sabay kami. Bahala na ang SISSY5. "Err, gutom na ako" biglang sigaw ni Louise. "Last question na toh ah, kelan ka ba talaga nabusog?" pangbabara ko. Nagtawan naman lahat. "Tara guys Starbucks muna tayo bago umuwi" sabi ni ate Julie. "Libre mo?" tanong ni kuya Elmo. "Hindi. Syempre KKB" pangdedepensa ni ate Julie. "AYIIIEEE!!!" kaming walo. "Heh!" sabi nilang dalawa. HAHAHA ang cute talaga nila.

Nandito na kami sa Starbucks. Nagorder na si ate Julie ng limang java chip at si kuya Elmo naman um-order ng limang mocha. Nagku-kwentuhan naman kami habang nag-oorder sila. "Alam niyo ba yung 'logging out'?" sabi ni Alden. "Ano?" sabay sabay kami. "Edi logging out means laging out or hindi laging online HAHAHA" sabi ni Alden. "Corny mo bro!" si Kristoffer sabay hagis ng tissue. "Uwi bro!" ngayon si Derrick naman. "Dude san mo nakuha yan?" and si Miguel

"Oh nagkakatuwaan na ah?" nandito na pala sila ate Julie at kuya Elmo. "Pano po kasi itong si Alden, magjo-joke na nga, corny pa" pagpapaliwanag ni Louise. Wushu~ kinikilig lang siya ehh HAHAHA. "Yah gutom na ako" sabi ni Bianca. "Oh ano? nahawa ka na din kay Louise?" si Joyce. HAHAHA nahawa yata toh saken ehh. "Oh tama na yan kumain na tayo" sabi ni kuya Elmo.

Tapos na kami kumain. Palabas na kami nang may nakasalubong kaming 5 babae wait let me rephrase it, ang SISSY5 pala. "Look who's here, B*TCH*S5" sabi Hazel. "Woooaaah kalma girls wag kayo gumawa ng eskandalo dito" sabi ni kuya Elmo. "Shut up Elmo madami kang ie-explain dahil girlfriend mo ako!" sabi ni Hazel. Okay revelation toh ahh. "Wala kang karapatan sabihin samen na b*tch*s kami!" sabi ni ate Julie.

"Talaga? look ehh nilalandi niyo lang naman ang mga boyfriend namin" sabi ni Rima. "Then go and ask them kung bakit kami nandito" sabi ni Bianca. "No need for asking, ehh halatang halata naman ehh!" sigaw ni Angel. Napatingin tuloy lahat ng tao dito. "Gosh! please lang wag kayong gumawa ng gulo" pag-aawat ni Joyce. "Shut up kakagawa niyo lang ng eksena ehh!" sabi naman ni Candy. "Alam mo kung ititikom mo yang bunganga mo mas makakatulong ehh, kaso dumagdag ka pa!" nakakainis na ahh, pigilan niyo ako masusuntok ko toh! "Listen up everybody! ang limang babaeng ito ay nilalandi ang mga boyfriend namin!!!" sigaw ni Tanya. "Lahat ng sinabi ng babaeng yan ay hindi totoo!!! Alden, thank you sa offer sa paghatid samen pero wag na lang nandito na yung GIRLFRIEND mo" sabi ni Louise at mabilisang naglakad. Sumunod naman kami sa kanya.

"AHH B*LLSH*T!!!" sigaw ko. Gosh! diba sila nahihiya? gumawa lang naman sila ng eksena dun. Mga immatures nga naman. "Guys let's go home na" sabi ni ate Julie.

Nandito na ako sa kwarto ko. Nakahiga, nakabaon ang muka sa unan. Nagulat ng may basa sa unan ko. Naiyak na pala ako.

Taken na pala siya. Yung dream guy ko, wala na.

My Dream Guy (A BiGuel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon