Bianca's POV
At the end of the day, nauna pa rin ang pagiging mabait namin. Hindi na namin tinuloy ang revenge namin dahil sabi nga nila "revenge is not always the answer" pinag-pray na lang namin sila kay Lord. Humingi na lang kami ng sorry kay God. Humingi na rin kami ng guidance sa kanya.
As of now, as usual every saturday is barkada day! nasa mall kami ngayon ng YOLO at FAB5. Paalis na rin kami kase may surprise daw ang boys sa amin at hindi yun dito sa mall. Ginamit namin ang van nila Miguel. Ang ending, nasa driver seat si Miguel. Katabi niya naman ako. And the rest nasa likod. Wala talaga akong idea kung saan kami pupunta. Napaka-aga pa nga eh!
"Hey guys saan ba tayo pupunta? at Kristoffer bakit may hawak kang limang blindfold?" sabi ni Joyce. Halos lahat kaming girls napatingin kay Kristoffer. "Uhm, uyy mga tol! konting tulong naman" tila batang pagmamaktol ni Kris kila Miguel.
"Ehem Miguel baka may gusto kang sabihin? and boys?" sabi ko with matching taas kilay pa yan ah? HAHAHA. Tinabi naman muna ni Miguel ang van. "Girls nakalimutan ko, kailangan niyo pala ilagay yang mga blindfolds na yan" sabi ni Miguel. "Bakit naman namin kailangang suotin ang mga yan?" sabi ni Lexi. "Magtiwala kayo sa amin girls" sabi ni Derick sabay smirk.
Mas lalo akong kinabahan. Naramdaman ko na lang na may tela na bumalot sa mata ko. Naramdaman ko na may lumapit sa muka ko-- to be exact sa tenga ko at bumulong. Amoy pa lang niya alam ko na. "Just trust in me Bianky. Hindi ko hahayaang na may mangyare sayo" tapos hinalikan niya ang gilid ng ulo ko. How can you not fall in love with this guy? "I trust in you Miguel" sabi ko at ngumiti. Minutes have passed, nakatulog ako.
Nagising ako dahil sa ilang tapik na naramdaman ko. Pagmulat ng mga mata ko, isang gwapong nilalang ang bumungad saken joke HAHAHA. Pero ang totoo niyan si Miguel ang nakita ko. Paglingon ko sa likod ko nakita kong kagigising lang din nila ate Julie.
"Nasaan tayo?" tanong ko. Ngumiti si Miguel. May tinuro siya. Tinignan ko naman kung ano yung tinuro niya. "BAGUIO?!" napabalikwas ako sa upuan ko. Nananaginip ba ako? pakikurot nga ako. Hinampas ko ng konti yung ulo ko. "Uyy! bakit mo hinampas ang ulo mo? Okay ka lang? May masakit ba sayo?" nag aalalang tanong ni Miguel. "Hindi nga ako nananaginip! Nasa Baguio nga tayo KYAAAAAH!!" dahil sa sigaw ko ang mga inaantok na kasama ko ay nagising bigla HAHAHA.
"Bianca?! Anong nangyare sayo?! Bakit ka biglang sumigaw?!" sabi ni Louise. "KYAAAAH LOUISEEE! NASA BAGUIO TAYOOOO" para akong bata na first time nakapunta ng Baguio HAHAHA. "Aish! kala ko naman ano na nangyare sayo" sabi ni Louise. "Hihihi sorry na po na-excite lang ako nyahaha" natatawa kong sabi.
"Guys dito muna tayo tutuloy sa bahay ng tita ko. Hiniram ko muna. Wala namang nakatira dito dahil nasa States na sila" sabi ni Alden. Wait hindi pa pala kami nagpapaalam sa mga magulang namin! "Wait guys? hindi pa kami nakakapagpaalam sa parents namin" sabi ni ate Julie. "Oh about that, don't worry girls. Bago pa tayong pumuntang mall, alam na ng parents niyo na pupunta tayong Baguio" sabi ni kuya Elmo.
Buti at pinayagan kami. Sa bagay tiwala ang lola ko sa mga lalakeng kasama namin. Same with ate Julie, Lexi, Joyce at Louise. "Wala rin kaming gamit guys" sabi ni Louise. "May mga gamit sa taas. Gaya ng sabi ni kuya Elmo settled na ang lahat" sabi ni Alden. Wow di naman sila boy scout niyan ah? HAHAHA.
Umakyat muna kami sa mga kwarto namin. Hiwalay ang boys sa girls. 2 rooms ang meron. Each room may 5 beds at isang bathroom. Napag usapan naming lahat na paggising namin ay dun na muna kami maglilibot sa Baguio. For now, magpapahinga muna kami dahil sa pagod sa biyahe.
------------------------------------------------
A/N: Yun guys! sorry kung ngayon lang ako nakapag update. Enjoooy reading :) at ang next chapter ay ang tour nila sa Baguio :))) sinong excited? HAHAHA until next time ;) promise guys try ko yung best ko na mag update ng mabilis :D
BINABASA MO ANG
My Dream Guy (A BiGuel fanfic)
FanfictionHi guys please support my story. Lalo na yung mga ibang BiGuel fans diyan *kaway kaway* anyways, please vote comment and be a fan thank youuu! :D