"I came back for you..."
Nag flashback na naman yung sinabi ni Mark sa akin kanina. Hindi ko pa rin makalimutan yun.
I sighed. I was trying to concentrate dito sa paggawa ng assignment ko but he's really ruining my mind.
"You came back for me? For what? Hindi ko na kayang maniwala sayo Mark," nasabi ko na lang habang nakatulala ako sa kawalan.
Naalala ko yung isang matanda na nagsabi sa akin noon na ang puso raw ay parang isang babasagin na baso. Malalamatan at malalamatan yan kapag nasaktan pero once na nakita mo na si Mr. Right mabubuo ulit siya at magiging kuntento at masaya ka.
Ganun ang nangyari sa akin. Binuo ni Drew ang puso ko for the second time pero once na bumalik pa rin pala ang nanakit sayo, lalabas at lalabas pa rin ang bitterness na itinago mo sa kasulok-sulukan ng puso mo.
I heard someone knocked on the door. Napatuwid ako ng upo.
"Nak, kain na." narinig ko ang boses ni Mama.
"Ma, susunod na ako." sabi ko naman pero nakaupo pa rin ako.
"O siya, sige." narinig kong sabi ni Mama.
I sighed. What should I do?
Tuesday.
Naramdaman ko lang na may kumalabit sa akin nakatungo kasi ako at naka headset pa. Wala kasi si Ms. Layante, ang English teacher namin.
Tiningnan ko kug sino yung kumalabit sa akin. Yung classmate ko.
"Bakit?" tanong ko sa classmate ko.
"Pinapatawag ka raw ni Ms. Layante sa faculty room eh." sabi naman niya.
Tumango lang ako at lumabas na ako ng room. Nasanay na ako na pinapatawag ni Ma'am, ako kasi ang secretary niya.
Pumasok ako sa faculty room ng English department.
"Ma'am, good morning po. Pinapatawag niyo raw po ako?" sabi ko naman kay Ma'am.
"Ay, oo. Ches, halika." yaya ni Ms. Layante sa akin sa tabi niya.
Lumapit naman ako sa kanya. May inabot siya sa akin na bond paper na may sulat.
"Please write this on the board and let your classmates to copy it. Hindi ko kasi kayo mapapasukan muna, may new transferee kasi kayo na magiging classmate. Aasikasuhin ko muna to saglit, ha?" sabi niya.
Medyo kumabog ang dibdib ko. Parang alam ko na kung sino siya...
"O sige po Ma'am," sabi ko at kinuha ko yung papel.
"Okay, thank you." sabi ni Ma'am.
Bumalik ako sa classroom namin na parag wala sa sarili. Pumunta ako sa harap ng board.
"Classmates, sabi ni Ma'am kopyahin niyo raw yung isusulat ko sa board. Di raw siya makakapasok dahil mag inaasikaso siya. May new transferee kasi na papasok dito mamaya eh."
Nagsimula silang magbulong-bulungan. Syempre, excited sila kung sino yung magigig classmate namin.
"Nakita mo na ba?" tanong ng isang classmate ko sa akin.
Umiling naman ako. "Hindi pa eh."
"Sana naman babae, nakakasawa na kasi yung pagmumukha nung mga babaeng classmates natin eh." narinig ko namang sabi ni Chace, yung medyo maloko naming classmate.
Nagtawanan naman yung mga ibang lalaki.
Nagsimula na akong magsulat sa board at kumokopya na rin sila. Mga ilang minuto ang lumipas nagulat na lang kami nung biglang sumulpot si Ma'am sa room.
"Okay. Good morning class." sabi niya.
Nag greet naman kami.
"Cheska, you can take your seat muna,"
Umupo naman ako.
"Okay, so class.. You're going to have a new classmate. So please be quiet because he will introduce himself to all of you."
It's him...
He finally entered the room and I felt that my heart stopped from beating.
Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Angel yung kamay ko.
"Uy, okay ka lang?" bulong niya sa akin.
Napatingin ako sa kanya at napatango lang ako.
"Si Mark..." narinig ko namang sabi ni Juvelyn.
Napatingin ako kay Drew. Sakto, napatingin din siya sa direction ko. He winked at me and I forced myself to smile. I was trying to fight my tension.
Narinig ko ang bulong bulungan ulit. Medyo naging maingay ang klase.
"Okay, class? What did I tell you? Sabi ko quiet muna di ba?" saway ni Ms. Layante sa amin.
Tumahimik naman ang klase.
He went in front of the class and started to talk.
"Hi. Good morning to everyone. My name is Mark Justin Reyes. So, I'm gonna be your classmate from now on and um... And like you, I'm 16 years old. So, I came from California and studied there for 2 years but I didn't enjoy studying there siguro kasi na culture-shock ako at may namimiss akong special someone dito sa Pinas. So I came back here para mag aral uli dito as senior hs student. Nag aral na rin ako dito ng 2 years. So kilala ko na yung iba sa klase na to." ang haba ng sinabi niya.
Kinakabahan talaga ako.
"Si Angel, Juvelyn, Kathleen, Pab... And of course, my darling Bells." then he looked at me and gave me his sweetest smile.
TBC.
