Monday na. At napaka-swerte. Wala si Mr. Castro, absent siya!!! Soo... Syempre, maliligalig na naman ang buong section namin. Kanya-kanyang punta sa mga katropa niya yung mga kaklase ko. 'Yung iba para pa ring mga bata, naglalaro ng banana split, meron din namang mga nagbabasa ng libro, nagkukwentuhan at may mga nag tu-truth or dare, kasama doon sina Angel, Pablo, Juvelyn at Kath at 'yung iba ko pang mga kaklase. Eh ako naman, eto busy, nagbabasa ng bago kong pocketbook na binili ako sa Fullybooked nung Saturday na ang title ay "How To Make Someone Fall In Love With You In 90 minutes Or Less" as if naman magkakatotoo 'to... Pero malay mo?? Medyo nga natatawa pa ako sa mga nakalagay dito eh. Hmm... Type kaya ako ni Duhhrey?? Pasimple kong nilingon si Drew, kunwari nangangati yung leeg ko. Ayun! Nakikita ko siya na parang may sinusulat sa papel niya. Ewan ko kung ano 'yun. Haaaaayyy. Kung pwede nga lang maging kami. Sige magbabasa na nga lang ako.
"Hoy! Cheska! 'Wag ka ngang magpaka-loner dyan! Sumali ka dito? As if naman may magagawa 'yang new pocketbook mo sa pagiging single mo!!! Hahahaha!" sabi ni Juvelyn. GRABEHHHH. NAKAKAHIYA SIYA!!! SOBRANG LAKAS NG BOSES NIYA. NAGSIPAGLINGUNAN TULOY 'YUNG MGA KAKLASE KO INCLUDING DUHHREY!!! NAKAKAHIYA. Nararamdaman ko na nagbu-blush na ko dahil sa nahihiya na ko.
Umiling ako. "Ayoko, kayo na lang. Wala ako sa mood." sabi ko tapos niyuko ko 'yung libro ko. Kunwari nagbasa ako pero wala na talaga doon 'yung focus ko eh. Feeling ko kasi nakatingin siya sa akin...
Tumayo sina Angel at Juvelyn. Pinuntahan nila ako. Tapos hinila nila yung mga kamay ko. "Halika na!!! Baka gusto mong malaman ng buong klase kung sino ang crush mo dito! Sige ka!" sabi na naman ni Juvelyn. Grabeh uber much lang!!! Nakakahiya tuloy siya. Yung mga classmates ko nagtatawanan na. Si Angel naman hinihila pa rin yung left arm ko pero wala siyang comment. Tumatawa nga lang.
Kung bakit ba naman kasi na sobrang tanga ko na naiwan ko na nakalapag 'yung diary ko arm rest ko. Nakita nila, tapos binasa nila! Pero buti na nga lang, sila lang yung nakabasa. Pero gagamitin naman nila yun para i-blackmail ako! Hayahay! Buhay!
Umiling-iling ako! Ayoko nga kasi sumali. Pero sa huli... Napapayag nila ako. Eh, no choice eh! Baka sabihin nila. Mahirap na. Baka pag nalaman niya... Patay na!
Ayun, at kasali na nga ako doon sa pabilog na upo nila. Naka-indian sit kaming lahat. Meron din bottle ng mineral water na walang laman. Ayun umulit uli sila, ay kami na pala kasi kasama na ako. Tapos biglang tumayo si Pablo, pero 'di naman siya umalis sa pwesto namin na pabilog. Tapos sumigaw siya. "O, sino pang gustong sumali dyan? Truth or dare dito!" nagtawag pa siya, the more, the merrier daw nga kasi. Laking gulat ko nung tumayo si Duhhrey, "Ako, sali ako." sabi niya tapos lumapit siya sa grupo namin.
Shi-ettttt. Paano naman?? Dug! Dug! Dug! Dug! Dug! Sabi ng puso ko. Pinagpapawisan na rin ako ng malapot kahit na naka aircon yung classroom namin. "Oh sige, p're. Upo ka dito." sabi naman ulit ni Pablo tapos sabay silang umupo.
Napatingin ako kay Angel. She gave me a warning look. Nakataas rin yung kilay niya... Don't you dare do it... Unless, you want me to tell him that you like him... Ayan! Ayan yung sinasabi ng mga mata niya sa akin. Napalunok ako. Okay. Katapat ko si Duhhrey.
"Okay! Ako 'yung mag-iikot ng bottle," sabi naman ni Kathleen. Tumutok yung nguso ng bote kay Anne, isa sa mga classmates namin. "Haalaa! Ako agad??" reklamo niya. "Truth... Or... Dare??" sabi naman ni Dave na tumaas-taas yung kilay. Crush niya kasi si Anne, nililigawan niya rin, eh si Anne parang nagkakagusto na rin sa may pagka-maniac ko na kaklase na 'yun.
"Dare na lang!" sabi naman ni Anne na medyo naka-pout yung labi. "'Yan ang gusto ko," sabi naman ni Dave ulit. Manyak talaga. "Akong pipili kung anong gagawin niya!" sabi na naman ni Dave. "Tanggalin mo yung 2 butones ng blouse mo," What the---! Anong kahibangan to?!!! Sabi ko. Medyo nagpapanic na ako. Shet!!! Yung mga iba ko namang mga gagong kaklase nagtatawanan lang.
