"Hep! Ate, ID mo?" narinig kong tanong ni Ladyguard Jenny dun sa isang estudyante. Wala kasing ID.
Yumuko ako. Naiwan ko yung ID ko sa bahay.
Wala pa talaga ako doon sa may main gate nung school namin. Pero medyo malapit. Tumalikod ako. Shit! Paano ako papasok nito? Wala akong ID?? May test pa naman kami sa Physics! Arrrgh!
Naglakad ako papunta sa isang Coffee shop na walking distance lang naman sa school namin. Pumasok ako doon. Mahirap na, baka kasi kapag tumambay ako doon sa mas malapit sa school namin, mapagkamalan akong nag cutting-class. Nakakahiya yun.
Nagmumuni-muni pa ko sa loob ng Coffee shop nang biglang may pumasok na magandang ideya sa isip ko. Haha. Nilabas ko yung phone ko and I dialled Drew's number.
"Hello?" he answered my call. Oh great.
"Drew!!!!! I need your help." I said to him.
"Why? Ano na naman bang ginawa mo? Where are you? 'Bat wala ka pa dito?" he said to me with concern in his voice.
"Argggh! I left my ID at home. No ID, No entry! Sabi na naman nung buwisit na guard na yun! Haaa! Sarap lang patayin eh!" sabi ko na talagang nanggigigil sa inis. 'Bat naman kasi noon, pwede naman magpapasok kahit walang ID, pero 'di nga lang siya yung nakaduty nun. Si Kuya Nick ata. Mabait yun eh. Siya lang naman yung feelingerang batas sa school namin!
"Where are you? Paano 'yan? Paano ka makakapasok dito?" tanong niya.
"Nandito ako sa Coffee Bean and Tea Leaf, dito na muna ako. Baka may makakita kasi sa akin na teacher sa may labas ng school, sabihin nag cutting class lang ako." sabi ko sa kanya.
"Ay! Oo nga pala, meet me na lang sa back gate ng school," padagdag na sabi ko sa kanya.
"Am, sige. 'Di pa naman time eh." Drew told me.
After 15 minutes.
"Hey. Aga-aga kape? Kaya nasakit yang tiyan mo eh." sabi niya sa akin na medyo naka-kunot noo pa.
I smiled at him too sweetly, di ko pinansin yung sinabi niya. "Hi, Duhhrey."
He chuckled. "So, paano 'yan? Hanggang dyan ka lang?"
I grinned then shook my head. "Take off your ID," I commanded him.
Napakunot noo ulit siya. "Why?"
I tsked. "Just take it off," I said to him impatiently.
He took it off.
Dahil nga nandoon kami sa back gate kaya kami nakakapag-usap. Buti na lang, wala pa atang guard na nakaduty doon, tanging si Ladyguard Jen lang sa may main gate ng school. Haha!
"Akina yung ID mo," sabi ko sa kanya.
He gave his ID to me naman. "Oh. Okay, wait. I don't get it. Why are you doing this?" sabi niya at nameywang pa.
"Just wait here, and you'll see..." sabi ko at naglakad na ako papuntang main gate. Pero syempre, habang naglalakad ako binaligtad ko muna yung ID ni Drew para 'di mahalata na hindi nga yun sa akin. Shit. Pa dead baby lang ako habang papasok ng school eh. Haha. Si Jen naman parang mangmang na walang alam!
Yes!!!! Effective naman pala ang ninja move ko! Wahaha!
Nakita ko naman si Drew doon sa may labas ng clinic nakaupo. Nakanganga lang siya.
I smiled at him again. Hinubad ko naman na yung ID niya and then I gave it to him. "O, ID mo. Salamat."
He laughed. "Galing mo talaga, eh no?" sabi niya sa akin.
"Ako pa! Sus! Chicken!" sabi ko naman na may mayabang na tono.
Inakbayan niya ko. "Oo nga eh. Pagdating sa kalokohan, ang galing mo."
Hinampas ko naman yung braso niya. "Oy! 'Di rin ah! Grabe ka naman!"
He smiled at me. "Joke lang. Bilisan na natin. Baka malate na tayo."
SHORT UPDATE. Ugh. Sorry.
