Joyce's POV
So far so good naman ang araw ko. Wala pang nagyayaring kamalasan saken ngayon. Sana nga wala na talaga. Naaawa ako kila Bianca at ate Julie. Hindi naman nila deserve yun ehh. Malaman lang talaga namin kung sino ang gumawa nun ay mapaparusahan namin.
I'm on my way sa locker ko. Nakalimutan ko pa lang ilagay yung mga libro ko kahapon sa bag ko. Pagkabukas ko ng locker ko nadatnan ko ang isang libro ko na punit ang ilang mga pages! Oh geez! sirain niyo na talaga lahat ng gamit ko wag lang ang mga libro ko! Sobrang sira na agad ng araw ko. Kala ko pa naman titigilan na nila kami.
Nasa room na ako. "Oh bakit busangot muka mo dyan Joyce? anong ayos mo ngayon?" tanong ni Louise. Siya pa lang at ako ang nasa classroom ehh. "Pano kase, yung libro ko may pumunit ng ilang mga pages!" tila batang pagsusumbong ko kay Louise. "Hala pano na yan? ano nang gagawin mo?" sabi niya. "May tape ka ba dyan? peram naman aayusin ko na 'to bago pa dumating si mam" sabi ko kay Louise. Naghalungkat naman agad siya sa bag niya at inabot saken ang tape at gunting.
Habang inaayos ko yung libro ko dumating na rin ang iba kong kaklase at sila ate Julie. Sa sobrang busy ko, si Louise na ang nagkwento kung bakit ko inaayos ngayon ang libro ko. Nainis rin sila syempre. They know me too well. Kaya kilos ko pa lang alam nila na masama ang aura ko ngayon.
"Any volunteer?" tanong samin ng math teacher namin. May equation kase sa blackboard. Medyo mahirap nga pero susubukan ko. Tinaas ko na yung kamay ko. "Yes miss Ching? halika dito sa harap" sabi ni mam. Agad naman akong tumayo. Nasa blackboard na ako. And yes! tama ang sagot ko dahil sa checking na ginawa ko. Pagharap ko kay mam nakatingin siya sa palda ko. Humarap ako sa mga kaklase namin. Halatang nagpipigil sila ng tawa. Pero bukod sa kanila ang FAB5. Na mukang nag-aalala saken. Bakit? anong meron? I mouthed sa kanilang apat. Pero bago pa sila makapagsalita, biglang nagsalita na si mam.
"Ija, meron ka ba ngayon?" tanong ni mam. "Mam kakatapos ko lang po last week" sabi ko. "Ehh ano yan?" tapos hinila ni mam yung bandang likuran ng palda ko. And there you have it! nakita kong may red sa palda ko! "Mam may I go out?" tanong ko. "Yes you may" pagkatapos sabihin ni mam yan ay agad akong tumakbo.
Nasa CR na ako. Habang kinukuskos ko ang palda ko ay may tumulo. Tumingin ako sa salamin. Umiiyak na pala ako. Ano ba naman 'to! Una yung libro ko tapos ngayon yung red paint sa palda ko? Ayoko na.
Nanatili lang ako sa CR for almost the whole math time. Sabi ko sa sarili ko babalik na lang ako sa next subject namin. Nang mag-ring ang bell hudyat na yun. Tumakbo na ako pabalik ng classroom. Chineck ko muna yung upuan ko kung may red paint pero wala na akong nakita.
"Okay class may surprise test ngayong araw about sa lesson natin kahapon. Wala nang magrereklamo okay?" sabi ng teacher namin. Kasabay nun ang pag-abot niya ng mga test papers.
Nasa kalagitnaan kami ng pagtetest ng biglang may kumalbit sakin. Si Angel. Napatingin ako sa papel na maliit na nasa table niya at pinapabasa saken. Nakalagay dun 'Sorry' tapos bigla siyang sumigaw ng "Mam si Joyce po nangongopya saken!" napatingin tuloy ang lahat samin. "Miss Joyce! Go to the detention room now!" sabi niya na galit ang tono. Wala akong nagawa kundi sumunod. Hindi rin naman siya makikinig sa paliwanag ko ehh anong use? Pero bago ako lumabas napatingin ako sa gawi ni Angel. Nakangiti siya. Ngiting tagumpay.
Nayukom ko na lang ang kamay ko dahil sa nakita ko. Napatingin din ako sa FAB5. Nakatingin sila saken na nagaalala. Nginitian ko na lang sila ng malungkot. Pagkalabas ko ng room tumulo ang luha kanina pang nagbabadya kumawala sa mga mata ko.
Pumasok ako sa detention room. Umupo at umiyak. Ayoko na. Sukong-suko na ako. Wala naman akong ginagawa ehh. Alam ng Diyos na hindi totoo ang bintang saken ni Angel.
----------------------------------
Miss J: Next update baka tuesday night. Keep on supporting this story. Thank you guys for reading! I love you all! :* God bless you all :*
BINABASA MO ANG
My Dream Guy (A BiGuel fanfic)
FanfictionHi guys please support my story. Lalo na yung mga ibang BiGuel fans diyan *kaway kaway* anyways, please vote comment and be a fan thank youuu! :D