Chapter 22

371 27 3
                                    

Bianca's POV

Masaya kami ngayong nakain ng almusal. Syempre kapag magkakasama ang barkada hindi pwedeng mawala ang kwentuhan. Since last day na namin dito ngayon, nagpasya kaming mag picture. Ipinost ko ito sa Instagram pagkatapos nilapag ko na ulit ang phone ko.

Naligo na ako dahil pupunta pa kami sa isang souvenir shop pagkatapos ay uuwi na kami. Habang naliligo ako iniisip ko na agad kung ano yung pwede kong maibigay na souvenir sa mga kasama ko.

Babalik ako dito sa Baguio. At kapag bumalik ako kasama ko na yung taong mahal ko. Sabi ko sa aking isip at napangiti. "Bianky dalawang beses na kitang nakikita ng mag isa kang nangiti ah? medyo creepy na haha" sabi ni ate Julie at tumawa. Napatawa naman ako at sinabi "Wala po ate Julie may naisip lang" at ngumiti.

"Oh! pwede ko ba malaman ang dalawang rason na yun?" tila mapanuring mata ang ginamit ni ate Julie at tinaas baba pa niya yung kilay niya. "Well, yung unang reason po ay yung sa simbahan gusto ko po kasi doon magpakasal someday. At ngayon naman po gusto ko pong bumalik dito at pagbalik ko po kasama ko na po yung taong mahal ko." sabi ko at ngumiti.

"Naku naku naku, ikaw Bianky ah? hahaha of course babalik tayo dito, malay mo pagbalik natin kasama na natin ang taong mahal natin diba? who knows?" ngumiti si ate Julie nang sinasabi niya yan. "ate Julie at Bianky tara na sakay na kayo!" sigaw ni Louise kaya dali-dali naman kaming tumakbo papasok ng van ni ate Julie.

As usual, katabi ko nanaman si Miguel haha. Saglit lang naman ang biyahe papuntang souvenir shop. Bumaba agad ako at naghiwa-hiwalay na kami. Yun kasi ang sabi ni ate Julie at kuya Elmo para daw may thrill kapag nagbigayan kami ng souvenirs haha.

Napadpad ako sa mga keychains. Napaka-mainstream naman kung keychains pero sobrang cuuuute ng mga nandito. May nakita akong keychain na strawberry tapos may blue ribbon design na nakapalibot dito. Agad akong kumuha ng apat para kay Louise, Joyce, Lexi at ate Julie.

Nagikot ikot pa ako sa souvenir shop nang may madaanan akong t-shirt. Naisip ko bigla si Lola kaya naghanap ako ng isang t-shirt na kasya kay Lola.

Umikot ulit ako para maghanap naman ng para sa mga boys. May nakita akong mga bracelet na pwedeng panglalake at pangbabae. Kaya naman kumuha ako ng apat para kay kuya Elmo, Derrick, Alden at Kristoffer. Wala si Miguel no? haha syempre hahanap ako ng iba para sa kanya at gusto ko parehas kami.

Napadpad ako sa isang stall ng mga kwintas na nakasabit. Na-curious ako kaya lumapit ako doon. May nakakuha ng atensyon ko at yun yung kwintas na may heart shape. Simple lang siya pero para saken malakas na ang dating niya. Naghanap pa ako sa stall na yun. Sa paghahanap ko may nakita akong kwintas na may kasamang singsing. Naisip ko na pwede ito para kay Miguel. Agad ko yun kinuha at nagbayad na.

Nandito kaming lahat sa labas ng van. Nandito na pala silang lahat ako pa ata ang late hahaha. "Okay para madali isa-isa ko kayong tatawagin tapos iaabot niyo dun sa taong yun okay?" sabi ni kuya Elmo kaya tumango na lang kami bilang sagot.

Boys muna ang nauna. "Kay Alden." unang lumapit yung mga boys sa kanya. Inabot na rin naming girls yung ibibigay namin sa kanya. Nahuli ng bigay si Louise kasi 'special' daw yung ibibigay niya. Kaya ayun napuno ng tuksuhan yung barkada.

"Kay Kristoffer." lumapit na kaming lahat sa kanya. Napansin namin ang binigay ni Joyce sa kanya. Namangha ako ng makita kong isang singsing yun! take not parehas pa sila omg kinikilig ako haha.

"Kay Derrick." lumapit na kaming lahat sa kanya. Hinahanap pa rin ni Lexi yung kanya kaya naman nahuli siya. "Kay kuya Elmo" lumapit na kaming lahat sa kanya. Si Miguel na lang ang natitira kaya naman inunahan ko na yung iba.

"Oh, ingatan mo yan ah? wag mo iwawala yan." pagkatapos ko sabihin yun ay ngumiti ako. Ngumiti din naman siya ng makita niya yung kwintas na may singsing. Isinuot naman niya yun agad kaya isinuot ko na rin yung akin. Nakita kong may kinukuha siya. Pagkalabas ng kamay niya nagulat ako sa nakita ko! OMG! isang singsing na plain.

"Kung iingatan ko itong binigay mo dapat din ingatan mo yang binigay ko ah? suotin mo yan palagi." pagkatapos niyang sabihin yan isuot na niya saken yung singsing. Sa sobrang tuwa ko, napayakap ako bigla sa kanya. Nagulat naman siya pero yumakap na rin siya pabalik.

"Ehem." napabitaw ako ng magulat ako ng may nagsalita. "Biankyyy ang daya mo naman ayan tuloy binigay na tuloy nilaagad samen yung souvenirs." sabi ni Lexi. Natawa naman ako at nag peace sign. "Hayaan na lang natin yan Lexi, nagkamoment naman sila ni Miguel eh ayiiieee." tili ni Joyce na sinundan naman nila lahat. "Ayos ba bro? ano na score? hahaha." sabi ni Derrick at tinapik tapik pa sa likod si Miguel. "Hay nako kayo naman parang hindi pare-pareho by pairs ah?" sabi ko. Namula naman sila isa-isa at nagsipasok na sa loob ng van. Tawa lang ako ng tawa sa kanila.

Katabi ko ngayon si Miguel. "Uyy salamat nga pala sa singsing ah? tsaka patulog na rin dito sa balikat mo inaantok ako eh salamat ulit." ngiti kong sabi kay Miguel. Bago ako matulog napangiti ako sa sinabi ni Miguel. "Salamat rin. Salamat sa lahat. Salamat sa pagdating mo sa buhay ko." And with that natulog ako ng mahimbing ng may ngiti sa labi.

------------------------------------------------------------------------

A/N: Sa susunod na chapter may dadating. Keep on supporting my story labyu guys mwaaa! Next update, Wednesday.

My Dream Guy (A BiGuel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon