7.2 Caught in the act

97 4 3
                                    

Naglalakad akong mag-isa sa corridor ng school namin. Wala lang, pampalipas oras. Oo, ako lang mag-isa. Kainis nga eh! May date kasi sina Pab at Angel. Pupunta raw sila sa Mall of Asia, manunuod ng sine at kakain. Sina Kat at Juv naman, umuwi na. Tinatamad na raw silang maggala pa sa school. Ako naman, eto. Naglalakad nga, tinatamad din akong umuwi pa ng bahay eh. Boring, tapos yung gagawin ko lang naman doon ay magcocomputer at kakain at kakain. Tsaka malaki naman tong school eh, marami akong pwedeng galaan, marami pa ring mga students na hindi pa nauwi. Yung iba, naglalaro pa sa gym, yung iba may practice, yung iba nakatambay at may dalang mga gitara, etc.

Naglalakad ako sa corridor nang may bigla akong marinig na humagikgik. Huminto ako sa paglakad. Tapos pinakiramdaman ko. Shit. Parang bigla akong natakot, kasi sa floor na nilalakaran ko, mukhang ako lang yung tao, lumingon ako sa likod ko. Oo nga, ako lang ang mag-isa na naglalakad. Umaygas. May narinig ulit akong nag-giggle na babae, biglang parang may nagsalita na lalaki, pero mahina lang. Ibig sabihin, hindi ako nag-iisa, may ibang tao pa. Pinakinggan kong mabuti kung saan nanggagaling yung tunog. Lumingon ako sa likod ko, may isang lumang room doon, props room. Lumapit ako ng dahan-dahan sa pintuan tapos idinikit ko yung left ear ko sa door. Oo nga! Dito galing 'yung ingay! Sino kaya ang mga 'yun???!

Binuksan ko ng dahan-dahan 'yung pintuan. Ini-awang ko lang ng konti. Medyo madilim sa loob at halos mapuno na nga yung room ng mga lumang props na ginamit. May narinig akong kumalabog, napatingin ako sa kanan! May tao! At yung babae ay si Ladyguard... Jen?!!!!! WTF! Anong ginagawa niya dito?!!!!! Nakita ko siya na humahagikgik na naman tapos may humahalik sa leeg niya na lalaki, pero di ko makita yung mukha kasi nakatalikod. Medyo kinilabutan ako, pinaliit kong lalo yung awang nung pintuan. Mahirap na... Baka mahuli ako! Wahaha! May ginagawang milagro to ah! Hala! Nung medyo nagside view yung lalaki... Ay! Siya yung isa sa mga janitor ng school namin! Grabe to! Ayun at naglalampungan sila dito sa abandonadong props room?! Yuck, at super cheap! Grabe, pwede ko nga silang isumbong sa principal eh! Halaaa. Cheska! Baka magkakuliti ka kasi naninilip ka! Sabi ng utak ko sa akin.

Nanduon pa rin ako sa may pintuan at naninilip nang biglang may naramdaman akong humawak sa magkabilang balikat ko. "Hoy! Anong ginagawa mo dyan?" boses ng lalaki! Sino to??!

Nagulat ako. Feeling ko mapapaihi ako sa sobrang gulat. Lumingon ako. "Ay anak ng tinapa..?! Duhhrey..?!" sabi ko.Grabe, nag-echo yung buong boses ko sa campus.

Natawa siya. "Duhhrey? 'Bat Duhhrey? Hmm, yan ba ang nickname mo sa akin? Cute ah." tapos bigla siyang tumawa. Tapos nagsalita siya ulit. "Ano bang sinisilip mo dyan sa props room? Nag go-ghost hunting ka ba?" sabi niya sa akin tapos bubuksan niya sana yung pinto pero iniharang ko yung sarili ko sa pintuan.

"Hep! Hanggang dyan ka lang! Bawal pumasok dito!" awat ko sa kanya. Gosh! Ano na lang kaya ang sasabihin niya sa akin kapag nalaman niya na namboboso ako?!

Inialis niya ako sa may pintuan. Hinila ko naman yung braso niya. "Wait nga! Paano ka ba nakapunta dito? Eh di ba nandun pa sa kabilang building yung room natin. Building to ng mga 3rd year!" sabi ko. Tina-try ko lang naman na ibahin yung topic. Mamaya, aayain ko siyang umuwi na. LOL.

Napakamot naman siya sa batok niya. "Eh... Sinusundan kita eh." sabi niya.

I raised my right eyebrow. "You're following me? Eh bat kanina lumingon ako, wala namang nasunod sa akin?" tanong ko.

He shrugged his shoulders. "Well, kanina, nandun ako sa may mini garden. Nakita ko na dito ka papunta, ayun."

Napa-tsk ako. "Ano ba yan!"

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong niya ulit. Tapos inayos niya yung ilang strands ng hair ko. Mahangin kasi ngayong hapon eh tapos nandito pa kami sa 3rd floor.

Nag-blush naman ako. "Ano... K-kwan... Ano kasi eh, naggagala ako. Ayoko pa kasing umuwi." sabi ko.

Napangiti naman ang mokong. 'At dito mo napiling tumambay? Dito sa 3rd floor at meron kang sinisilip dyan sa loob." sabi niya then he pointed the props room's door using his lips. Gosh, he's so cute. I thought.

Tumingin siya sa akin ulit. Tinitigan niya ko tapos medyo naningkit yung mga mata niya. My god... Parang may guilt talaga sa expression ko. Sorry naman! Di ako magaling sa pag poker face eh! "Feeling ko talaga, there's something happening inside that room," sabi niya tapos pumunta nanaman siya doon.

Binuksan niya yung door. HALA. PATAY NA.

Tumakbo ako. Pumunta ako doon sa may Chem Lab, tina-try kong buksan pero naka-lock yung door. Patay na! Paano ako magtatago eh naka lock to?! Yung iba ring classrooms ay naka lock na. 3:30 P.M. na kasi, eh half day lang kami ngayon dahil sa may mga meeting ang mga teachers. Napalunok ako. Umupo na lang ako doon sa may stairs. Hiningal ako doon ah.

Narinig ko na may napatili! Shit! Si Ladyguard Jen ba yun?! Napatayo ako. Pero maya-maya sumilip ako, nandun pa rin si Drew, nakita ko siya, medyo naka-awang yung bibig niya. Tapos maya-maya ulit lumakad siya na parang walang nangyari tapos nakangisi. Napatago ulit ako! Hala! Papunta siya sa direction ko! Patay na.

Wala na kong magagawa pa. Okay. Umupo na ulit ako sa stairs, tapos tumungo ako at iniunan ko yung mga braso ko sa noo ko.

"Nandyan ka lang pala," narinig kong sabi niya. Naramdaman ko rin na umupo siya sa tabi ko.He sighed. Tapos naramdaman ko yung isa niyang braso sa balikat ko.

This time humarap ako sa kanya. "Nu ba yan! Ang bigat ng braso mo!" Angal ko kahit hindi naman totoo. Di naman ganun kabigat yung braso niya. Guilty lang talaga ako. Kasi nalaman niya na namboboso ako.

He grinned then he playfully pinched my chin. "Don't worry, I'm not going to tell anyone. Secret lang natin to." then he put his index finger to his mouth. Then he drew a circle above his head. Ibig sabihin, magpapakabait siya.

Natawa ako. "Kainis! Nahuli mo kong namboboso!" sabi ko sa kanya tapos siniko ko siya sa tagiliran niya pero di naman malakas. Tumawa lang siya. Bumuntong hininga ulit siya.

"Sarap talaga ng feeling kapag nasosolo mo yung babaeng pinakamamahal mo, no?" sabi niya sa akin.

I made face. Natawa naman siya. "I love you, Ysa ko." he said to me. Then he took my left hand and gently kissed it.

Napalunok naman ako. Tapos tumayo ako. "Hindi pa kita boyfriend, kaya mag-behave ka!" sabi ko tapos iniwan ko siyang mag-isa.

"Hey! Babe! Wait! Hintayin mo naman ako!" sabi ng kumag sa akin.

Hintayin? Hintayin your face?! Kainis!

Hinabol niya ako. Tapos inakbayan niya ako. "Date tayo? Punta tayo sa Greenbelt?" tanong niya sa akin.

I looked up at him. Langya naman kasi. Sobrang tangkad. "Libre mo ko?" tanong ko na medyo naghahamon pa. Aba! Date daw huh?! Mamaya! Makikita niya kung gaano ako katakaw! Waha!

He smirked. May pagka-conceited talaga ang gago. "Ako pa? Tsss, I can afford everything. You know that. I'm rich eh." then he shrugged his gorgeous shoulders.

I smacked his left shoulder. "Natuturn-off na ko sayo! Mayabang ka kasi!" sabi ko.

Tumawa lang siya. Then he said to me. "Let's go na nga. Date tayo. My treat, Ysa babe ko." tapos he put his arm again to my shoulder.

Tiningala ko siya. "Anong sabi ni Ladyguard Jen nung nakita ka niya na namboboso ka sa kanila kanina?" tanong ko.

Tumawa ang gago. "Ayun, tumili lang tapos parang takot na takot. Hindi naman niya ako kilala eh. Pero I'm sure na makikilala ako nun sa mukha once na siya yung naka-duty sa gate. Matatakot yun sa akin. Pwede ko kasi silang isumbong kay Mrs. Cruz kung gusto ko," sabi naman niya. Si Mrs. Cruz nga pala yung principal namin.

Napailing naman ako. "Buti na lang pala, tumakbo ako. Ang cheap rin nila ha! Sa school pa sila nag-aanuhan! Yuck!" sabi ko habang nanginginig pa. LOL.

He laughed out loud. "That's what you call lust, baby."

I shook my head again. "Ah, ewan. Mga tao talaga ngayon."

...

SANA PO NAGUSTUHAN NIYO. :)

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon