***UNA sa lahat. :) Hindi ko alam kung saan na nagpunta si Seth Andrews. Bigla atang bumalik ng US at 'di na nagparamdam sa akin. Kaya naman hindi ko siya maisama-sama sa mga sumunod na chapters ng story ko. Totoo pala yung sabi ng mga famous writers natin na kahit anong imagine mo sa story na gusto mong gawin, kapag nasimulan mo ng sumulat or i-type sa computer mo... Umiiba talaga ng direction ang kwento. In short, 'yung gusto mong mangyari sa story ay hindi nangyayari. So nakapa-unexpected din talaga ng ibang mga events. Haha. Ewan ko kung babalik pa si Seth. Tsaka na! UY SETH ANDREWS! PARAMDAM KA NA NAMAN! :)))
*****************************************
P.O.V. Drew Villena
7:15 na. Wala pa rin siya... Asan na kaya 'yung babaeng 'yun? Na-traffic kaya siya? Oo, inaamin ko, nag-aalala ako kay Ysa dahil 15 minutes na siyang late. Or baka naman absent siya. Pero bakit naman siya a-absent eh okay naman siya kahapon. Nakapaggala pa nga kami sa Greenbelt kahapon eh. Ang takaw pa nga niya kahapon nung pumunta kami sa Yellow Cab. Natawa ako nung naalala ko yung nangyari kahapon...
Umupo na kami ni Ysa sa vacant chairs sa Yellow Cab. Tapos bigla niya akong tinanong.
"Your treat, right?" She asked me while raising her left eyebrow.
I smiled at her. "Yeah."
Tumango-tango siya. Tapos inilahad niya yung palad niya sa harap ko. I looked at her.
"Ako na ang o-order." sabi niya.
Tumango na naman ako. "Sige." sabi ko sa kanya tapos naglabas ako ng 1000 pesos sa wallet ko.
Napa-tsk naman siya tapos umiling-iling. Then I heard her muttered something. "Yaman talaga ni mokong," sabi niya habang naglakad siya papuntang counter. Natawa naman ako sa sinabi niya.
Mga 3 minutes din siyang nandoon sa counter. Pinanood ko lang siya habang nag o-order. Bumalik siya table namin na parang 'di maipinta yung mukha.
Nagtaka naman ako. "O, bakit? Anong nangyari sayo?" tanong ko.
Ipinakita niya sa akin yung receipt. "Tingnan mo yung nakalagay na name ko dyan," sabi niya na parang nagsusumbong na bata. Tapos ibinalik niya sa akin yung sukli.
Tiningnan ko naman yung resibo. Hindi Cheska ang nakalagay, kundi ang nickname niya na Ysa. Pero Mali ang pagkaka-spell. "Isa" kasi ang nakalagay sa receipt. Napatawa ako ng malakas.
She rolled her eyes. "What's funny? Grabe ha! Ysa lang! 'Di pa niya ma-spell ng maayos?! What the efff lang eh!" sabi niya pero mahina lang.
I ruffled her hair. "Hayaan mo na, parang ayun lang eh." sabi ko naman sa kanya.
"Nubayan! You ruined my hair!" sabi niya sa akin then she combed her hair using her fingers.
Dumating na 'yung in-order niya. Nagulat ako sa in-order niya! 14-inch na pizza! Hala? Kaya kaya naming ubusin to???
Napa-awang yung bibig ko tapos napatingin ako kay Ysa. She smiled innocently to me. "Sorry! Matakaw ako. Di lang yan! May kasama pa 'yang calzone. Maya-maya dadating na yun." sabi niya.
Nag-umpisa na kaming kumain. Nakakadalawang pizza pa lang ako, pakiramdam ko puputok na yung tiyan ko. Agh! Di ko na kaya. Tiningnan ko si Ysa. I smiled. Ang gana niyang kumain. 'Di siya katulad ng ibang girls na sobrang na-co-concious sa figure nila. 'Di siya maarte. And that's why I love her. Love... Yes. I'm in love with this beautiful lady.
