Chapter 15

642 44 7
                                    

Lexi's POV

Thursday na ngayon means P.E namin. Wala naman na akong problema dahil yung P.E uniform ko nasa locker ko na. Kaya naman pumunta na kaming FAB5 sa locker room para makapag-palit na din.

Nasa CR na kami para magpalit nauna akong lumabas sa cubicle tapos nag-pony tail sa harap ng salamin ayan okay na. "Uhh Lexi humarap ka nga saken" sabi ni Bianca. Humarap naman ako sa kanya. "Lexi yung jogging pants mo butas yung sa bandang tuhod at sa gilid" sabi ni Bianca na natataranta. Agad naman lumipat ang tingin ko sa jogging pants ko. Oo nga butas siya! naku patay! wala akong extra.

"May extra ako sa locker ko tara kuhanin natin" sabi ni Louise. Agad naman na kaming tumakbo at nagpalit na ako. Buti na lang merong extra si Louise.

Nasa gym na kami. Pansin ko lang hah, hindi kami pinapansin ng YOLO bakit kaya? kung kailan kailangan namin sila dun sila mawawala. Ano yun iwanan sa ere? ehh parang kailan lang magkakasama pa kami sa mall ahh. Naputol ang pag-iisip ko nang sumulpot ang teacher namin.

"Okay class ang P.E niyo ngayon ay volleyball. Parang try out na rin 'to para sa nalalapit na intramurals natin. Kaya kung sino man ang makikitaan ko na magaling mag-volleyball dito ay ililista ko na agad ang pangalan okay?" nag yes naman na kaming lahat. Kaming FAB5 medyo magaling kaming mag-volleyball ewan ko na lang kay Bianca.

Kase diba, hindi pa namin siya nakikitaan maglaro ng volleyball so yun. Nag-start na kami after naming mag-warm up. Nakabilog kaming FAB5 at pinagpapasahan ang bola. Nung turn na ni Bianca wow ang galing! naipasa niya yung bola. Mukang magaling si Bianca good! then kung saka-sakaling makita kami ni mam ililista niya na ang grupo namin. Ansaya lang!

"Okay everyone umupo muna kayo! I have an announcement" agad naman kaming umupo. "Okay may nahanap na akong maglalaro. Sad to say, girls lang siya 10 lang sila na nailista ko. Group sila actually. Sila ang FAB5 at SISSY5 congrats sa dalawang grupo!" masayang bati samen ni mam. "And para mas exciting paglabanin natin ang dalawang grupo. 5 vs. 5 team FAB5 vs. SISSY5" sabi ni mam. Oh-uh. Kinakabahan ako. Pero dapat itago ko 'tong kaba ko. Kaya namin 'to.

Nag-start na kami. Talo kami sa first set pero bumawi naman kami sa second set. Nung third set naman kami pa rin ang nanalo pero nung fourth medyo na-injured si Bianca. Siya kase pinakamagaling sa pag-spike. So bandang huli talo kami sa fourth set.

"Okay guys kaya natin 'to okay? Bianca okay ka na?" sabi ni ate Julie. "Opo ate Julie. Sorry natalo pa natin ang fourth set" sabi ni Bianca. "Okay lang yun 'no! tsaka kaya natin 'to last set na guys! let's beat 'em!" masiglang cheer ni Louise hahaha.

13-14. Yan ang score. Kami yung 14 sila naman yung 13. Service ko na ngayon. Pagka-service ko pumasok ang bola sa kabila. Na-receive naman ni Tanya. Pinasa niya kay Candy para i-set tapos ini-spike ni Rima! Na-block naman ni ate Julie pero agad din nakuha ni Louise. Pinasa niya saken at sinet ko kay Bianca at spike! pero na-receive ni Angel. Set by Hazel at ini-spike ni Tanya papunta saken and boom! tumama sa paa ko!

"AAAAHHHH" malakas na sigaw ko dahil sobrang sakit! "Lexi!" agad nilang sigaw at lumapit saken. "Lexi kaya mo pa?" ate Julie. "Tara upo muna tayo" si Bianca. "Kuha kayo tubig!" si Joyce. "Assistant! pabuhat si Lexi!" si Louise. Sobrang sakit ng paa ko to the point na hindi ako makapag-salita. 14 all na ang score. Dapat kong kayanin. Para sa FAB5 at hindi lumaki ang ulo ng SISSY5.

"Kaya ko pa" sa wakas nakapag-salita na ako. "Sure ka? pwede naman tayo mag-quit ehh" sabi ni ate Julie. "Kaya ko pa ate Julie wag po tayong mag-quit" sabi ko at ngumiti.

Service ni Tanya. Naka-alerto na ako ngayon. Pumasok yung bola na-receive ko. Pinasa ko kay ate Julie at sinet niya spike by Joyce. Na-receive ni Candy set by Hazel at drop by Rima. Na-receive ni Louise pinasa niya kay Joyce at naset ni Joyce. Ako ang malapit sa bola kaya ini-spike ko na ng sobrang lakas! and boom! tapos na ang game! kami ang nanalo!

"YEEEES!" sigaw namin ng FAB5 at nagyakapan. Grabe kahit sobrang sakit ng paa ko nagawa kong mag-spike ng ganun. Naputol ang saya ko ng may mag-abot saken ng bottled water. Magte-thank you pa naman ako ng mawala na yung nag-abot. Ininom ko na yung tubig at agad ko ring binuga dahil... suka?! bakit suka abg nasa loob at hindi tubig? err ang asim! "AAAAAH" sigaw ko! kumirot ulit ang paa ko. This time mas doble pa ang sakit. Bago pa ako sumalampak sa sahig everything went black.

My Dream Guy (A BiGuel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon