Ito yung pangalawang beses na nakita kong umiyak si Ysa. 'Yung una, dahil sa nainis siya sa akin dahil pinilit ko siyang tumakbo sa ulan. Ito 'yung pangalawa, iba ngayon yung iyak niya, alam kong hindi lang inis ang nararamdaman niya, napahiya siya. Sa klase namin at sa... Akin. May gusto siya sa akin. Aaminin ko natuwa ako nung nalaman ko yun. Pero hindi ko maalis yung nararamdaman kong protectiveness at pag-aalala ko sa kanya... Tumayo ako. Nag-decide ako na hahanapin ko siya. Nag walk-out kasi siya pagkatapos nun.
Nagsibalikan na sa upuan yung mga kaklase namin na kasali sa Truth or Dare. Pero ako, lumabas ako ng room. Hinanap ko siya sa Library Room, Sa Auditorium, naghintay ako sa labas ng ladies comfort room ng mga 10 minutes, baka kasi doon siya pumunta. Pero wala siya. Pinuntahan ko rin yung canteen. Wala rin siya. Jesus, woman! Where did you go?! Aaminin ko, napu-frustrate na ko. Nag-aalala na ko sa kanya. pero bigla kong naisip na pumunta ng gym. Malaki ang posibilidad na baka nandoon siya.
Binuksan ko yung pintuan ng gym, nilibot ko yung mga mata ko. Thank God... I found her... Nakaupo siya sa pinakasulok at nakayuko lang at umiiyak. Nag-aalala pa akong lapitan siya. Natatakot ako... Anong sasabihin ko sa kanya? Bakit ako nandito? Bakit ko siya sinusundan? Isa lang ang sabi ng puso ko... Gusto ko siya... Nilapitan ko siya. Medyo nangangatog pa nga yung mga tuhod ko. Hindi ko to naranasan sa mga past ex-girlfriends ko nung nililigawan ko sila. Kay Ysa lang. Sa kanya lang.
***
Naramdaman ko na may taong papalapit sa akin. Nag eecho kasi sa loob ng gym yung yabag ng sapatos niya. Di ko alam kung sino yun. nag pe-pretend lang ako na hindi ko alam dahil gusto kong mapag-isa at ayokong makita niya, kung sino man siya ang namumugto kong mga mata at ang sipon ko na tumutulo rin. Wasted na sa wasted ako, di ko talaga mapigilan yung luha ko...
"Ysa..." napapitlag ako. Kilala ko kung kaninong boses 'yun. At kahit man nakapikit o bulag ako, alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun. Hindi ko lang siya pinansin. Suminghot lang ako kasi feeling ko tutulo na naman yung sipon ko. Shettt. Nasa bag pa naman yung panyo ko, eh yung bag ko, naiwan ko sa classroom namin.
"Ysa, g-galit ka rin ba sa akin?" tanong ni Drew sa akin. Galit? Ako? Sa kanya? 'Di ba nga dapat siya pa yung magalit sa akin??? Kasi, malandi ako. Sinabi ko ng harap-harapan sa kanya na may gusto ako sa kanya...
Nakayuko pa rin ako. Nakaunan yung noo ko sa dalawa kong kamay. "Bakit ka nandito? 'Wag kang mag cutting class... 'Wag kang gumaya sa akin. Just leave me alone." madrama ba?
Naramdaman kong huminga siya ng malalim at umupo sa katabing upuan ko. "Uh... Look, 'yung sinabi mo sa akin. Wala naman 'yun eh... Ah shit, ibig kong sabihin, h-hindi ako galit kung... A-ah, kung c-crush mo ako..."
Napahiya na naman ako. Napaiyak tuloy ulit ako. "Pwede ba, 'wag mo ng ulit-ulitin? Lalo akong napapahiya sayo eh!" sabi ko sakanya...
"Actually, Ysa..." bumuntong hininga ulit siya. This time, mas malalim. Tapos nagsalita ulit siya. "Actuallyfirstdayofclasspalangcrushnakitaeh." sabi niya na sobrang bilis. Di ko naintindihan yung sinabi niya.
"Ano? Di ko naintidihan yung sinabi mo!" angal ko pero di pa rin talaga ako naayos ng upo. Nakatungo pa rin ako.
"Gustorinkita!" sabi niya ulit. Kahit mabilis naintindihan ko dahil mas maikli kaysa kanina.
Wait... Ngayon lang nag sink-in sa utak ko yung sinabi niya.
Napaharap ako sa kanya. "ANO?!" sabi ko. Nandilat yung mga mata ko. Shettt! Nakita niya na ang fezzzzz ko! My swollen eyes, and my uhugin nose!
Natawa siya. May dinukot siya na hanky sa bulsa niya. "Uhuging bata ka talaga." sabi niya sa akin habang pinupunasan niya yung luha ko. Iniwas ko yung mukha ko. "Ohhhh noooooo!" sabi ko. Tapos napaiyak na naman ako.
Lalo niya akong tinabihan. Tinapik niya yung balikat ko. "Okay lang yan, kahit na mugto yang mga mata mo, maganda ka pa rin.." sabi niya sa akin. Tapos pinaharap niya ako sa kanya. Pero natungo ako. Yoko nga makipag eye-to-eye contact sa kanya!
He put his hanky on my nose. "O... singa-singa rin." sabi niya sa akin.
Hinila ko yung panyo sa kanya. "Thanks, but I can manage it by myself," sabi ko at suminga na ako. Pero habang sumisinga ako hinila niya sa akin yung panyo. Ayan! Yung sipon ko tumulo sa may lips ko! Yuckkkkkkk! So gross!!! Hinampas ko siya! Hinampas ko talaga siya sa braso at balikat niya!
"Gago ka ba! bakit mo hinila? Di ba nga nasinga pa ako???! Nakita mo naman di ba?" sabi ko na grabeng echo yung boses ko sa loob ng gym. Buti na lang kami lang yung tao dun.
Tawa lang siya na tawa. Grabe!!! Cute niya... Parang wala na siyang mata!!!! kapag tumatawa.. "Gusto ko kasi ako yung magpasinga sayo. Ewan eh, hobby ko na ata na pasingahin ka everytime na iiyak ka," sabi niya sa akin na ngingiti ngiti pa ang loko.
Pinasinga niya ulit ako. Pagkatapos nun... Natahimik kami. At magkatapat nga di ba kami, nakatingin lang siya sa akin, pero nailang ako. Tumagilid ako ng upo. Tumayo na ko. "Punta muna ako sa CR. Mag-aayos ako ng sarili ko tapos babalik na ko ng classroom baka kasi time na." sabi ko sa kanya. Naglakad na ko pero di pa ko nakakalayo masyado ng bigla niya ulit akong tinawag.
"Ysa!" tumatakbo siyang lumapit sa akin.
"Huh?" maang na sabi ko lang sa kanya.
Nilapit niya yung mukha niya sa akin. Napapikit ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Nararamdaman ko rin yung something sa may tiyan ko. Yun pala yung sa lyrics ng kanya ni JB na "Now them butterflies in my stomach won't stop stop".
I felt his breath brushed my left ear. Feeling ko, nag-iinit yung buong mukha ko. Then he whispered to me something...
Am I only dreaming??? If yes, sana hindi na lang ako magising...