"Okay ka lang diyan?" sabi ni Ate Kim sa akin habang nakatulala lang ako sa kawalan. Medyo nagulat pa nga ako nung bigla siyang salita eh.
Tumingin ako sa kanya. "Okay lang ako, ate." sabi ko naman.
"Okay ka pa niyan sa lagay na yan? Nakatulala ka lang sa kawalan? 'Di mo ginagalaw 'yang food mo."
Nandito kasi kami sa McDo, nag-aya kasi siyang kumain eh since wala namang pasok ngayon dahil holiday, kaya pumayag na rin ako.
"May problema ka ba?" tanong niya ulit sa akin. Arrrgh! Kulit din nito ni Ate Kim eh!
I tsked. "Wala nga. Napatulala lang ako saglit kasi bigla akong may naalala."
Mukhang 'di siya kumbinsido sa sinabi ko. "Oh talaga? Ano naman 'yang naalala mo?"
I looked away. "Nakalimutan kong um-order ng McFlurry ko eh. Saglit lang." sabi ko sabay tayo ako.
Wala naman talaga akong balak na bumili ng ice cream, mapipilitan lang ako dahil nga sa nagpapalusot lang ako. Ayoko ngang mag- open up kay Ate tungkol sa aking magulong love life! O, may lovelife nga ba ako? Parang wala naman eh! 'Di naman kasi kami ni Drew. M.U. pa lang kami.
M.U. na naman... =____=
"Ay sige. Pasuyo na rin, Ysa. Order mo rin ako ng Coffee Float ha?" sabi niya.
Tumango naman ako.
Haaaaaay... Ang gulo-gulo talaga ng isip ko! Bakit ba kasi babalik siya dito?! Ayoko! Hindi na dapat!!!! Sabi ng puso ko yan.
Eh 'bat ka bitter? Akala ko ba may Duhhrey ka na? 'Bat affected ka pa rin kay Mark? Sabi naman yan ng isip ko.
Oo, nag aaway na naman si Ms. Puso at Ms. Isip ko.. LOL!
Pagkatapos kong um-order bumalik na ulit ako sa table namin. Dala ko na yung mga in-order ko.
"Ay, Ysa! Nga pala, nakalimutan ko lang sabihin sayo kanina to. Gusto mo bang sumama sa akin sa Baguio? Pupunta kasi ako doon, magrerelax kahit mga 1 week lang. Sama ka?" tanong sa akin ni Ate habang hinahalo niya ng straw yung coffee float.
Nung narinig ko 'yun feeling ko nanlalaki yung mga tenga ko. LOL! Gusto ko kasi sumama sa kanya but I remained my expression very calm.
"Uhm... I dunno, te. I'll ask Ma and Pa muna." sabi ko.
She shrugged her shoulders. "Oh sige, just inform me na lang if pinayagan ka nila Tito at Tita."
Tumayo ako. "I'll just get some water, te." paalam ko sa kanya.
Tumango lang si ate.
Humingi ako ng glass of water sa counter. Pero nung tatalikod na ako biglang may nasangga ako! Patay! Trouble to!
"Oh my! I'm so sorry! Hindi ko sinasadya!" sabi ko pero nakatungo lang. Tumapon kasi sa nasangga kong tao yung tubig.
"Bells? Is that you?" sabi ng isang lalaki. Napaka familiar ng boses niya...
Dahan-dahan kong inangat yung mukha ko para tingnan siya.
I swallowed... It's been 2 years or 3 years na nga ba? Pero 'bat parang kahapon lang nangyari ang lahat..? At ito na nga, kaharap ko ang aking first love. Ang lalaking unang nagpaiyak sa akin. Si Mark.
"Mark," I sighed his name.
He grinned. "How are you?! Grabe! Dalagang dalaga ka na ah. Sabagay, magka edad lang pala tayo," sabi niya sabay tawa.
Parang wala lang nangyari. Parang nakikipag-usap lang siya sa akin na walang nangyari noon.
Hindi ko magawang tumawa o ngumiti...
"Um, s-sorry. Nasangga kita... Natapon tuloy sayo yung tubig, pasensya na talaga." sabi ko sabay yuko.
He chuckled. "It's okay, Bells."
I forced myself to smile.
He smiled to me even wider.
"Um... Babalik na ako sa taas. Kasama ko kasi yung pinsan ko eh. Sige na, Mark. Welcome back." sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na siya.
Pero bago pa ako makalayo sa kanya, he grabbed my arm. "Bells, wait."
I turned to look at him. "H-ha? B-bakit?"
"Dito ulit ako mag-aaral. Sa CSA ulit ako mag-aaral. At nakapag-enroll na ko... At section Sapphire din ako... Mag classmate tayo." sabi niya sa akin na sobrang titig na titig pa sa akin.
I swallowed. "Ahh. Talaga? Eh di mabuti." sabi ko na mukhang tensyonado.
Ngumiti siya. "Do you know why I came back here?" he looked so serious.
"No." I said to him.
"I came back for you," sabi niya.
I blushed. Shit. "Ahm... M-Mark. Kailangan ko ng bumalik sa taas. Baka nagtataka na si Ate kung bakit wala pa ako dun. Bye."
Tumango siya pero hindi pa rin niya binibitawan yung braso ko. "O sige. I'll just see you on Tuesday sa school." then this time he let go of my arm.
Tumango ako at mabilis na umakyat sa second floor ng fast food chain.
"O, what took you so long?" sabi ni Ate Kim na medyo nakakunot-noo pa.
Umiling-iling ako. "Wala, ate. Ang tagal kasi bago ako i-entertain ng crew eh. Madami kasing nakapila na customers. Kaya natagalan." sabi ko naman pero di ako makatingin ng maayos sa kanya.
"Eh asan na yung water mo?" tanong niya ulit.
"Ininom ko na sa baba, eh" palusot ko. Argh!
"Ah. O, bilisan mo. Kainin mo na tong food mo tapos itong McFlurry mo matutunaw na. Ang tagal mo kasi eh."
Tumango na lang ako.
Good luck to you, Cheska! I thought.