Chapter 20

0 0 0
                                    

Chapter 20

LEROY WAS FEELING EXCITED. Paano kasi ay may usapan sila ng Suzy niya na magkita. Talagang idinedeklara na niya na sa kanya si Suzette dahil wala siyang plano na pakawalan ito.

Pinilit talaga niya ang dalaga na magkita sila dahil miss na miss na niya ito. Hindi naman siya basta-basta pwedeng sumulpot sa RB dahil baka may makakita sa kanya at baka mauwi iyon sa tsismis. Siguradong maapektuhan ang image ng dalaga.

Napasulyap siya sa wall clock ng opisina. 5:30 pa lang ng hapon at alas-otso ang usapan nila. Kung pwede lang na hilain na niya ang oras para mag-alas-otso na ay ginawa na niya.

Kahapon ang interview niya sa talk show kung saan ay nagsiwalat siya ng mga balitang headline na naman sa mga social media sites. Kaya sinigurado niyang buong araw siyang offline at naka-mute rin ang cellphone niya para hindi siya maistorbo ng mga magulang at mga baliw niyang kaibigan.

Gusto niya munang masigurado na nakuha na niya ang puso ng dalaga bago siya magbalita sa mga ito. Dahil siguradong mag-aasume ang mga ito at aalaskahin na naman siya. Mga asyumera pa naman ang mga magulang niya at mga bully ang mga kaibigan niya. Tukso ang aabutin niya sa mga ito.

Napadatda siya sa kinauupuan ng biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya at pumasok ang mga tinataguan niya. Kasama ng mga ito ang nagkakamot ng ulo na sekretarya niya.

Hindi niya pinansin ang mga kaibigan na komportableng-komportable umupo sa mahabang sofa ng opisina niya. Bumaling siya kay Hulyo. “Hulyo, diba sabi ko huwag kang magpapasok ng mga hayop. Bakit may mga nakikita akong nakapasok? Paalisin mo nga ang mga iyan at sumasakit ang mata ko sa mga kapangitan nila.”

“Anong pangit? Hoy! Leroy na may-ari ng Rolex! Hindi ako pangit! Bawiin mo iyan.” Nagmamaktol na sabi ni Ricardo na nakasimangot.

“I cannot take this. Leroy, man, pinipilahan ako ng mga babae tapos sasabihan mo lang ako na pangit? Bulag ka ba?” Sita pa sa kanya ni Matty o Mattias.

Napalatak naman si Arwyn sa isang gilid. “Hayaan niyo na nga yang si ‘Leroy na may-ari ng rolex’. Talagang hindi niya lang matanggap na mas gwapo tayo sa kanya kaya ganyan niya na lang tayo tratuhin.”

“Agree.” Sabi naman ni Klorin o Corinth na nakapatong pa ang mga paa sa mini table ng opisina niya.

Mahilig silang magkakaibigan na gawan ng kung anu-anong nickname ang mga pangalan nila. Siya si 'Leroy na may-ari ng Rolex' dahil sa tongue twister. Si Richard na ginawa nilang Ricardo. Si Corinth na naging Klorin kasi katunog ng ginagamit sa paglalaba. Tapos si Arwyn na Lawin ang tawag nila dahil katunog lang din. At si Mattias na wala silang maisip kaya Matty na lang.

Sinamaan niya ng tingin ang mga ito. Nakita niya sa gilid niya ang mabagal na paglalakad palabas ni Hulyo. Umiiwas ito sa mangyayaring asaran na naman nilang magkakaibigan.

“Hoy, Hulyo! Huwag mo nang tangkaing lumabas kundi malilintikan ka sa akin.” Banta niya sa sekretarya.

Napakamot ito sa ulo bago ngumisi dahil mukhang may kalokohan na naman itong naisip. “Eh, boss, ido-double check ko lang yung restaurant na pinasarado mo para sa date niyo ni Miss Suzette, kaya evaporate muna ako.” Sabi nito at lumabas agad ng opisina niya.

Naiwan tuloy siya kasama ng mga may saltik niyang kaibigan na malalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Kahit kailan talaga ay pahamak ang sekretarya niya. 

Si Ricardo ang unang nakabawi. “Naghimala na ba? Arwyn Lawin pisilin mo nga ang pisngi ko.” Kausap nito sa katabing si Arwyn.

Nakita niya ang palihim na pagngisi ni Arwyn. Hindi na kami nagulat ng pingutin nito sa tenga si Ricardo.

Glass And SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon