Chapter 3

3 1 0
                                    

Chapter 3

KAKATAPOS NIYA lang mag-stretching ng biglang may humarang sa paningin niya. Napairap siya ng palihim. Wala bang magawa ang babaeng ito sa buhay niya at iniistorbo siya?

Malamig ang tono na nagsalita siya. “Anong kailangan mo?”

“Nandito ako para balaan ka,” walang bahid ng emosyon ang mukha ni Cynthia. “Huwag kang paharang-harang sa sa dinadaanan ko kung hindi aapakan kita at sisiguruhin ko na di ka na makakabangon.” 

Naging seryoso siya. “Talagang pumunta ka pa talaga dito para sabihin ‘yan sakin?” She chuckled sarcastically. “Really? I feel special-” Tumalim ang tingin niya sa babae. “-In case you don’t know, wala akong hinaharangan at kung mayroon man, tanga na lang siya dahil pilit siyang sumasabay sa akin.”

Lalong sumama ang hilatsa ng mukha nito. Nararamdaman niya na konti na lang ay sasabog na ito.

“Wala akong pakialam. Huwag na huwag mo akong babanggain dahil alam ko ang lahat ng baho mo. Baka hindi ka pa nakakapag-debut ay sira ka na sa tao.” Nanghahamon nitong sabi.

Nakaramdam siya ng takot pero hindi niya ito ipinakita sa babaeng kaharap. “Well, ipagsabi mo. Hindi ako natatakot sa mga kaya mong gawin. Ito lang ang tandaan mo, hinding-hindi ka makakasabay sa akin dahil magkaiba tayo ng daan.”

Umismid siya at walang lingon-lingon na umalis at iniwan ang babae doon na nakatayo lang. At least, nasa kanya ang huling salita. Napatawa siya sa naisip.

Hindi na bago sa kanya ang mga ganitong senaryo. Nasa isang agency lang silang dalawa kaya hindi maiiwasan na magkita sila. Simula yata ng makapasok silang dalawa bilang trainees sa SA ay nagkaka-iringan na silang dalawa ni Cynthia. 

Matalik na magkaibigan ang dalawa simula ng mag-highschool. Hindi sila mapaghiwalay noon ng dalaga. Kahit saan ay sila ang magkasama. Kaya hindi maiiwasang maikwento niya kay Cynthia ang mga problema niya. Nagtiwala siya sa dating kaibigan na hindi nito ipagkakalat ang mga sikreto niya. 

Pero tingnan mo nga naman ngayon. Ang dating kaibigan pa ang gumagamit ng mga sikreto niya laban sa kanya.

 Una siyang nakapasok sa SA dahil napanood siya ng direktor ng SA na si Sir Albert sa isang pa-contest sa isang mall. Napadaan ito at ng matapos ang contest ay nilapitan siya at nagpakilala. At dahil nga doon ay nakapasok siya sa SA. At bilang matalik na magkaibigan sila ni Cynthia ay siya rin ang nagpakilala sa kaibigan.

Nakapasok ang kaibigan at una pang nag-debut sa kanya. Siya dapat ang mauuna rito pero dahil sa hindi malamang dahilan ay nauna ito sa kanya. Alam niyang may ginawa ang kaibigan at trinaydor siya kaya nakuha nito ang slot niya.

Doon na nasirang tuluyan ang pagkakaibigan nilang dalawa. 

Hindi niya rin alam kung bakit isang araw ay magkagalit na sila at nakikipag-kumpetensiya na sa isa’t isa. Nakikita na lang niya ang sarili na nakikipagpalitan ng maanghang na salita sa dating kaibigan.

Kaya simula noon ay hindi na siya nagtiwala. Wala na siyang pinagkatiwalaan kundi ang sarili. Hindi niya hinayaan ang kahit sino na makapasok sa itinayo niyang pader. At wala siyang hahayaan na may tumibag dito.

Isa na itong ganap na singer at nagsisimula ng mamayagpag sa mundo ng pag-arte. Ang hindi niya lang matanggap ay ang naagawan siya ng dapat ay sa kanya.

Aaminin niya, natatakot siya sa kayang gawin ng dating kaibigan pero pangarap niya ang hinahabol niya. At para sa pangarap ay kaya niyang bitawan ang lahat.

Nasa cellphone ang atensyon niya habang naglalakad sa supermarket ng isang mall. Mamimili siya ng kailangan para sa isang buwan. Wala na kasing stock ang apartment niya ng pagkain. At kung hindi naman siya gagastos ay wala siyang kakainin.

Glass And SpotlightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon