Chapter 1

5 1 0
                                    

Chapter 1

“THAT'S a wrap, people! Suzette, you may go.” 

Narinig niyang baling sa kanya ni Sir Jay, ang music composer ng SA o Shine Artist Agency. 

Ngumiti lang siya dito para itago ang pagkairita pero sa loob-loob niya ay naiinis siya dahil halos buong araw siyang nasa studio, pero iyon lang ang sinabi nito. ‘Ni wala man lang pasasalamat sa kanya.

Alas-otso pa lang ng umaga ay narito na siya dahil kinuha siya bilang back-up vocal para sa album ng isa sa mga artist ng SA. Hindi naman siya makahindi dahil malaking tulong din ang pagsali-sali niya sa recording. Nahahasa niya ang boses niya at nakikilala na rin siya ng halos lahat ng composer sa agency.

Malaking tulong iyon lalo na at malaki ang tyansa na mag-debut siya ngayong taon. Pero diba malaki rin ang tyansa mo nakaraang taon? Wika ng kabilang bahagi ng utak niya.

Totoo iyon. Dapat nakaraang taon ang debut niya pero hindi natuloy dahil sa hindi malamang kadahilanan.

Nagpaalam siya sa mga kasamahan at mabilis na kinuha ang mga gamit. Dumiretso siya sa comfort room para magpalit dahil may part-time job siya sa isang convenience store.

Nagbibihis na siya ng marinig ang pagpasok ng grupo ng mga trainees. Hindi sinasadyang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.

“Ang galing talagang kumanta ni Suzette, ‘no?”

“Oo nga. Magaling talaga siya. Balita ko nga ay kasali siya ngayong taon sa line-up ng magde-debut.”

Napangiti siya. At least, may mga tao pa ring nakaka-appreciate ng ginagawa niya.

“Pero hindi ba, kasali rin siya nakaraang taon? Bakit kaya ‘di natuloy yung debut niya last year?”

“Ay may chika ako sa inyo tungkol diyan. Kasi diba last year magde-debut na sana siya kaso ang dinig ko ay may problema yata si Suzette sa family niya. May something daw sa tatay niya eh, kaya hindi natuloy yung debut niya. Ewan, ‘di ko rin sure kasi tsismis lang naman yan ng mga ibang trainees eh.”

Napamaang si Suzette sa narinig. Iyon ba talaga ang dahilan kung bakit hindi siya nakapag-debut? Dahil sa tatay niya?

Hanggang dito ba naman ay nasisira ng tatay niya ang pangarap niya.

Parang biglang gustong sumabog ni Suzette. Sa isip niya, wala talagang nagawang mabuti ang ama. 

Nang makalabas ang mga babae sa CR ay mabilis din siyang lumabas. Buo ang loob niyang tatanungin ang Director ng SA kung bakit na-postpone ang pinaka-aasam na debut.

Mabilis ang kilos na pinipindot niya ang up-button ng elevator para pumunta sa floor ng office of the Director. Pagkabukas ay hindi niya inaasahan ang makikita.

Si Cynthia. Mukha ring nagulat ito ng makita siya. Nag-aalangan mang pumasok ay hindi niya ipinakita ito sa babaeng nakamasid sa kanya. Hindi siya magpapakita ng kahinaan sa harap ng mga tao, lalo na sa babaeng ito.

Maya-maya ay tumikhim ang katabi pero di siya lumingon. Sa halip ay tinignan niya ang katabi gamit ang repleksyon nito sa pinto ng elevator.

“I heard the news. Kasama ka daw sa line-up ng magde-debut, this year. Well, good luck.” Nang-aasar nitong sabi.

Napakuyom ang mga kamao niya. Pinipigilan niya na huwag magpakita ng emosyon. “Oo, finally, makakapag-debut na ako ng walang aagaw na kahit sino.” May lamang sabi niya rito.

Pauyam itong natawa. “Well, balita ko rin na kasali ka rin last year sa line-up. Pero anong nangyari? Wala ka ng kaagaw pero hindi pa rin natupad ang gusto mo. Poor you.” 

Huminga ng malalim ang dalaga para pigilan ang paghulagpos ng inis sa kausap. “Well, at least I work hard. Hindi katulad ng iba dyan na gagawin ang lahat kahit na mang-agaw para lang masunod ang gusto.” Inirapan pa niya ito.

Tumango ito habang nakangiting nang-aasar. “Ouch. Natamaan yata ako sa sinabi mo. But, a friendly advice from your ex-bestfriend, you don't have to work hard, just work smarter at huwag ka masiyadong mag-assume. Dahil alam naman natin ang pamilyang mayroon ka. At isa pa, habang-buhay ka ng magiging aso kay Sir Albert. Well, I wish you good luck. Work smarter this time, ha.”

Sakto namang bumukas ang elevator at lumabas ito. Hindi na nakasagot si Suzette dahil napako siya sa kinatatayuan dahil sa mga sinabi ni Cynthia. Isa na ba talaga siyang aso ni Sir Albert?

Mabilis ang lakad niyang tumungo sa office ni Albert Rodriguez, ang director at chairman ng SA Agency. At ang lalaking nag-recruit sa kanya para maging isang trainee sa kompanya nito.

Wala sa sariling kinausap niya ang secretary nito at tinanong kung pwede niyang makausap ang direktor. Sumagot naman ang kausap na may ka-meeting pa ang huli. Pinaupo muna siya nito sa lounge at pinapag-hintay na matapos ang meeting.

Halu-halong emosyon ang tumatakbo sa isip niya. Hindi niya na alam ang dapat bang gawin. 

Mga ilang saglit pa ay bumukas ang opisina ng direktor at iniluwa doon ang lalaking ngayon niya lang nakita ng personal pero kilala niya ito. Nagtama ang paningin ng dalawa pero agad ding nag-iwas ng tingin si Suzette.

She just saw Leroy Bautista! A freaking billionaire and a famous chef. Ang alam niya, may-ari ang lalaki ng isang glassware company at isa rin itong chef. Sikat ang lalaki dahil may cooking show ito na ipinapalabas sa TV. Idagdag rin ang angking kagwapuhan ng lalaki na patok talaga sa kahit sinong makakapanood dito.

Nang muling mapasulyap si Suzette sa binata ay likod na lang nito ang nakita niya. Hmmm… kahit ang likod nito may itsura! Unfair!

Napabalik siya sa kasalukuyan ng tawagin siya ng sekretarya ni Albert at pinapasok na siya sa opisina.

Naabutan niya ang direktor na may pinipirmahang mga papeles. Tumikhim siya para makuha ang atensyon nito.

Nag-angat ito ng tingin at itinigil ang ginagawa. Sumandal ito at iminuwestra na maupo siya.

“Anong kailangan mo, Miss Cano?” Tanong nito ng pagkaupong-pagkaupo ng dalaga.

Lumanghap muna siya ng hangin bago nagsalita. “Gusto ko lang pong itanong sa inyo kung totoo bang kaya hindi ako nakapag-debut nakaraang taon ay dahil sa sitwasyong mayroon ang tatay ko?”

Walang bakas ng emosyon ang mukha nito. “Miss Cano, this agency is very fair and doesn’t tolerate any kind of discrimination. Tinanggap kitang trainee dito dahil naniniwala ako sa talentong mayroon ka. The situation of your father is not my concern. And I assure you that the contract you signed will happen.”

“Pero ano po bang dahilan kung bakit hindi po natuloy ang debut ko?”

He looked at me intently. “Last year was a tough year for the company. Madami ang nag-launch na mga artist nakaraang taon at kinakailangang i-postpone ang debut mo dahil sa kakulangan ng budget at staff.”

May duda man ay tumango na lang ang dalaga. Ang alam niya kasi ay may nakalaan ng budget para sa debut niya. At kung may kakulangan nga sa budget, bakit marami pa ring artist ang nakapag-debut last year?

Isinantabi niya ang nasa isip. Kilala niya ang direktor at siguradong hindi ito magsisinungaling sa kanya. Pero sumasagi pa rin sa isip niya ang mga sinabi ni Cynthia.

Matapos marinig ang dahilan ng direktor ay alam niya sa sarili na may pagdududa na siyang nararamdaman sa huli.

  

Glass And SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon