'Di ko pa rin maialis sa isip ko 'yung nangyari sa amin ni Duhhrey kahapon sa gym. Shetttt. Maihi-ihi kaya ako nun sa sobrang kilig ako. Muhahaa! Lalo na 'yung ibinulong niya sa akin... "I'm glad to know... That you have a crush on me... Because the feeling is mutual. I like you, too. Ysa..." Ayan! Ayan ang sinabi niya sa akin kahapon. Grabe, napatanga siguro ako sa kanya ng mga isang minuto tapos bigla akong karipas ng takbo palabas ng gym. Grabehhhh!!! Nahihiya ako na kinikilig na ewan! Pumunta ako sa CR at nag-ayos ako ng sarili ko tapos bumalik na ko sa classroom namin. Tapos, siguro mga 10 minutes bago siya ulit bumalik ng classroom, nakatingin lang siya sa akin pero ako natungo lang. Kahiya.
Nag-sorry na sa akin yung dalawang bruha. Haha. Hindi na raw nila uulitin yung ginawa nila sa akin. Binigyan nila ako ng friendly love letter. LOL. Tapos nilibre nila ako ng kape sa Starbucks. Haha. Alam nilang coffee-lover ako eh! ;) Kaya ayun, bati bati na ulit kaming tatlo. Eh si Kathleen naman, walang atraso sa akin. Kaya sama sama ulit kaming apat. Saya!
Nakaupo lang ako sa canteen at kumakain ng favourite kong ensaymada with matching smart-c na pomelo, biglang umupo yung tatlong kirirays at nag-aya. "Uy, Ches! Punta tayo ng Forever 21 mamaya!" excited na sabi ni Kat. Napatingin ako sa kanila.
"Oo nga," sabi naman ni Juvelyn habang nakain ng Cadbury chocolate na binigay ko sa kanilang tatlo. Nagpadala kasi yung ninong ko galing ng States, but since hindi ako kumakain ng chocolates, sa kanila na lang! :) Ganun ako ka-generous. Hihi!
Napakalumbaba naman si Angel. "Punta na tayo, maya! Geh na!" mga shopaholic kasi tong tatlo na to. Ay! Ako rin pala.
Eh hindi rin ako nakatiis. Gusto ko ring gumala. "Oo na! Punta na tayo mamaya sa mall."
"YIPEEE!!!" sabi ng tatlong mga kiriray.
*** Sa SM (Forever 21)
"Gosh! I like this one!!!" sabi ni Kathleen tapos tinakbo yung tank-top na nakadisplay sa may katabi ng fitting room. Oo nga, maganda nga. Sa isip isip ko. Aztec style yung naka-print sa tank top.
"How much is that?" sabi ko naman. Kinuha niya yung damit, tapos lumapit siya sa akin. Kinuha ko naman yung damit.
"Ah, Php 950.00. In fairness, ang cute cute niya," sabi ko naman. Tapos binigay ko sa kanya. 'Di niya na kailangan sukatin, sabi niya. Obvious naman daw kasi na kasya sa kanya eh. LOL. Ako naman pumunta ako dun sa mga jeans section. Namili rin ako ng bibilhin ko. Mas marami kasi akong collection ng mga blouses, tank tops kaysa sa jeans. May napili akong maganda tapos dumiretso ako sa fitting room para sukatin. Sina Angel at Juvelyn naman pupunta daw muna sa Department Store, titingin daw sila ng lipsticks. Ayun, text ko na lang daw sila kung saan kami magkikita kita.
Nakapili na nga kami ni Kathleen kaya dumiretso kami sa counter. Medyo mahaba haba rin yung pila. Nasa pang anim kami na magbabayad. At may mga nakasunod pa sa likuran namin.
Someone cleared his throat. "Miss?" hindi ko naman pinansin. Kasi baka 'di naman ako yung tinatawag baka yung saleslady. "Miss?" sabi ulit nung mysterious guy na nasa likod ko. Sino kaya yung tinatawag nito??? Nagulat pa ko nung kalabitin ako ni Kathleen. Bumulong siya sa akin. "Tawag ka nung lalaki sa likod natin..."
Nilingon ko yung guy... Holycraaaaaaap.. Ang gwapo! Kamukha ni Francisco Lachowski!!!!!!!!!!! I just stared at him for sometime and then he smiled at me... Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Napalunok ako. Lumapit siya sa akin... "Hey Miss, you caught my attention because you're too beautiful. That's why I'm gonna introduce myself to you... My name is Seth Andrews. What's yours?" Halakangbataka!!! Foreigner teh! Hanep din ang beauty mo teh! Napapansin ka pati ng foreigner???
Hindi ko siya pinansin. Kaya si Kathleen ang nagsabi ng name ko sa kanya. "Hi, my name is Kt, I'm her friend, and her name is Cheska Isabelle Santillan." sabi niya. Shet.... I glared at her. "Bakit mo sinabi yung pangalan ko?" I hissed at her. Pero mahina lang. Medyo kasi nakukuha na namin yung ibang attention ng ibang customers. Nakakahiya.
"What a beautiful name for such a lovely looking lady..." narinig kong sabi niya.
"But it seems like she doesn't want to have a conversation with this gorgeous guy, huh?" sabi niya ulit. Nanlaki yung mga mata ko na napatingin ulit sa nagngangalang Seth na yun. Aba't--! Conceited ang bruho?! Huh! Turn-off!!!!
Pinasabay na ni Kathleen sa akin yung babayaran niya na tank top. Tapos medyo lumayo siya sa akin. Nilingon ko siya, nakita ko na nakikipag-usap siya sa lalaking conceited na yun. Hala! Kanina ako lang yung nilalandi, ngayon si Kathleen na! Pambihirang kano na to! Babaero. Di bale, di ko naman siya type. Si Duhhrey pa rin ang sa akin.
****I-fast foooooooooooooorwaaaaaaaaaaaaaaard ang isturya!!!! Teehee! :)
(At ayun na, nagkitakita ulit kami nila Angel, Juv, at Kath. Tapos sabay sabay din kaming uwuwi. Tapos ikinuwento naman ni Kat yung nangyari kanina sa amin sa may F21 minus yung part kung ano yung pinag-usapan nila while nagbabayad ako sa counter).
