6.2 First Kiss

107 2 1
                                    

****

Tapos na kaming kumain. Oo nga pala, nung pumasok na kami sa loob ng restaurant ulit, pumunta na si Seth sa kaibigan niya. Pero bago niya ginawa yun, hiningi niya muna yung new number ko at nag promise ang mokong na hindi na niya ako iistorbohin kapag may klase ako at hindi na siya tatawag ng tatawag dahil friends na kami. LOL. Ayun, pero hanggang sa matapos kaming kumain, behave na siya sa table niya at patingin tingin na lang sa akin. LOL.

Ayun na, bago kami umalis ng resto, nagpaalam muna ako kay Seth na uuwi na kami, tinukso naman ako ng mga kaibigan ko kasi may pahabol pa ang gago na "Take care always, love. I'll call you up later. Kiss!" with matching flying kiss pa. Napailing naman ako. Si Duhhrey, tahimik lang siya...

Nagpaalaman na. Inalok ako ni Drew na ihatid, kasi nga di ba pareho kaming taga-Taguig. Ayun. So pumayag ako. Naglakad muna kami papunta sa parking lot ng mall, eh malayo-layo rin yung pinarkingan namin kasi halos punuan ang parking lot ngayon sa ATC dahil sa Saturday ngayon. Masarap ang simoy ng hangin, malamig. Dahil sa gabi na. Naglakad kami ng sabay, tiningnan ko siya. Nakapamulsa lang siya.

"Sino yun?" tanong niya sa akin tapos tiningnan niya ako.

Umiwas naman ako ng tingin kasi nahihiya ako sa kanya. "Ah, si Seth." mahinang sagot ko.

Kumunot yung noo niya. "Nanliligaw sayo?"

Umiling naman ako ng sobra! Grabe! Di nanliligaw yun! Hinde? Hinde?! Eh patay na patay nga sayo yung lalaki eh!

"Huh? 'Di naman siya nanliligaw eh." sabi ko na medyo defensive.

"Stalker mo?" tanong niya ulit.

"Oo eh," nahihiya kong sagot.

"Stalker mo pero ini-entertain mo?" he said mockingly to me.

So meaning nakita niya yung nangyari sa labas ng restaurant kanina.

Napatingin ako ulit sa kanya. "I just realized na mabait naman pala siya. Natakot lang talaga ako nung una.. Pero ngayon okay na ko." sabi ko naman.

Hinarap niya ako. "Eh 'bat love na yung tawag niya sayo? And he even told you that he's gonna call you up later? Did you give your number to that stranger?" sabi niya na medyo tumaas yung boses.

"Eh... Kasi--" naputol yung sasabihin ko nung magsalita siya ulit.

"Ako nga eh, matagal na tayong magkakilala hindi ko pa rin alam yang cellphone number mo. Tapos yung lalaking yun, kailan mo lang nakilala, ibinigay mo na agad agad sa kanya yung number mo? Wow!" he scoffed.

Huminga ako ng malalim. WTF is wrong with him? Bakit parang badtrip ata siya. Pinipigilan ko lang umiyak... Feeling ko kasi galit siya sa akin. Ito yung kinatatakutan ko eh, na baka isang araw, magalit sya sa akin at never niya na akong papansinin.

"But you never asked for my number. He did." sabi ko. Tina-try ko lang depensahan yung sarili ko.

"So you mean, ibibigay mo na lang yung number mo kung kani-kanino ng basta-basta? Ha?!" sinigawan niya ako.

He sighed.

Hindi na siya nagsalita pa. He just continued on walking and then we already reached his car. Pinagbuksan niya ako ng pinto.

Wala kaming imikan sa loob ng sasakyan niya. Hindi rin nakabukas yung stereo niya. Nagfofocus siya ng tingin sa daan at ako naman ay nakatingin lang sa labas ng bintana. I couldn't contain my emotions anymore. Naramdaman ko na lang na umiiyak na ako. Pasimple kong pinunasan yung luha ko gamit yung panyo ko.

Napasinghot rin ako. Sheetttt. Baka mahalata niya na umiiyak ako... Grabe naman kasi siya. Sinigwan niya ako kanina tapos ang sakit pa ng mga sinabi niya sa akin...

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon