"Okay ka lang dyan? Kanina ka pa nakatulala sa kawalan ah," nakangiting sabi sa akin ni Mark.
Nandito kasi kami ngayon sa gym eh. Dito kasi yung napili niyang place para makapag rehearse kami para dun sa performance na gagawin namin.
"O, ano na ba?" sabi ko sa kanya pagkatapos kong makabawi sa pagkakatulala ko.
"Anong ano ka dyan? Kanina pa ko nagsasalita dito, ikaw lang naman yung hindi nakikinig eh," medyo nagtatampo yung tono niya at naka pout rin ang lips niya.
Binatukan ko siya."Ang drama mo naman,"
"Aray naman!" angay niya.
Inirapan ko siya. "Ang arte mo! Kalalaki mong tao..."
Napasimangot siya sabay himas sa nasaktang batok. "Ang sakit kaya."
"Sus, what a pussy." bulong ko naman.
"Ano? Ulitin mo nga yung sinabi mo?" sabi hinawakan niya ako sa batok.
Shett! Napahalakhak naman ako ng bonggang bongga! Eh paano ba naman?! Hinawakan niya ako sa batok ko eh malakas kaya ang kiliti ko!
"Mark, stop it! Stop tickling me!" sabi ko na tumatawa at halos magkadikit na yung mga balikat ko at ulo.
Tinigil naman niya yung kalokohan niya. "Lakas ng kiliti mo, Bells!" sabi niya habang tumatawa.
Umayos naman ako ng upo at inayos ko rin ang nagusot ko na uniporme. Maya maya ay inakbayan niya ako.
"Mabigat, dre." at tinanggal ko yung arm niya sa balikat ko.
He chuckled. "So as I was saying awhile ago... Alam mo ba yung band na Boys Like Girls?" tanong sa akin ni Mark.
Tumango naman ako. "Oo naman."
He clapped his hands. "Great!"
Pero kumunot yung noo ko. Parang alam ko na eh..."Hoy, Mark! Don't tell me na mag a ala-rockstar tayong dalawa? No way!"
Tumawa ulit siya. "No, no."
I scratched my head naman. "Eh ano nga?"
Hinimas naman niya yung baba niya. "Hmm, naisip ko lang naman kasi na Two Is Better Than One yung kakantahin natin. But we will do the acoustic version of it. So... Payag ka?" medyo nananantsa pa yung tono niya.
"You serious?" natatawang sabi ko. Seryoso ba siya? Na yun yung kakantahin namin? Eh bakit ba naman sa lahat ng kanta eh yun pa yung napili niya? Nubayan si Mark!
Hindi naman siya mukhang nagbibiro eh."Oo, ayaw mo ba?"
"Hindi bagay sa atin yung kanta na yun!" angal ko naman.
He smiled to me teasingly. "Bakit? Gusto mo ba yung kanta na pupwede sa estado ng relasyon natin ngayon, hmm?"
Tumayo ako. "Mukha mo!"
"O, bakit ka mag wo-walk out?" tanong ng mokong na to sa akin.
Langya naman to si Mark eh! Para tuloy nahiya ako sa sinabi ko...
"Ewan ko sayo! Mag rehearse kang mag-isa mo dito!" sabi ko tapos patakbo akong lumabas ng gym.
"Bells, wait!" nakita ko naman na hinahabol ako ni Mark.
Hay nako... Para talagang tuko yung lalaki na to! Ang kulit pa!
Huminto ako. "Will you stop following me?"
Humihingal naman siya na huminto sa pagtakbo at tumawa. "Oh sige na nga. Hindi na kita aasarin."
Magsasalita pa sana ako pero biglang may tumawag sa akin.
"Cheska!" nakita kong tinawag ako ni pablo at kasama niya ang iba pa naming classmates including...
Including... Drew.
I couldn't help but to stare at him. His expression was so unreadable.
Drew..? What's happening to you? To us?
I sighed. As if naman na may "us" talaga. Napaka assuming ko talaga. Una, noon... Kay Mark. Super nag assumed ako. Yun pala na friendzoned lang ako ng gago! Pangalawa... Si Drew, bigla na lang nag-iba yung pakikitungo niya sa akin.
Hay... What went wrong ba??
Napatingin ako kay Pablo. "Bakit, Pab?"
Ngumiti naman ng painosente si Yingyong. "Wala naman." Nilingon naman niya si Mark. "Mark, pre."
Ngumiti naman si Mark at tumango."Pre mauuna muna kami nitong babae na to. May pupuntahan lang kami."
Nagulat naman ako nung narinig ko yun. Eh wala naman kaming pupuntahan. Eh sa katunayan, nilayasan ko nga di ba siya sa gym. "Wait! Saan-"
He grabbed my arm naman. "Basta. Sumama ka na lang sa akin. Wag ka ng marami pang tanong." sabi naman ni mokong.
Nagpahila naman ako. "Eh saan nga tayo pupunta?" nagtataka na talaga ako dahil palabas na kami ng gate ng school.
He let go of my arm then he put his arm in my shoulder. "We will eat."
I felt that my stomach churned. And take note, it made a "grrrr" sound. I'm starving na...
He chuckled then niyuko niya ako. "I heard that, Bells. Eww."
Inirapan ko siya. "Eww ka dyan! Sapakin kita eh!"
"I'm just kidding, hun." he said to me then pumunta kami sa McDo.
