Chapter 15

0 0 0
                                    

Chapter 15

“Ang galing nila ‘no?” Bulong niya sa katabi niya.

Leroy smiled at her. “Mas magaling ka pa dyan.”

Pabiro niya itong pinalo. “Hmm, bolero…”

Tumawa lang ito.

Nasa outdoor field sila at malapit sa harap ng stage na itinayo lang kanina. Kasalukuyang may kumakantang banda. Sariling band yata ng University dati ni Leroy. Magaling ang mga ito kahit na mga College students lang ang mga ito.

Siya kaya? Kaya niya rin kaya pagsabayin ang pag-aaral sa College at pagte-training? Kung sakaling nag-aral sana siya, magiging iba kaya ang takbo ng buhay niya?

Too late to regret, Suzette. Nagawa mo na.

Muli siyang napasulyap sa stage. Maraming tao dito pero hindi pa naman sila nagsisiksikan. At mukhang sikat ang banda dito dahil maraming babae ang tumitili. All boys kasi ang band na kasalukuyang nagpe-perform.

Napatingin siya sa katabi ng isuot nito sa kanya ang suot nitong cap. Kinunutan niya ito ng noo at tinaasan ng kilay.

“Baka mahamugan ka. Gabi na pa naman. At tsaka hindi pa masyadong magaling ang injury mo.”

Hindi siya sumagot at umiwas lang ng tingin. Ito na naman ito sa mga gestures nitong mababait. Hindi talaga siya naniniwala sa sinabi nito kanina. Nasa dugo na yata nito ang pagiging mabait.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Tapos hindi pa nakatulong ang sobrang dikit nila ng binata.

“Okay, before we end this show, let’s have an audience to sing for us. Huwag kayong mag-alala, may libreng yakap ang kakanta kay Liam namin.” Dugtong agad nito at tumawa ang bokalistang nagsalita.

Nagtilian ang mga babae. Siya naman ay pinipilit alamin kung sino yung Liam na tinutukoy ng bokalista. Lima kasi miyembro ng banda na nasa stage.

“Any volunteer, lovely people?” Sabi pa ng bokalista.

Kanya-kanya namang iwasan ang mga tao sa paligid. Ayaw sigurong matawag. Pero may iilan ring nagsisigawan at nagtaasan ng mga kamay.

Napadako ang tingin ng bokalista sa kinaroroonan nila ni Leroy kaya napakunot ang noo niya ng itinuro siya nito.

“May I call on, Miss with the black cap to come up here on the stage…”

Napalingon-lingon siya sa mga katabi niya na nakatingin din pala sa kanya. Itinuro niya ang sarili. “Me?” She unconsciously blurted out.

“I think the guy called you, Suzy.” Leroy whispered to her. She’s panicking but Leroy just nodded.

Umiling siya kay Leroy. “Ayoko, Leroy. Nakakahiya,”

Leroy just smiled at her. “You can do this. Show them what you can do.”

She glared at him. 

“Go. If you sing, I’ll grant you a wish.” Leroy bargained. 

She’s contemplating if she’ll agree to Leroy but its tempting. “Okay, I’ll go. You owe me one, hmm?” Pinandilatan niya pa ito.

Leroy just nodded and excitedly pull her towards the stage. Sumama pa talaga ito para ihatid siya. Mukhang sinisigurado nitong hindi siya tatakas.

Humanda lang talaga ito sa kanya.

Nahihiya siyang umakyat ng stage. Nakatingin lang sa kanya ang mga tao kaya mas lalo siyang nahiya.

“Hi, pretty lady, may I ask for your name?” A member of the band handed her a mic.

She shyly smiled. “I’m Suzette.”

Glass And SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon