7. Music class

72 4 2
                                    

Monday.

Excited na may medyong kaba ako na pumasok ng school ngayon. Why? Alam niyo naman siguro kung bakit, right? Hmm, to be honest, oo may kaba, may takot akong nararamdaman dahil sa bilis ng mga pangyayaring naganap nung Saturday sa amin. Takot ako kasi wala pa akong alam tungkol sa love. Hindi ko alam kung seryoso siya sa akin, dahil sa hindi pa kami. Pero medyo nababawasan yun tuwing naaalala ko nung tinanong niya ako kung pwede niya akong ligawan. Haayyy! Ang hirap pala ng ganito! Sina Angel, hindi pa nila alam yung nangyari. Hindi ko pa rin sinasabi sa kanila...

Before I entered our classroom, pinakalma ko muna yung sarili ko. Ayun, so I opened the door, I saw him talking to Dave and Pab. Damn, he's so handsome. Napatingin siya sa akin. Nubayan! He caught me staring at him! Huli ka balbon! Waaaah!!!! He smiled and waved his right hand to me. Nginitian ko rin siya.

"Cheska!!!!!" sabi naman ni Angel. Tinanguan ko si Angel. Grabe, aga-aga sisigaw?! LOL. Lumapit ako sa kanya.

"O, bakit?" sabi ko na nakataas yung kilay. Grabe, ano kayang nangyari dito? Ngiting-ngiti siya eh.

"Wala lang! Masama bang batiin ka? O, ano? Tinawagan ka ba ni Mr. Stalker?" sabi ulit ni Angel. Grabe, parang biglang nag-panic ako bigla! Lumingon-lingon ako, tiningnan ko kung may nakarinig ba... Nakatingin sa amin yung 3 boys na sina Yingyong nga, Dave at Drew. Blangko lang yung expression niya. Uhhhh...! Oh-kay...

Umupo na ko sa upuan ko. I sighed.

Tinapik niya ko sa balikat. "Uy! 'Bat 'di mo ko sinasagot? Tumawag?" sabi niya tapos she giggled.

Napa-tsk ako. "Hinde! Nu ka ba!" sabi ko na lang. Pero 'di naman talaga siya tumawag.

"Ay bakit kaya?" sabi niya tapos napakamot siya sa ulo niya.

"Eh, baka nakahanap na yun ng ibang babae. At take note, nakahanap ng isang magandang babae." Sabi ko. Tapos kinuha ko yung iPod touch ko sa bag ko para making ng music.

Umupo si Angel sa katabi kong upuan. Tapos bumulong siya sa akin. "Hinatid ka ba ni Drew, last Saturday?" curious na tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya. "Oo." Ang tipid ng sagot ko. Ayaw ko na munang ikwento sa kanya ang mga naging happenings nung Saturday kasi nandito lang si Duhhrey sa classroom din! Maybe sa FB ko na lang ikukuwento.

Lumingon ako. Hinahanap ko sina Kathleen at Juvelyn. "O, asan na yung dalawa? Absent sila?" tanong ko kay Angel. Umiling naman siya. "Andun, nagpasama si sir sa AVR, nagpa-assist kasi doon ata tayo maglelesson ngayon. Kasama din nila si Alex." Tinutukoy niya si Alex yung isa ko rin na classmate na lalaki na matangkad, runner talaga yun ng mga teachers naming kapag may inuutos. LOL.

Napatango na lang ako. "Ah..."

Medyo nagulat pa ko nung biglang pumasok si Sir sa classroom namin. Tinago ko tuloy agad yung iTouch ko. Baka kasi maconfiscate! Haha!

Pumalakpak si Sir. "Okay guys, bring with you your bags and form your line outside. We're going to the AVR." Ayun na nga tapos lumabas na ulit si Sir. Kami naman nag form ng isang straight line sa labas ng classroom. Monday kasi ngayon, so meaning about sa Music ang magiging lesson naming ngayon.

Ayun na nga at umakyat kami sa auditorium. Umupo na kami sa mga chairs na nandoon. Nakita ko naman sina Kat at Juvelyn na may inaayos doon sa laptop ni Sir na powerpoint presentation tapos si Alex naman inaayos yung cable ng projector.

Umupo naman si Angel sa left side ko. Ayun, si Sir naman lumabas lang ulit ng auditorium. Nilibas ko ulit yung iTouch ko. Makapaglaro nga muna ng Temple Run. Hihi! May narinig akong umubo na katabi ko lang. Napalingon ako sa gawing kanan ko. Si Drew pala yung katabi ko! Tiningnan niya lang ako. Tapos binulungan niya ko ng: "Bawal yan, Ysa ko." Then he chuckled. Inirapan ko lang siya. Tapos pinisil niya yung baba ko.

(O.o) <<< ganyan naman yung expression ng mukha ni Angel nung napatingin siya sa ginawa ni Drew sa akin. "Wow! PDA din naman kayong dalawa eh no!" sabi niya.

Napayuko ako. "Hindi ah!"

Tumawa naman si Drew. "Sorry, di ko lang talaga mapigilan. Ang cute kasi ni Ysa eh," sabi niya kay Angel.

Ohmygassss. Ang cute ko raw. Muhahaha!

Tinago ko na yung iTouch ko sa backpack ko. Tapos tumingin ako sa stage. This time, nakabalik na si Sir sa auditorium. Nag-lesson kami about kay Wolfgang Amadeus Mozart, tapos may ipinapanood siyang movie about kay Mozart din. Grabe, he was such a genius composer talaga! Na-amazed din talaga ako sa pinanood ko, kaya naman parang bale-wala ang presence ni Drew sa akin. Pagkatapos nung movie. Nagsalita ulit si Sir. "Okay. So, alam na ninyo siguro yung gagawin niyo. You will make a reaction paper about the movie. By the way, class. Na-announce ko na ba sa inyo yung gagawin niyong project sa akin?" tanong ni Sir.

Sabi naman namin na hindi pa. Nagsalita ulit si Mr. Castro. "Well, each one of you ay magkakaroon ng partner, pero hindi kayo ang pipili, kundi magbubunutan tayo kung sino ang magiging partner niyo. Ang gagawin niyo ay magpeperform kayo ng isang kanta dito sa harap. Yung isa sa inyo, ay dapat na mag-gitara at ang isa ay kakanta or if you want, the both of you will sing. Kung hindi naman kayo marunong tumugtog ng instrument pwede kayong magdownload sa CD ng minus one. Basta, bahala na kayo." Ayun na ang project namin. Ang iba sa amin ay excited. Ang iba naman ay parang tutol sa project.

"Okay, it's already time na pala. Nag-overtime na ako sa inyo ng 10 minutes. Okay, goodbye and thank you class," sabi ni sir at nagpaalam na din kami.

Ohmy... Sino kayang magiging partner ko??? Nakakakaba! 'Di pa naman ganun kagaling yung boses ko at di rin ako marunong tumugtog ng instruments! Ah! Help me po!

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon