6.3 Saturday night

94 3 1
                                    

Sunday morning.

Nagising lang ako sa dahil sa message alert ng cellphone ko. Hay... Bumangon ako sa kama ko na nakapikit pa rin. I just ignored my phone. Then I chuckled. Then I giggled. Grabe, nababaliw na siguro ako. Ang ganda-ganda ng gising ko ngayon because of what happened last night. Doon sa kiss namin ni Duuhrey at dahil na rin sa conversation namin kagabi. :D Teehee! Umupo ako sa kama ko. Tapos tumayo ako sa ibabaw ng kama ko tapos tumalon talon ako! Yihaaa! **Face-palm!!!

Saturday night.

Nakadapa lang ako sa kama ko habang nagbabasa ng Friend Me ni Catherine Hopkins. Grabe, nakaka-relate ako dito sa book na to! Try niyo lang basahin. Maganda siya.

Nagulat ako nung bigla na lang nag-ring yung cellphone ko. Gosshhhhh! Si Drew na ba yung tumatawag? O Si Seth ba??? Mga 3 rings pa bago ko sinagot.

"Hello?" I said.

"Hey..." he huskily said to me.

"Ah-Hello!" sabi ko. Sheettt. Ito na naman eh! Nauutal na naman ako.

He chuckled on the other line. Bakit ka natatawa, mokong? May nakakatawa bas a pags-stutter ko??

"Ahm, how are you?" sabi niya sa akin.

"Okay lang ako. Ikaw? Are you home na ba?" sabi ko sa kanya. Medyo pinaliit ko yung boses ko para medyo cute pakinggan. LOL.

"Yup. I just got home. I'm kinda tired but... I'm very happy." I even heard him sighed.

"Ahhh. Okay." Okay. Napaka-awkward naman para sa akin nito.

"Are you happy, too?" he asked me too sweetly.

"Ha? What do you mean?" I asked him.

"Masaya k aba na... Ako 'yung first kiss mo?" sabi niya. Oh. My. God. Lang po talaga.

I can feel it. Na nagba-blush ako. "O-of course."

He laughed. "Hmm... I'm glad to hear that."

"Fast-learner ka nga eh. 'Di ko ini-expect na ganun ka kaagad humalik eh first time mo pa lang..." biglang dagdag niya. WTF! Ganun! Feeling ko parang biglang nagka goose bumps ako!

"Don't talk like that!" I said to him. Napapahiya ako.

Tumawa siya ng malakas. "I can imagine right now that you're blushing. Like your face is sooo red right now. Kung pwede nga lang... Na hanggang ngayon magkasama pa rin tayo.." sabi niya.

"Ano k aba, sabi ko, don't talk like that..." sabi ko ulit. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Bakit ganun? Parang wala na ako sa huwisyo ko. Parang yung buong mundo ko ay sa kanya lang naka-focus. Tama nga sila, nakakabaliw ang pag-ibig...

"Can I ask you something, Ysa?"

"What is it?"

He exhaled... "Can I... Can I court you?" sabi niya.

Napalunok ako. "Um..." I was so speechless.

"Please, don't say no.." sabi niya. Bakit parang nagaralgal yung boses niya???

"I... To be honest, Drew... I like you. I lo-" di ko natapos yung sasabihin ko dahil nga sa nagsalita siya.

"So that means I can court you na?" I can hear the excitement in his voice.

Napangiti ako. "Oo! Oo na, manong!" sabi ko tapos natawa na ako.

Napa-tsk siya. "Ikaw? Tatanggi? Sa gwapo kong to? Wala pang tumatanggi sa akin. So wala ka talagang choice kundi sagutin ako." Sabi niya.

"What? What did you say? 'Di pa kaya kita sinasagot! Bleh!" sabi ko naman.

"Sinagot mo na ako ng oo. Ibig kong sabihin, pinayagan mo na akong manligaw sayo," he chuckled.

I yawned. Inaantok na ko... "Awww, inaantok na ang Ysa ko??" sabi niya.

"Ysa ko your face! I'm not yours yet," sabi ko naman. "At oo, inaantok na ako."

"Hmm... Sige, matulog ka na Ysa ko, and please dream of me. And I'll do the same. Bye. I love you. Good night and sweet dreams. I love you again. And I love you." Sabi niya at in-end niya na yung call. Aba't! Hindi man lang ako hinintay na makasagot.

Ayun ang nangyari kagabi nung tinawagan niya ako! Bigla kong naalala yung cellphone ko. Tiningnan ko. May 1 message. It's from him. <3 I thought.

Hi! Good morning Ysa ko. Sana nag enjoy ka kagabi. Well, alam ko namang nag enjoy ka talaga eh. So did I. J I love you. Love, Drew.

Kiniss ko yung screen ng phone ko. Tapos ngumiti ako.

He's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon