Chapter 9
LEROY PANICKED after he saw Suzette fainted in front of his eyes.
Mabuti na lang at mabilis na nakapag-isip ang ina niya na agad na inutusan siyang dalhin ang dalaga sa private room ng ina niya. Dahil nga ay nagka-cancer ang ina ay may sariling clinic ang mansion at kumpleto ito sa kagamitan. Ayaw kasi ng ina niya ang hospital kaya ang asawa ay nagpagawa ng clinic sa loob mismo ng mansion.
Mabilis na dinala niya ang dalaga sa private room ng ina at tinawagan ang private doctor ng pamilya.
Napaupo siya sa gilid ng kama at sinapo ang noo ng dalaga. Inaapoy ito ng lagnat. Kaya pala ng hawakan niya ito kanina ay parang may iniinda ito. Iyon pala ay nilalagnat ang dalaga.
Kinakain ng konsensya niya ang isip niya dahil sa nangyari sa dalaga. Dapat talaga ay dinalaw niya kanina ang babae, edi sana napansin niya ang iniinda nito. Nakapagpahinga sana ang dalaga.
Maya-maya ay narinig niya ang pagbukas-sara ng pinto at pumasok doon ang mga magulang niya.
“Ayos lang ba siya?” Nag-aalalang tanong ng ina niya.
Nanghihinang napailing siya. “I don’t know, Ma. Hindi pa dumadating si Doc. Lim.”
Tinapik lang ng ama niya ang balikat niya. Nanatili pa ang mga ito doon pero ng dumating ang doctor ay pinalabas sila nito.
Ang mga magulang niya ay nagpaalam na magpapahinga na at bukas na lang ulit bibisita, habang siya ay naghihintay sa paglabas ng doktor.
Napaupo siya sa hallway, sa harap mismo ng pinto ng private room. Gusto niyang malaman agad ang lagay ni Suzette.
Napapatingin siya ng mabilis sa pinto sa tuwing naglalabas-masok ang mga nurse na parang mga natataranta kaya lalo siyang kinabahan.
Oh, God! Please…
Sa sobrang pagod at puyat ay hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya.
Tapik sa pisngi ang gumising sa kanya. Nang makita na ang doktor ang gumawa noon ay agad siyang napatayo.
“Doc, kamusta po siya?” Agad niyang tanong.
Napahinga ng malalim ang doctor. “Stable na ang lagay niya pero…”
Nakahinga siya ng maluwag ng marinig na stable na si Suzette pero agad ding bumalik ang kaba sa idinugtong ng doktor.
“Dislocated ang right shoulder niya at nagkaroon ng internal bleeding ang left abdomen niya. Hindi muna siya pwedeng gumalaw at kailangan niya ng one week na bed rest dahil hindi biro ang nangyari sa kanya. May nakita rin kaming maliit na fracture sa ribs niya.”
Napako siya sa kinatatayuan. Naaawa at nalulungkot siya para sa dalaga. Siguradong guguho ang mundo nito kapag nalaman nito ang sinabi sa kanya ng doktor.
Ano ba talaga ang nangyari sa dalaga para magkaroon ng ganitong injury?
NAGISING si Suzette sa hindi pamilyar na kwarto. Agad siyang nagpanic pero ng makita ang lalaking nakahawak sa kamay niya ay nakahinga siya ng maluwag.
Mukha namang naramdaman nito ang pagkagising niya kaya agad ding itong pinigilan siyang gumalaw. Inayos ng lalaki ang pagkakahiga niya at may kung anong pinindot sa gilid ng kama at parang tumaas ang upper part ng katawan niya. Para tuloy siyang nakaupo.
“Don’t move, I’ll call the doctor.”
Magsasalita pa sana siya pero agad ding nawala sa paningin niya ang binata na nakalabas na ng kwartong kinaroroonan niya.
Nang bumukas ang pinto ay pumasok si Leroy at ang isang lalaki na mukhang doktor.
Pilit siyang ngumiti. “Doc, ano pong nangyari?”
BINABASA MO ANG
Glass And Spotlight
ChickLitSynopsis She's craving for spotlight. He's the King of Glass. Will these two meet halfway? Suzette Cano is an aspiring artist, struggling to survive in music industry. Well, technically, hindi pa siya isang ganap na artist but she's hoping to debut...