Bianca's POV
Nasa room na ako. Nandito na rin ang FAB5 pero may kutob ako. Bakit yata parang kinakabahan ako? Sa pagkakaalam ko, kumain naman ako ng breakfast. Maaga naman akong natulog kagabi. Pero bakit ganito? Hindi ko na lang sinabi sa FAB5 ang kutob ko. Ayoko na magalala sila saken.
"Girls tara labas muna tayo mukang may pinagkukumpulan sila dun sa may field ohh" sabi ni Lexi. Naku kahit kailan talaga itong babaeng 'to tsismosa hahaha. Bandang huli, bumaba na rin kami para tignan yun. Nasa hagdanan pa lang kami ng may nakita akong 5 babae. Hindi ko na lang sila pinansin dahil normal naman na mga babae yan na nagaaral rin dito. Pero laking gulat ko ng sumalampak ako sahig. Buti last step na yun. Medyo sumakit naman ang paa ko dahil mai ag bagsak ko.
"Aray!" sigaw ko. Napatingin yung limang babae. Ngumisi sila saken at hindi man lang nag-sorry. Nilapitan ako nila ate Julie. "Bianca okay ka lang? anong masakit sayo?" dire-diretsong tanong saken ni ate Julie. Gaya ng sabi ko kanina, ayaw ko na magalala sila. "Okay lang po ako ate Julie wag na po kayo mag-alala" sabi ko. Inalalayan nilakong tumayo at pumunta ng field. Pero pagdating namin dun nasabi ko na lang sa sarili ko na sana hindi na lang kami pumunta.
Nung nakita kami ng mga tao doon ay agad nila kaming tinapunan ng mga masasamang tingin. Dahil sa pagkalito ko, agad akong lumapit sa tinitignan nila. Oh God! bulong ko. May nakita akong picture ko na nakahawak ng isang beer. I swear wala akong picture na ganyan! And one more thing. In my entire life hindi ako umiinom! Masyado pa akong bata para gawin yun. Lumapit na rin saken sila Joyce. Tumulo na ang luha ko. Sinong gagawa nito saken?
"a-ate J-Julie wala po akong alam diyan. Hindi po ako umiinom I swear!" paiyak-iyak kong sabi. Napaluhod ako. Then nag-break down na ako. Hindi ko na kaya. Nagsimula na rin ang bulong-bulungan sa paligid ko. "Bianca we believe in you. Alam namin na hindi mo kayang gawin yan. Tumahan ka na please" sabi ni Louise. Hinahagod-hagod nila ang likod ko.
Nasa classroom na ulit kami. Halata mo talagang umiyak ako dahil mugtong-mugto ang mga mata ko. Ano bang nagawa kong mali? Bakit ako napaparusahan ng ganito? Mabilis din naman natapos ang mga klase at lunch break na. Sa mga klase namin kanina hindi ako masyadong nakapag-focus. Nasa canteen kami at umupo sa table namin. Nakita ko ang YOLO pero hindi man lang ako tinignan ni Miguel. Oo aaminin ko medyo nasaktan ako. Nasan na yung bestfriend ko? Iiwan niya ba ako? Bakit kung kailan kailangan ko siya, siya pa yung wala?
"Bianca? kami na lang ang bibili ng pagkain mo. Maiwan ka muna dito. Mukang hindi ka pa okay ehh" sabi ni Joyce. Tumango na lang ako bilang sagot. Yung mga tanong ko kanina? ayun mas dumami pa. Nakita niya ba yung picture? mukang oo ang sagot. Anong iisipin niya saken ngayon? Na bad influence ako? Natigil ako sa pagiisip ng may bumuhos saken na tubig. Simula talaga siya sa ulo ko. Sobrang lamig ng tubig. Kasabay nun tumingin ako sa likod ko. Pero wala namang tao. Pinagtatawanan na ako. Tumayo ako at tumakbo. Tumakbo ako malayo sa mga taong maninira.
Nasa CR ako. Ni-lock ko ang pinto at pumasok sa isang cubicle at nagkulong. Umiyak lang ako ng umiyak ng may narinig akong kumakatok sa pinto. "Bianca! Bianca! buksan mo 'to! papasukin mo kami!" alam kong si Joyce yan. Lumabas ako. At times like this, hindi ko kayang ipakita sa kanila na matapang ako. Na malakas ako.
Agad nila akong niyakap. "Huy okay ka lang? halika na magpalit ka na ng damit mo" nag-aalalang sabi ni Joyce. Nagpalit na ako ng damit. Bumalik na kami sa room. Kinapalan ko na muka ko. Kahit anong mangyare, itutuloy ko pa rin ang classes ko. Ayoko na. Gusto ko na umuwi. Kaya after ng last subject namin nagpaalam na ako sa FAB5. Nasa hallway ako at maraming tao. Yumuko na lang ako. Tumakbo na rin ako.
Pagkauwing-pagkauwi ko, agad akong tumakbo sa kwarto ko. Pumunta sa sulok. Tinupi ko ang mga tuhod ko. At pinatong ko sa tuhod ko ang mga kamay ko. Tumungo ako. At umiyak. Bakit? Bakit kailangan mangyare 'to saken?
BINABASA MO ANG
My Dream Guy (A BiGuel fanfic)
FanfictionHi guys please support my story. Lalo na yung mga ibang BiGuel fans diyan *kaway kaway* anyways, please vote comment and be a fan thank youuu! :D