Ugh! Unang araw ng pasukan sa school, eh late ako?! Siryoso?! Ayun oh! At tumatakbo ako papunta sa gate ng school. Umaygahhd! At si Ladyguard Jenny pa ang nagbabantay, paniguradong hindi ako papapasukin nito, bubungangaan pa ko nito!
"O, ate. Unang araw ng klase late ka?" tanong niya sa akin, at medyo na-amazed ako dahil mahinahon siya. Eh dati-rati lang, kung bungangaan kami nito, daig pa yung teachers at nung principal namin. Anyare?
"Ate sorry, na-traffic lang po talaga ako eh. Pasensya na talaga." Wow! At nagpaka-polite po ako sa lagay nay un ha!
Binuksan niya yung gate. "Oh sige, bilisan mo lang."
Ayun at pinapasok ako ni Ladyguard Jenny! Wow. At nasa 3rd floor pa ang aking classroom. Habang umakyat ako ng hagdanan, dinig na dinig ko yung nag-e-echo yung heels ng black shoes ko, super tahimik. At eto na! Sa wakas, narating ko rin ang 3rd floor at hinahanap ko pa yung room 34. Gosh! Wala pa atang teacher sa loob kasi medyo maingay sila at may ibang mga nakatayo pa. Ayun, nandun na ko sa pintuan, yung mga new classmates ko, nakatingin lang sa akin. Oh yeah? You're so dead, Ches! I thought. Hindi ko kilala ang mga tao sa loob ng classroom! Iginala ko ulit yung mga mata ko, naghahanap ako ng bakanteng chair.
"Ehem, miss. Ayun, o. May bakante pa dun sa may dulo."
Medyo nagulat pa ko kasi may nagsalitang lalaki sa likuran ko. Nilingon ko siya. "Pablo? Magklasmeyt tayo?!" grabe yung sigaw ko ha, at Filipino accent talaga dahil sa bigla ko.
Tawa pa ng tawa ang mokong. "Ayaw mo ba? 'Di mo ba namiss tong Steven Yingyong ng buhay mo?!"
Tinawanan ko lang siya. "Shett ka! Ginulat mo ko." Sabay hampas braso niya.
"Hindi ka pa rin nagbabago, Cheska! Napaka-bayolente mo pa rin... Magugulat ka sa makikita mo mamaya," sabi niya tapos pinaupo niya ko doon sa may bandang dulo dahil may mga bakante pang upuan doon, tapos may three chairs din na walang nakaupo pero may mga bag na nakalagay.
At eto naman ako, nakikipagtawanan kay Pablo. Etong mokong kasi na to. Kaibigan ko. Boyfriend to ng bestfriend kong magaling. Ewan ko kung sila pa rin ha, kasi 3 months na ang lumipas at isa pa, hindi na sila magkaklase. Tropa-tropa kami nito nung mga 3rd year high school pa lang kami.
"Ah, Pab, musta na si-Ah, tangina!" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko kay Pablo kasi biglang may bumatok sa akin. Shet, ready for action na ako! Taena! First day na first day may naghahanap agad ng away?! Anong kalokohan to?
"Anong prob-" Omygoshhh. Si Angel, Juvelyn at Kathleen! Classmates ko ulit sila! At hala ka, nagtatatalon ako at pinagyayakapan ko sila. Shett. Tuwang tuwa ako dahil hindi ako loner at kasama ko pa rin ang mga BFFs ko.
"Nice one, Ches! Pero late ka ata? Anyare?" tinanong ako ni Angel, tapos umupo na rin yung tatlong kiriray sa mga upuan nila. "Grabe, I can't believe it. You didn't even bother to tell me na classmates pa rin tayo. Don't you know na halos mamatay ako sa tension kasi 'di ko kilala yung mga magiging classmates ko..." Medyo nagdaramdam ako pero medyo may halong biro. HAHAHAHA. Madrama lang talaga ako minsan.
Tinawanan ako ni Angel. Tapos Inihilamos niya yung kamay niya sa bibig ko. "Shet, Angel ha! Kadiri much lang!" Sabi ko sabay napa "pweh!" ako.
Inawat kami ni Yingyong. (Si Pablo yun, nickname ko sa kanya yun kasi nga para siya Intsik na hilaw kasi wala siyang eyelids. Tapos, sabi pa niya noon na kamukha niya raw si Steven Yeun, yung gumanap na Glenn sa The Walking Dead, ayun ang history ng palayaw niya. Hahahaha.) "Hoy, tama na. Ayan na yung teacher. Mukhang dito papasok eh."