Chapter 19
LEROY FELT IRRITATED. It’s been two weeks since him and Suzette met. And they only communicate through texting.
Para sa kanya hindi iyon sapat. Kailangan niyang makita ang dalaga. Pronto!
Wala talaga siya sa mood at limang empleyado niya rin ang nasisante niya. Puro singhal at sigaw nga ang naabot ni Hulyo sa kanya.
Sinamaan niya ng tingin ang sekretarya ng pumasok ito sa dressing room niya. May interview kasi siya ngayon sa isang sikat na talk show at sinabi na niya kay Hulyo na ayaw niyang magpa-interview pero mapilit ito.
Kaya kaliwa’t kanang mura ang inabot nito sa kanya ng pumayag ito sa staff ng hindi niya alam.
Hindi naman naapektuhan si Hulyo dahil sanay na ito sa kanya. May itinatago ring masamang ugali yang sekretarya niya kaya ayos lang na singhalan at murahin niya ito.
“Boss, magsisimula na daw po yung interview. Proceed na daw po kayo backstage.” Mahinahon nitong sabi sa kanya. Hindi alintana ang masamang tingin niya rito.
“Pasalamat ka talaga at mahirap maghanap ng sekretarya ngayon, Hulyo. Kung hindi pupulutin ka talaga sa kangkungan.” Asik niya rito.
Pinigil naman ng sekretarya ang ngiti nito. “Sorry, Boss. Kailangan natin ng exposures ngayon dahil may bagong ilo-launch na furniture ang kompanya.” Pampalubag-loob nito sa kanya na inirapan lang niya.
Leroy tsked. “Remind me again why I can’t fire you?”
“Kasi boss, ako lang ang nagti-tiyaga sayo.” He said confidently.
Gusto niya itong kutusan pero totoo naman ang sinabi nito. Kahit na gaano kagarapal ng sekretarya niya ay hindi niya ito masisante dahil napakagaling nito sa trabaho.
Nagdadabog na tumayo sa kinauupuan si Leroy at nilagpasan ang sekretarya niyang may saltik. Bwisit na talaga siya. Nakadagdag pa itong interview na ito sa problema niya. Malaki na nga ang problema niya kay Suzette na hindi niya ma-contact minsan ay dumagdag pa ito.
Inis din siya sa dalaga dahil consistent siyang nagpapadala ng mensahe dito pero mabibilang lang sa daliri niya kung ilang beses ito nag-reply sa kanya. Hindi ba nito alam na nag-aalala siya. Hindi na nga siya mapakali dahil baka mawala na naman ito at umabot na naman ng ilang taon bago niya makita ulit ito.
Kahit gustuhin niya mang makita ang dalaga ay wala na ito sa condo niya. Matagal ng umalis ito sa condo at hindi niya alam kung saang lupalop ng Maynila ang nilipatan nito. Kung tutuusin ay sa isang pitik ng daliri niya ay mahahanap niya ang address ng dalaga pero dahil nga sa trabaho ay hindi niya ito maisingit.
Alam niyang busy din si Suzette dahil na-ikwento nito na three months from now ay debut na nito sa ilalim ng Rampa Bituin Agency. Naging opisyal na ngang talent ng RB si Suzette at masaya siya para rito.
“Chef, that’s your cue.”
Napabalik siya sa kasalukuyan ng bigla siyang tawagin ng isa sa mga staff ng talkshow na iyon.
Huminga siya ng malalim saka nakangiting lumabas mula sa backstage. Mga nakakasilaw na ilaw ang sumalubong agad sa kanya at ang palakpakan ng mga tao. Siya naman ay nasa chef mode niya.
“Hello, Chef Leroy. Thanks for allowing us to interview you for the first time.” Sabi ng host na kung hindi siya nagkakamali ay si Leslie. Sikat na journalist at host ang naturang babae.
Ngumiti siya ng peke. Iritado talaga siya. “It’s my pleasure.”
“So, Chef, lets talk about your new furniture and products of LB Glassware. Can you kindly introduce it and give us some sneak peek to your glamorous products.”
BINABASA MO ANG
Glass And Spotlight
ChickLitSynopsis She's craving for spotlight. He's the King of Glass. Will these two meet halfway? Suzette Cano is an aspiring artist, struggling to survive in music industry. Well, technically, hindi pa siya isang ganap na artist but she's hoping to debut...