Chapter 18

744 56 17
                                    

Bianca's POV

Halata sa muka naming FAB5 na wala kami sa mood. Sabay-sabay kase kaming dumating. Pati yung fans namin nakisimpatya samin. Pero nginingitian namin sila. Papunta pa lang kaming building nang may makita kaming traces ng roses. Yung petals lang nung rose ahh. 5 lines siya to be exact. At each line nun may nakalagay na pangalan  namin. Yung unang line may nakalagay na Julie. Sa pangalawang line Joyce. Sa pangatlong line Bianca. Sa pang-apat na line Lexi. At sa panglimang line Louise.

"Okay girls alam ko nawe-weirduhan na rin kayo. Mas mabuti pa kung sundan na lang natin yung line kung saan tayo naka-assigned okay? ingat kayo." sabi ni ate Julie. Kaya naman sinundan na namin.

Nung bandang malapit na sa building namin naunang lumiko si ate Julie. Apat na lang kaming magkakasabay. Tapos nun lumiko na si Lexi bago pa man kami makaakyat sa hagdan. Next nun lumiko na si Louise malapit sa CR. At pagtapos nun lumiko na si Joyce malapit sa pool area. Ako na lang ang naiwan. Papunta nang room etong dinadaanan ko.

Pagpasok ko ng room, isang lalaking pigura na nakatalikod ang nakita ko. Narinig niya yung kalampag ng paa ko kaya humarap na siya. Nagulat ako sa nakita ko. Mabilis na lumipad ang kamay ko sa bibig ko. "M-Miguel?" halos ibulong ko na yan sa sobrang hina.

"Bianca mag-usap tayo please?" nakita ko sa mata niyaang sinseridad. Umupo muna kami. Naalala ko nanaman yung hindi niya pagtulong saken nung panahong kailangan ko siya. "Bakit hindi mo ako tinulungan nung panahong kailangan kita?" tanong ko agad sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago siya sumagot. "Okay. Ganito yan Bianca. Inutusan kami ng SISSY5 na lumayo na sa inyo. Syempre hindi kami pumayag sa gusto nila. Pero sabi nila sasaktan nila kayo kapag hindi namin ginawa. Natakot kami Bianca. Natakot ako na saktan ka nila. Kaya kahit sobrang labag sa loob ko, nilayuan kita. Pero mali kami. Hindi nga nila kayo sinaktan pero binully naman nila kayo. Kaya ngayon, hinding-hindi na kami mawawala sa tabi niyo-mo. Babantayan kita Bianca. Hindi kita iiwan" may tumulong luha kay Miguel.

Hindi ko napansin na pati ako ay umiiyak na. Ang sama nila! Ang sama sama ng SISSY5. Halos humagulgol na ako dito. Wala akong masabi. Blangko ang utak ko. Parang ang tanging alam ko lang gawin ay umiyak ng umiyak. Sobrang sakit. Hindi ko inakala na sila yun.

"Wag kang umiyak please? Ayokong nakikita kang umiiyak" sabi ni Miguel habang pinupunasan niya ang mga luha ko. "Promise me Miguel. Promise me na hindi ka na aalis sa tabi ko. Na babantayan mo ako, na--" naputol ang sasabihin ko nang iharang ni Miguel ang mga palad niya sa bibig ko.

"I promise you Bianca. Hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo" dahil sa sinabi niya tumigil ako sa pag-iyak at ngumiti ng kaunti. Nginitian niya rin naman ako. "Ayy wait lang may ibibigay ako sayo" may hinalungkat siya sa bag niya. Nilabas niya ang isang maliit na box. Binuksan niya yun. Nakita ko ang isang susi na kwintas. Ang ganda niya. Kumikinang pa yun. Umikot siya sa likod ko at dahan-dahan na isunot ang kwintas.

Umupo na siya sa harapan ko ulit. "Salamat Miguel. Ang ganda nito." sinabi ko habang tinitingnan ang kwintas. "Bianca tumingin ka saken" sabi niya tapos nilagay yung pointing finger niya sa baba ko para itaas. Nagtama ang mga mata namin. "Nasa akin ang padlock ng susing nasa iyo. Wag mong iwawala yan ahh? yang ang humahawak ng promise ko sayo okay?" sabi niya. Tumango ako at ngumiti. Kasabay nun ay kiniss niya ako sa forehead ko. Oh geez! Miguel wag kang ganyan.

Feeling ko lahat ng dugo umakyat sa pisngi ko. Yumuko ako. Para hindi niya makita. Narinig ko naman siyang nag-chuckle. Haaaaay Miguel, bakit ang swerte ko sayo? sa lahat ng lalaki ikaw pa ang naging bestfriend ko at ikaw rin pala ang dream guy ko.

------------------------------
PLEASE READ!!!

Okay guys gusto niyo rin ba malaman ang nangyari dun sa apat na kaibigan ni Bianca? or tuloy ko na yung next? please write your opinion sa comments thank you so much!

My Dream Guy (A BiGuel fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon