"Answer his call na kasi!!!!!!!!!" Ouch... Nakakarindi talaga sa tenga 'yung boses ni Kathleen! Sobrang tinis! My god. At ang walanghiya! Kaya pala siya nakikipag-usap dun sa stranger guy na ang name ay Seth kasi ibinigay niya yung cellphone number ko. >.< Grrr! Kasalukuyang nasa mini garden kami ng school namin. At nakaupo kami sa may bermuda grass. Kaming apat syempre. Alam niyo namang inseparable kami eh. Solid to! Syempre!!! :D
Grabe, ring lang talaga ng ring yung cellphone ko!!! Naalala ko kanina nung sinagot ko yung call 'di ko naman kasi alam na siya pala yung caller eh!
Napatingin ako sa phone ko. Bigla kasing nag-ring. May tumatawag. Sino kaya to? Sa isip-isip ko. 'Di kasi nakaregister 'yung number na yun sa phonebook ko eh. Sinagot ko yung tawag. "Hello?" sabi ko.
"Hi, Cheska..." sabi nung mysterious guy sa kabilang linya. Oh my god. Sino siya???
"Um, who's this???" Shet.. Curious talaga ako. Sino kaya to. Sino ka!!!!
"Don't you remember me?" sabi ulit nung guy.
"No... Who are you? How did you get my number???" tanong ko. Medyo mataas na yung boses ko kasi nga ayaw pa niyang magpakilala.
"It's Seth," he said.
Feeling ko biglang umakyat yung dugo ko sa ulo ko. "How did you get my number?!!!" medyo sinigawan ko na siya.
"Your friend, Kathleen... She gave me your mobile number." he said then chuckled.
"But... but why?" sabi ko.
"I asked for your number. You already know why, right?" sabi niya.
"STOP! Don't talk! Don't you ever call me again, okay? And don't you dare stalk me!" sabi ko then in-end ko na yung call. In-off ko rin yung phone ko...
"'Wag mong sabhin na ii-ignore mo lang 'yung lalaking yan?" sabi ni Angel nakatitig lang siya sa malayo. Grabe, 'di talaga siya nakurap. Sinundan ko yung tingin niya. Ay! Nakatingin ang bruha sa naglalakad na si Paopao kasama yung mga friends niya. Napailing ako. Grabe lang ha! May BF na nga siya eh! LOL.
"Ayoko nga eh! He's a stalker! Baka mamaya, mabalitaan niyo na lang na kinidnap ako ng lalaking yun! At wala akong pake kahit gwapo pa siya!" Eh ayoko talaga sa kanya.
Kinuha ni Juvelyn yung phone ko. Shett! Sinagot niya! "Hello? Are you looking for Cheska?" tapos ibinigay niya yung phone sa akin.
"Bakit mo sinagot??? Gaga ka talaga!" mahinang-mahina lang talaga yung boses ko.
"Naririndi na ko sa ringtone ng cellphone mo. Paulit-ulit na lang!" sabi niya. LOL.
I glared at her. Then I answered his call. "What? What do you want?"
"You. I want you. I like you, Cheska." he said to me. Sincere ba talaga siya sa mga pinagsasabi niya sa akin. Parang kahapon lang kami nagkita ah.
"Pwes! I don't like you, Mister! And please, don't you ever call me again, please???!" sabi ko.
"Ches---!" pinutol ko na yung call bago pa niya maituloy kung anong gusto niya sabihin sa akin.
"Let's go, guys... Magta-time na." sabi naman ni Angel.
***
Classroom.
Nagtuturo na si Mr. Linares. (Siya yung Physics teacher namin) so syempre grabe ang pakikinig namin kasi malapit na naman yung periodical exam.
Nagulat ako. Biglang nag-ring yung phone ko. Shettt! Tumatawag na naman siya!!!!!!! Oh my god.
"Kaninong phone yun?" tanong ni Sir.
Nagtaas ako ng kamay. "A-ah... S-sir... Sa akin po." sabi ko. Hala... Kinakabahan ako. Baka ma-confiscate yung phone ko....
"Ms. Santillan. You can answer your phone outside. Baka inportante yang call." sabi naman ni sir.
"Ah, sige po. Thank you po.." sabi ko tapos lumabas ako ng classroom namin. Pumunta ako ng CR tapos dumiretso ako sa isang cubicle.
Sinagot ko yung tawag niya na hindi ko man lang hinintay na makapagsalita siya.
"Wow, ayaw mo rin talaga tumigil ah! Ang kulit mo rin pala eh!" tinagalog ko siya. Bahala na kung hindi kaming magkaintindihan or kung hindi niya maintindihan yung sinabi ko. Leche siya.
"Um.. what? What did you say?" sabi niya.
"Nothing! Don't call me again okay? I'm at the school, right now! Okay?!" kulet kulet kulet...
"Oh sorry... Did I disturb you?" sabi niya.
"What do you think? K, I need to go! Bye!" gigil na pinatay ko yung cellphone ko. Tapos nag inhale at exhale ako bago ako lumabas ng cubicle. Pumasok na ulit ako ng classroom.
Umupo na ko sa upuan ko tapos nahuli ko na nakatingin sa akin yung tatlong kiriray. Tapos nakangisi ng nakakaloko. And I just rolled up my eyes. Asar!
Nahuli ko rin si Duhhrey na nakatingin sa akin. I couldn't read his expression. Masyadong blangko. Ugh. Basta, nakatingin lang siya.
Haaayyy. Kapag nangulit pa yun, no choice ako. Magpapalit ako ng sim card.
