2. It's raining, men! Hallelujah!

200 12 1
                                        

2 weeks na ang nakalipas simula nung magsimula yung klase. Grabe, parang inspired na inspired ako. Paano, nung 3rd year kasi ako may mga line of 7 ang card ko. Ngayon, well, di ako masyadong hirap sa mga subjects at feeling ko na lahat may matataas ang magiging grades ko for 1st grading. Eh kasi nga inspired ako... Ang dahilan??? Si Duhhrey! Si Drew yan! Palayaw ko lang sa kanya para hindi naman obvious.

Eto na nga at tapos na ang klase. Uwian na! Medyo malungkot ako... Kasi 'di ko na siya makikita for two days. Friday na kasi ngayon... At kamalas-malasan! Umuulan, wala akong dalang payong dahil nasira nung isang araw! Hinangin kasi ng bonggang-bongga! June nga kasi, potek! Kaya maulan na naman!

"Paano to?? Wala akong payong???" sabi ko sa sarili ko. Hala! 5:00 na ng hapon, at makulimlim ang langit. HUHUHUHUHUHU! Baka wala akong masakyan! Baka ma-stranded ako katulad nung 3rd year ako! Ayoko na, mama!

"Halika, ihahatid na kita." Biglang may pamilyar na boses na nagsalita sa likod ko. Nanigas yung likod ko.

"@$5ew4 ka! Taena, ginulat mo ko!" here comes the bulaklak ng bibig blues. Napamura ako ng malutong. Ang masama! Si Duhhrey ng buhay ko! Siya ang nagsalita.

Medyo nagulat nga siya eh. Pero nakabawi rin naman siya. Namula ako. "Hala, s-sorry Du-Andres, nagulat lang ako.." nag-sorry ako ha! At ohhhmaayyyytilapia! Ngumiti siya, may dimples siya and he could be an endorser ng toothpaste ad! Deym, beybi! Hot damn!

"You can call me, Drew." He said to me charmingly. Ngek, mukhang sineseduce ako ni mokong ah! 'Di naman siguro dahil nga he likes pretty girls nga eh, and unfortunately, I'm NOT one of those girls. Simple lang ako. 'Di ako maganda. Hayahay! Kung sana lang! Maganda at sexy ako! Drama ko waaaaahhhh!

"I can take you home, if you want." He offered me. Shet. Sabihin ko kayang OO. Pero baka mapalayo pa siya. 'Wag na lang.

"Ay! 'Wag na Drew! Mapapalayo ka pa. Taga-Taguig kasi ako eh," sabi ko sa kanya. 'Bat ba kasi anlayo ng school ko?? Bakit sa Makati pa? Meron naming private schools rin sa Taguig. Ang ek-ek rin ng parents ko, noh?! ROFL!

Nagtaka ako, kasi lalo siyang napangiti. "Great! I'm from Taguig, also."

Hoomay! What?! He's also from Taguig? Okay. Love ko na to. Labyu Duhhrey ng buhay ko <3

"A-ah... T-talaga?" nauutal ako? Naman. Bigla akong na-concious, kaharap ko ba naman yung inspirasyon at crush ko eh. Haggard pa naman ako. 'Di ko alam kung may muta nga ako eh. Mayyygahhhd, para tuloy gusto kong manalamin bigla.

Natawa ang mokong. Mmm-hmm... Kissable lips? Check! White teeth? Check! Perfect ba siya??? Oo!! Oo! "Um, yeah. I have a condo sa Serendra." Huwaaaaaatttttt?!!! Sa Serendra? Mga big time kaya nandun. Geez. Rich si bebi! Well, halata naman eh. "Halika na?" yaya niya sa akin. Lumakad na siya. Nasa loob pa rin kami actually ng school. Doon kami sa ground floor. 'Di ako sumunod sa kanya. "Why are you doing this? Maaabala pa kita. Okay lang ako," I lied to him. Although, gusto ko talaga na magpahatid sa kanya, may pumipigil sa akin eh. May pagka-trasparent kasi ako.

"Come on. Nagmamagandang loob lang ako. And besides, I don't think, we have formally met before so please let me introduce myself to you.." Nakaka-oooooh ang accent niya. Grabe. As in. Nakaka-inlove yung boses niya. Napalunok ako. Nakatingin lang sa kanya. Inilahad niya yung kamay niya sa akin. "Hi, I'm Drew Villena, I'm your new classmate and nice to meet you." He said to me while smiling.

Tinanggap ko yung handshake niya. Pero wala pa atang 5 seconds, binawi ko yung kamay ko. Para kasing nag-vibrate bigla yung kalamnan ko eh. What izzzz happenin' to me??? "C-cheska here, nice t-to meet y-you, too..." Nanginginig baba ko.

Medyo napakunot yung noo niya pero nakangiti pa rin siya. "Why are you stuttering?" he teasingly asked me. Ganoon ba talaga ako ka-transparent? Inlove na ba talaga ako? Grabe? In love agad? Agad-agad?! Dito? Sa mokong na kaharap ko? O, ang nararamdaman ko lang is just a physical attraction...? Hmm. Hirap talaga kapag NBSB ang isang tao. Walang experience! Kailangan ko ng mentor when it comes to love!

He's My EverythingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon