Chapter 11
SUZETTE WOKE UP feeling dizzy. Her mind was all over the place.
Nang umayos ang paningin ay pinalibot niya ang mga mata. Doon niya nakita si Leroy na nakayakap sa kanya habang hawak nito ang isang bimpo.
Namumulang dahan-dahan siyang umupo at tinanggal ang pagkakayakap nito. Pero hindi rin naman siya nagtagumpay dahil nagising din kaagad ang binata.
Nahihiya siyang nag-iwas ng tingin ng makitang walang pang-itaas ang lalaki. Shit! Ang agang kasalanan naman nito.
“Nasaan ako?” Tanong niya rito.
Napakamot ang lalaki sa ulo nito. Damn! Ang gwapo pa rin nito kahit bagong gising!
“Nasa condo kita. Dinala kita rito kagabi.”
Napatango siya. Akmang tatayo siya ng makitang nasa tabi na niya ang binata at inaalalayan siya. “You don’t have to do that. Kaya ko.” Sabi niya dito.
Pero mistulang bingi ang binata at tinulungan pa siyang tumayo. “Where to?”
Gusto niya sanang magreklamo pero sa hitsura nito ay hindi ito tatanggap ng pagtanggi niya. “Bathroom.”
Inalalayan siya ng binata hanggang makapasok siya sa loob ng bathroom nito. Nang makitang hindi pa rin umaalis si Leroy sa harap niya ay pinandilatan niya ito ng mata. “Pati ba pag-ihi ko ay dapat nakabantay ka sa akin?”
Napapahiyang napakamot ito sa ulo nito at lumabas na ng cr. Ito na rin ang nagsarado ng pinto pagkalabas.
Siya naman ay ginawa na ang dapat gawin sa loob. Nang makita ang itsura sa salamin ay napasabunot siya sa sarili.
Humarap siya ng ganito kay Leroy? Damn. Nakakahiya!
Habang nasa loob ng banyo ay tsaka niya lamang naalala ang mga pinaggagawa niya kagabi.
Ang kapal mo talaga, Suzette! Ikaw pa talaga ang nangyakap! Nakakahiya ka talagang babae ka.
Imbes na ipakita ang pagkapahiya ay balewala siyang lumabas ng CR at hinanap ang binata.
Lumabas siya ng kwarto at nakita ang binata sa kusina. Abala ito sa pagluluto at minsan pa inaayos nito ang mga nakahanda ng plato kahit na maayos naman na iyong nakalagay sa lamesa.
Napasandal siya sa pinto at napangiti ng palihim. This guy is innocent and clueless. And he’s cute.
Narinig niyang nagsasalita ito ng mahina, mukhang kinakausap nito ang sarili. “Sana magustuhan niya ito.”
Kaya inistorbo na niya ang binata dahil mukhang baliw na itong kausap ang sarili. “Of course, you’re a chef. Siguradong magugustuhan niya ito.” Ngumiti siya sa binata na nagulat yata sa pagpasok niya.
He smiled cheekily. “Of course. I’m a super famous chef. So, you better compliment me.”
She laughed. “Thanks for everything.” She sincerely said.
Mukha namang nainitindihan nito ang tinutukoy niya kaya ngumiti rin ito sa kanya. “You’re always welcome. Malakas ka sa akin eh.”
Namumula man ay nakuha niyang tarayan ang lalaki. “Heh! Tigilan mo ako.”
Tumawa lang ang binata at hindi na nagkomento.
Pinaupo siya nito. Sinandukan pa siya ng binata ng niluto nito.
“I cooked you fried rice, egg, bacon, and here’s your cup of coffee…” Lahat ng iyon ay hinain ng binata sa kanya.
Nahihiyang tumingin siya kay Leroy. “May tuyo ka?” Napakamot si Suzette sa itinanong. Nagc-crave kasi siya tuyo at nagbabakasakali siyang mayroon ang lalaki. Chef naman ito eh.
Leroy creased his eyebrows. “Dried fish?...” Nag-aalangang sabi ng binata.
Tumango siya. “Sorry ha, demanding yata ako eh nakikikain lang naman ako. Wag mo na lang isipin iyon.” Nahihiyang sabi ni Suzette sa lalaking kaharap.
Leroy laughed. “No, I have it. Wait lang…”
“Grill it… P-please?” She shyly asked.
Leroy surpassed his smile and just nodded. How can he resist such a cute request?
Their morning was quite uneventful but comfortable and Suzette loves it. They had a quiet breakfast but for the first time since she can remember, it is the only memorable breakfast she had. Kasi dati ay wala naman sa isip niya ang pagkain dahil marami siyang iniitindi at ginagawa madaling-araw pa lang.
PAGKATAPOS mag-almusal ay niyaya ni Leroy si Suzette sa balkonahe ng condo niya.
Alam na ng dalaga kung anong gagawin nila ni Leroy doon. Ang mag-usap.
Handa ang dalaga sa mga sasabihin kay Leroy pero sa klase ng ugali na mayroon ang lalaki ay siguradong mauubusan siya ng maisasagot dito.
Nang makaupo sa harap ni Leroy ay nagtatanong ang mga mata ni Suzette sa kaharap.
“Anong pag-uusapan natin?”
“What really happened to you, Suzette?” Leroy asked and he knows that Suzette knows what he’s pertaining to.
Suzette knew that Leroy will definitely want to know what happened to her. “I don’t want to talk about it.” She said.
Leroy mood changed. “Suzette, I’m asking you.” Babala nito sa kanya.
Tumalim ang mata niya dito. “Can you just respect my privacy?” She doesn’t want Leroy to know what happened to her.
Leroy hissed. “Privacy?! Woman, muntik ka ng mamatay tapos iyan lang ang sasabihin mo sa akin?! Unbelievable!”
OA si Leroy. Hindi naman siguro siya mamatay sa simpleng pagkahulog lang sa hagdan. Isa sa dahilan kung bakit ayaw niyang malaman ni Leroy ang nangyari sa kanya ay dahil ayaw niyang papasukin ito sa buhay niya.
Letting Leroy enter her walls will be her downfall.
Leroy is dangerous.
Hindi siya umimik.
Mukha yatang lalong nagalit ang lalaki. “Kung ayaw mong sabihin sa akin, I’ll conduct my own investigation.”
She snapped. “Why do you keep meddling in my business? Ano ba kita?”
At doon natahimik ang lalaking kaharap. Nagulat din siya sa nasabi. Nagmukha pa siyang walang utang na loob sa tono ng pananalita niya. Gusto niya sana mag-sorry dito pero nakita niya ang sakit sa mga mata nito kaya natahimik din siya.
Maya-maya ay napatawa ito ng sarkastiko. “Wow! Really. Sino nga ba naman ako para panghimasukan ang buhay mo, eh isa lang naman akong estranghero para sayo?” Tumingin ito ng diretso sa kaniyang mga mata. “Matapos ng lahat ng nagawa ko para sayo, hindi mo pa rin alam kung bakit ako ganito sayo? You really don’t know?”
I remained quiet. May hindi ba ako alam?
“Suzette, you are really a bad woman! At hindi ko matanggap na panghihimasok pala ang tawag mo sa ginagawa ko para sayo? You know, ang hirap sayo, hindi mo hinahayaan ang mga taong pumasok sa mundo mo. And that is really a problem…”
Tumalikod na ito at galit na umalis sa harap niya. Narinig niya pa ang pagbukas-sara ng pinto ng condo nito. And Leroy left.
She should feel relief because she prevented him to enter her world but why did she felt guilty all of a sudden?
Does Leroy likes her? But it is impossible!
Wala pang isang buwan silang magkakilala!
Now she is really scared of him.
Leroy made her feel emotions that she never felt in her 22 years of existence.
Leroy is a scary man that I needed to avoid at all cost!
BINABASA MO ANG
Glass And Spotlight
ChickLitSynopsis She's craving for spotlight. He's the King of Glass. Will these two meet halfway? Suzette Cano is an aspiring artist, struggling to survive in music industry. Well, technically, hindi pa siya isang ganap na artist but she's hoping to debut...