9. Flashbacks

60 4 0
                                        

2 years ago...

Tiningnan ko ang hawak ko na basket na may lamang vanilla cupcakes. Napangiti ako. Dadalhin ko kasi 'to kay Mark na kasalukuyang nasa gym at nagbabasketball kasama 'yung mga iba pang ka teammates niya.

Nandun nga siya pero breaktime ata nila, nakita ko siya na umiinom ng Gatorade habang super pawisan siya. Hot pa rin niya kahit super pawisan siya. Love ko pa rin siya. Teehee!

Lumapit ako sa kanya. "Mark! Hi." I said to him then gave him sweet smile.

Doon niya lang ako napansin. He smiled at me. "O, Bells! Nandito ka pala."

"Ah, oo. Alam ko kasi na may practice kayo ngayon eh. Eto oh, pinagbake kita ng vanilla cupcakes." sabi ko sa kanya then ibinigay ko sa kanya yung basket.

He grinned at me. "Salamat, Bells." sabi niya sabay kiniss niya ako sa cheek ko.

Feeling ko naman na nag-blush ako ng bonggang-bongga. Ang haba talaga ng hair ko! Grabe lang ha! Alam ko namang inggit sa akin yung ibang girls eh kasi idinidate ko ang MVP sa basketball ng school namin.

"Hopia, mani, popcorn! Ano 'yang nakikita ko?" sabi naman ni Andrei na ka-teammate ni Mark.

"O, ikaw talaga. Tsismoso ka masyado. Doon ka nga muna!" sabi naman ni Mark.

"Tanga! 'Di naman 'yun ang ibig kong sabihin eh! Eto oh!" sabi ni Andrei sablay hablot sa basket na hawak ni Mark.

Ngumisi naman si Andrei. "Thanks, Cheska! Mukhang masarap na naman to! Sana lagi na lang ganito, no? Lagi kang pumupunta dito tuwing may practice kami tapos magdadala ng food!"

I heard Mark tsked. "Akina na yan. 'Di naman para sayo yan eh! Akin yan!" sabi ni Mark.

Natawa lang naman ako. Sanay na kasi ako sa mga pang-aasar ng mga ka-teammates ni Mark eh.

Lumapit naman din si James sa amin. "Hi Cheska!"

Nag-wave naman ako ng kamay ko. "Hi, din."

"Swerte talaga ni Mark sayo. Maalagain na girlfriend." sabi ulit ni James.

Namula ako. "A-ahm... Hindi naman ako girlfriend ni Mark eh."

Natawa naman si Mark. "Pupunta din tayo dun, babe." sabi niya then he winked at me.

Napanganga ako.

Nagtawanan naman ang dalawa pang mokong.

"Tangna, swerte talaga nitong gagong to eh. Halika na nga, dre. Naiistorbo natin ang lovers. " sabi ni Andrei kay James.

james nodded at Andrei pero bago siya umalis kumuha muna siya ng binake kong cupcakes sa basket. "Cheska, pahingi ah. Gutom na kasi ako eh." sabi ni James na nakakuha na ng cupcake at nanguya na. "Sarap talaga," then he licked his lips.

Natawa ako.

Napailing-iling naman si Mark. "Pagpasensyahan mo na yung mga 'yun ha."

Lumayo naman ako kay mark at umupo sa isang bench. "Okay lang sa akin yun. Alam ko naman na yung mga tirada nila sa akin eh." sabi ko habang nakangiti akong nakatingin sakanya.

Kumuha si Mark ng cupcake sa basket at sinubo. Lumapit siya sa akin at umupo rin sa akin. He stared at me for sometime then he talked. "Pwede na." sabi niya habang kumuha ulit ng another na cupcake.

Napakunot-noo naman ako. "Pwede ng ano?"

Ngumiti siya sa akin. "Pwede ka ng maging asawa ko." then he chuckled.

Napaiwas naman ako ng tingin. Duuuuude!!! Kinikilig ako. "Gagi ka talaga, kung ano-anong pinagsasabi mo dyan. Kumain ka na nga lang! " sabi ko naman.

He laughed out loud. "Totoo naman eh. Magaling kang magluto, mabait, maalaga, ma--" hindi niya natuloy yung sasabihin niya kasi tinakpan ko yung bibig niya.

Men, ang daldal eh!

"Shut up." sabi ko.

Umungol lang siya kasi nga nakatakip pa rin yung kamay ko sa bibig niya. Tinanggal ko naman na yung kamay ko.

"Aalis na ko, kailangan ko ng umuwi." sabi ko sa kanya tapos tumalikod na ko.

I felt that he grabbed my arm. "Wait lang, pwede mo ba kong mahintay? Kahit mga 10 minutes lang? Mag sa-shower lang ako? Sabay na tayo." sabi niya.

Um-oo lang ako.

At nang matapos siya ay sabay nga kaming lumabas ng gym at inihatid niya ako sa amin.

And as what I've said awhile ago... This was 2 years ago....

T.T

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon