Julie's POV
Malas. Yan ang right term sa araw na ito. It's tuesday today. Kung kahapon si Bianky, ngayon naman ako. Sino ba kase ang nanggugulo samen? Gusto niyo malaman king anong nangyare pagpasok ko? okay here's a flashback.
~Flashback~
Nasa gate na ako ngayon. Medyo antok pa dahil nag-skype kami ni daddy kagabi. Nakakailang hakbang pa lang ako papasok sa school namin ay bumungad na saken ang mga fans ko. Nakakatuwa kase nandito talaga sila hinihintay ako. Kumaway ako sa kanila at nagsabi ng good morning.
Hallway. Medyo madilim dilim pa kase bandang dulo ang building namin diba? so yun. Kaya naman nagulat ako ng may mapatid akong manipis na tali at bumuhos saken ang sobrang lamig na tubig! Para akong nag-ice bucket challenge kase puno ng yelo yung timba na nakasabit sa taas. Malas! Dali-dali akong pumunta sa locker ko para kuhanin yung isang uniform ko na nandun at nagpalit sa CR. Matapos nun dumiretso na ulit ako sa room namin.
~End of flashback~
Yan ang nangyare saken. Kaya ngayon buhay na buhay ang diwa ko at wala nang antok na dumapo sa akin ngayon. Dumating na yung girls. Agad kong kwinento sa kanila yung nangyare. At first nataranta sila at nagtanong kung okay lang daw ba ako, kung may masakit sa akin, kung nilalamig ako at kung ano-ano pa. Para tumahimik sila sinabi k9ng okay lang ako kahit medyo masama pakiramdam ko.
Lunch break namin at papunta na kami sa canteen. Um-order na kami ng pagkain namin. Nagulat ako kase may naglapag ng ice tea sa mesa namin. Lilingunin ko sana para mag-thank you kaso bigla na lang siyang nawala. Ininom ko yung ice tea pero binuga ko rin dahil may halong, parang.... toyo?!
Nung nabuga ko inabutan ako nila Lexi ng tubig. Agad ko naman yun ininom. "ate Julie? okay ka lang po ba? bakit niyo po yun binuga?" tanong ni Lexi. "Itapon niyo na yan. Hindi yan ice tea hinaluan yan ng toyo" sabi ko habang na-ubo ubo ng konti. Ano ba yan! Malas talaga!
Afternoon classes na namin ngayon. Hinihintay pa namin yung teacher namin. May lumapit na classmate kong lalake at kinuha yung notebook ko. Bago pa ako makapag-react ay napunit na niya ng buo yung notebook ko. Hindi ako nakapagsalita agad. Nagulat ako sa nangyari. Napaiyak na lang ako ng malaman kong math notebook ko pala yun. Terror teacher namin sa math. Kaya kahit pinipigilan kong humikbi, hindi ko rin nagawa kase napalingon na sila Joyce saken.
Awang-awa ako sa sarili ko. Feeling ko ang hina hina ko. Pinauna ko na sila Louise umuwi. Gusto ko munang mapag-isa. Habang naglalakad ako, tulo lang ng tulo ang mga luha ko. Hindi ko sila pinupunasan dahil bakit pa? ehh alam ko naman na tutulo at tutulo pa rin yan.
Nakarating na ako sa bahay namin ng hindi ko nalalaman. Pumasok ako agad sa bahay at nadatnan si mommy na nagpupunas ng lamesa namin. Nakita niya ako. Ngumiti siya pero agad niya ding binawi at agad lumapit saken at niyakap. Humagulgol na ako. Hindi ko na kaya. Ano bang ginawa ko para mangyare ito saken? Wala naman akong tinapakan na tao ahh?
Naging ganun lang kami ni mommy. Alam ko naiintindihan niya ako. Nung medyo okay na ako pinaakyat muna ako ni mommy. Mamaya na lang daw ako magkwento sa kanya. Kailangan ko daw muna kase bigyan ang sarili ko ng panahon para kumalma sa mga nangyare saken ngayong araw.
Akala ko okay na. Pero may tumulo ulit na luha at nagtuloy-tuloy na.
------------------------------
Miss J: So sorry guys kase ngayon lang ako naka-update. So baka bukas ng gabi may update ulit pero di ko sure okay? thank you for reading! God bless you all! :*
BINABASA MO ANG
My Dream Guy (A BiGuel fanfic)
FanfictionHi guys please support my story. Lalo na yung mga ibang BiGuel fans diyan *kaway kaway* anyways, please vote comment and be a fan thank youuu! :D