2.1 Sleepless night...

129 7 0
                                    

June 14, 2013

Diary entry 138:

Grabe... Hindi ako makatulog ngayon. Kasi naman, sa wakas after 2 weeks ng maging classmate ko si Duhhrey, ngayon lang kami nag-usap! At super lucky ko pa, kasi sobrang lakas ng ulan kanina at wala akong payong. Yes... Napakaswerte ko talaga dahil nga nagpakilala na kami sa isa't-isa at inihatid niya ako sa bahay namin. Si mama, kanina. Inaasar asar pa ko, sabi niya, baka daw boyfriend ko daw 'yun. Eh sabi ko na sana nga eh! Sinabi ko kay mama na crush ko si Drew. Sabi naman niya sa lahat daw ng naging crush ko si Drew lang ang nagustuhan niya. Paano naman daw kasi, yung ex-crushes ko raw, gwapo nga punggok naman, 'yun iba naman, gwapo, maputi pero payat naman. Grabe, si Mama, napaka-laitera nun. Hahaha. Eh ngayon, si Duhhrey, matangkad, mayaman, gwapo at mabait pa raw. Perfect na raw. Eh si mama kasi ayaw sa mapuputi, napaka-gay daw nun. Gusto niya mga Moreno. Si mama, muntanga minsan eh. Wahaha. Pero 'di ko talaga makakalimutan yung mga ginawa sa akin ni Duhhrey kanina. Napaka-thoughtful niya and to think na he don't owe me anything at all. Pero ayun, nagsacrifice pa rin siyang ihatid ako dito. Haayy. Kamusta na kaya siya? Tulog na kaya yun? Anong oras na ba??? ***Time-check. Ngek! 10:30 P.M. na pala. 'Di bale, Saturday naman bukas eh. Geh, hanggang dito na lang. Ngawit na rin kamay ko eh. Night, world! Goodnight my Duhhrey... <3

***

Shit! 'Bat ba hindi ako makatulog?? Nakaka-ilang sticks na rin ako ng yosi ah. Tumigil na rin yung malakas na ulan. At nandito ako at nakatayo sa terrace ng condo ko. 'Di ko pa rin makalimutan yung nangyari sa amin ni Ysa kanina. Ysa na lang yung itatawag ko sa kanya. Mas bagay kasi sa kanya. Ang cute cute niya kasi. Naalala ko nung napatitig ako sa bandang dibdib niya kanina. Shittt! Muntik na ko doon. Feeling ko, nag-iinit yung buong katawan ko samantalang malamig kanina at bukas yug aircon ng kotse ko. Nahuli pa niyang napatingin ako sa dibdib niya. Hanep, dude! Caught in the act ka ngayon! I admit, crush ko siya. Simula pa lang nung nakita ko siya nung first day of class na nakatanga sa may pintuan, ang cute niya kasi eh, medyo nakanganga pa siya. Haha! Gustong-gusto ko talagang malaman yung name niya, buti na lang nagpakilala kami sa isa't-isa sa subject ni Sir Castro. And fckkk, we share some things in common. Mahilig din pala siyang mag-bake at magluto. Nice. Ganda niya talaga. Ligawan ko kaya siya? Kaso, may pagkatorpe ako at maaga pa. Okay, last na yosi na talaga 'to. Tapos pipilitin ko ng matulog.

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon